Petal Thirty Seven: "The Aftermath of the Past"

2.2K 68 12
                                    

Petal Thirty Seven: “The Aftermath of the Past”

~**~**~**~**~**~**~**~

She Says

~**~**~**~**~**~**~**~

“As in?”

“Oo nga.”

As in talagang-talaga?”

“Oo nga sabi eh!”

“But I can’t believe it!”

“Well, believe it,” mataray kong sabi.

“Impossible. I mean, ikaw? As in, ikaw?”

“Ano bang sinasabi mong imposible, ha, Shake?” naiirita kong tanong.

“Eh novice ka eh!”

Tiningnan ko siya nang masama. “Kalimutan mo na nga ‘yun. Bakit ba kasi sinabi ko pa sa’yo?”

“Malamang kasi best friend mo ako,” he said smugly. “Pero alam mo—”

“Ano?”

“—isa kang malaking gaga! Gaga ka, Xiara, gaga ka!”

“Hoy! Maka-gaga ka! Bakit naman ako naging gaga?” inis kong tanong.

“Gaga ka kasi pinalampas mo ang pagkakataong sunggaban ang isang masarap na nilalang katulad ni Yuan! Gaga ka! Oh, my gosh, Xiara! Ang gaga mo!” he said in exasperation.

Nanlaki ang mga mata ko. “Shane Kerry Himura, shut up,” I snapped. “Exaggerated ka masyado.”

“Eh kasi naman! Pandesal na, naging bato pa! Hotdog na, naging semento pa! Gaga ka!”

“Anong pandesal at hotdog ang pinagsasabi mo, ha, Shake?”

“’Yung ano…” Lumapit siya sa akin at bumulong.

Nanlaki ang mga mata ko. “Shake! Bastos ka! Bastos!”

Inirapan niya ako. “Bastos? Makapagsalita ka, akala mo naman eh hindi mo muntikang mahawakan ang mga ‘yun!”

Hala. Ang mga pinagsasabi ni Shake… Grabe, hindi ko yata kakayanin pang marinig ang mga pinagsasabi niya.

Inaamin ko… muntikan na. Muntikan na talaga. Hindi ko naman pinagsisisihan ang muntikang iyon, pero alam kong tama lang na hindi iyon nangyari dahil hindi pa ako handa.

At isa pa, hindi kami ni Yuan. Oo, hindi kami. Kahit nalaman ko na ang buong katotohanan, hindi kami. Hindi naman kasi ganoon kadali ‘yun eh. Hindi naman porket nalaman ko ang totoo eh kami na ulit kaagad. Hindi iyon otomatiko. Marami na rin ang nagbago.

Aminado naman ako eh. Mahal ko pa rin siya—mahal na mahal. Pero marami na ring nagbago sa lahat.

… sa sarili ko.

…sa pagkatao ko.

Siguro nga ay hindi pa ako handa. Hindi pa handang…

Ewan. Hindi ko alam. Siguro nga ay magulo ako, ngunit hindi naman ako perpekto eh. May mga bagay pa rin na hindi ako sigurado.

“Ewan ko sa iyong gaga ka. Alam mo, nakaka-frustrate ka,” sabi ni Shake.

Tumango ako. “Ako rin eh. Nafu-frustrate ako sa sarili ko. Pero ganoon eh.”

“Anong ganoon?” tanong ni Shake. Inilapag niya sa mesa ang inihanda niyang merienda. Nandito kami ngayon sa condo niya at nakatambay.

“Ganoon ang nararamdaman ko. Ganoon ang takbo ng sitwasyon ngayon. Magulo. Hindi ko maipaliwanag,” sagot ko.

Petals of LoveWhere stories live. Discover now