Petal Thirty One: "The Truth Behind That Day"

2K 76 7
                                    

Petal Thirty One: “The Truth Behind That Day”

~**~**~**~**~**~**~**~

He Says

~**~**~**~**~**~**~**~

“Puwede ba, Yuan, busy akong tao. Kung ikaw eh hindi—”

“Kung ba naman kasi pumayag ka na lang na kausapin ko, Xiara, ‘di sana—”

“I told you to talk. So talk,” inis kong sabi.

“I won’t talk here. Marami ang makakarinig at—”

“At ayaw mong maraming makarinig dahil nahihiya ka. Hanggang ngayon, Yuan? Hanggang ngayon ay nahihiya kang makita ng ibang tao na kausap mo ako? Kung nahihiya ka, pwes, ‘wag mo na akong kakausapin kahit kailan. Hindi rin naman kita gustong makausap,” malamig niyang sabi.

Natigilan ako. Pakiramdam ko ay parang nabuhusan ako ng malamig na baldeng tubig.

“Xiara,” mahinang tawag ko.

“Ano na naman ba? Kanina ka pa, ha. Simula first subject, binubulabog mo na ako. Ni hindi ko na nga naintindihan ang itinuro ni Ma’am eh. Kapag ako bumagsak, kasalanan mo.”

“Hindi ka babagsak. Pumayag ka na kasing sumama sa akin,” sabi ko.

“Ayoko. Baka kung ano pa ang gawin mo sa akin,” mataray niyang sabi.

Oo nga naman. Baka hindi ako makapagpigil at pakasalan kita nang wala sa oras.

Teka, ba’t kasal agad? Takte. “Wala akong gagawing masama sa iyo. Pambihira naman,” sabi ko. “Gusto ko lang makapag-usap tayo sa pribadong lugar.”

Tumaas ang kilay niya. “Pribadong lugar? Excuse me? At gaano kapribado ‘yan, ha? ‘Yung tayong dalawa lang ang nasa lugar na ‘yun?”

Nag-isip ako saglit. “Puwede rin.”

Nanlaki ang mga mata niya. “Bastos!”

“Teka, ano naman ang bastos doon? Xiara—”

“Ayoko, ayoko, ayoko. At puwede bang tantanan mo ako? Doon ka sa malandi mong syota,” inis niyang sabi.

“Hindi malandi ang girlfriend ko. At puwede bang huwag mo siyang tatawaging syota?” inis kong sabi.

Tumingin siya sa akin at tumawa nang mapait. “Oh, so you’re defending her? Sabagay, pareho naman kayong malandi. Magsama kayo.”

Agad niyang pinatay ang computer niya at tumayo. Lumabas siya ng office. Sumunod naman ako sa kanya.

Agad naman niya akong tiningnan nang masama. “Ano na naman ba?”

“Sabi mo eh magsama kami ng girlfriend ko. Heto na sumasama ako sa’yo,” sagot ko.

“What? Ako ba, Yuan, eh pinagloloko mo? Just FYI, hindi mo na ako girlfriend,” gigil na gigil niyang sabi.

And just FYI, Xiara, girlfriend kita sa ayaw at sa gusto mo. Tandaan mo, hindi ako pumayag na maghiwalay tayo.”

Nanlaki ang mga mata niya. “Ang kapal ng pagmumukha mong mushroom ka! Hindi pumayag? Psh! Eh tuwang-tuwa ka nga noong pinakawalan kita, ‘di ba? Anong sinabi mo noong sinabi ko ‘yun? Sabi mo… mabuti naman. So ‘wag mo akong gawing tanga dahil para sabihin ko sa’yo, matalas ang memorya ko!” sigaw niya sa akin.

Tss. Ngayon lang niya ako sinigawan nang ganito. At dito pa talaga sa hallway. Nagsitinginan ang mga estudyante. Takte.

Agad ko siyang binuhat at inilayo sa lugar na ‘yun.

Petals of LoveWhere stories live. Discover now