Petal Eight: "Imperative Reminders"

2.1K 84 7
                                    

Petal Eight: “Imperative Reminders”

~**~**~**~**~**~**~**~

He Says

~**~**~**~**~**~**~**~

Pumayag siya? Tanga ba siya? Bahala na. Basta kailangan ko ng distraction. Kailangan kong gawin ito para makalimutan ko si Katie. Oo, ginagamit ko lang ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Pero siya ang may gusto nito. Siya ang naunang lumapit sa akin.

“Sino ka nga pala ulit?” tanong ko sa kanya. Halatang nagulat siya. Dismayado yata. Ngunit pasensyahan kami. Kailangan naming magkaliwanagan.

“Xiara. Ako si Xiara Ching,” sagot niya.

“Bakit mo ako gustong maging karelasyon?” diretsahang tanong ko. Namula siya. May ipupula pala itong mukhang multong ‘to.

“Kasi—”

“Never mind,” malamig kong sabi. “Hindi ako interesado kung bakit. Pero gusto kong magkaliwanagan tayo. Una sa lahat, ‘wag mo akong kakausapin sa harapan ng ibang tao, lalung-lalo na sa harapan ng mga kaibigan ko.”

“Bakit?”

“Anong bakit? ‘Di ba halata? Nakakahiya,” sagot ko. Hindi siya umimik. Bahala siya.

“Ikalawa, ‘wag mo akong hahawakan, at ‘wag kang didikit sa’kin,” pagpapatuloy ko. Kumunot ang noo niya. Hindi pa rin siya umimik.

“Ikatlo, ‘wag mo akong tatawagan sa telepono. Hintayin mong tawagan kita. ‘Wag mo rin akong pupuntahan. Hintayin mong puntahan kita.” Nakita kong napakagat siya ng labi Yumuko siya at nilaro ang laylayan ng damit niya.

“At ikaapat, ‘wag mong babanggtin ang pangalan ni Katie,” mariing sabi ko.

Tiningnan niya ako nang diretso. Ngumiti siya. Isang malungkot na ngiti. “Hindi ko alam kung matutulungan kitang makalimutan siya, pero susubukan ko,” nakangiting sabi niya.

Huh? Pumapayag talaga siya? Nahihibang na ba ‘tong babaeng ‘to? Bahala siya.

“Ikaw ang nagsabi niyan,” sabi ko naman.

Hindi ko alam kung ano ang sumagi sa utak ko, pero… “Huwag kang aasa. Huwag mo akong aasahang maging katulad ng inaasahan mong karelasyon. Ngayon pa lang ay sinasabi ko na. Huwag kang aasa. Hindi ko masusuklian ang nararamdaman mo para sa akin. Ikaw ang lumapit. Hindi mo naman siguro inaasahang magkakagusto rin ako sa’yo dahil pumayag ako, ‘di ba? Pumayag ako dahil gusto kong makalimutan si Katie.”

Ito na siguro ang pinakamahabang sinabi ko sa buong buhay ko. Hindi naman talaga ako mahilig magsalita. Pero sa tuwing nakikita ko itong babaeng ‘to, naiirita ako at napapasalita.

Nagulat ako noong bigla siyang nagsalita. “Bakit ako? Kung gusto mo lang makalimutan si Katie, bakit ako pa ang pinili mo? I’m sure eh hindi lang naman ako ang lumalapit na babae sa’yo.”

Hindi na ako nagdalawang-isip pang sagutin ang tanong niya. “Dahil ayoko sa’yo.”

“A-ayaw mo sa akin?” nauutal niyang tanong.

“Oo, ayoko sa’yo. At dahil ayoko sa’yo, mas madi-distract ako. Mas… mas mangingibabaw ang nararamdaman kong inis kaysa sa sakit.” Naalala ko na naman ang nakita ko kagabi. Naikuyom ko ang kamao ko. Hindi siya nagsalita. Nagdadalawang-isip na siguro.

“Pareho lang naman nating makukuha ang gusto natin. Magiging karelasyon mo ako. Madi-distract mo ako.”

Tiningnan niya ako nang matagal. Kung nakakatunaw lang ang mga tingin niya, malamang ay kanina pa ako natunaw.

“Hindi ko alam kung ano ang logic sa sinabi mo. Hindi ko alam kung paano ako magiging distraction. Pero, pumapayag ako,” sabi niya.

Makakatanggi pa nga ba siya? Makukuha rin naman niya ang gusto niya eh. Magiging kami. Malalaman sa buong eskuwelahan ‘yun. Sisikat siya. Mapapansin siya. Hindi ba’t ‘yun lang naman ang gusto niyang mangyari?

Sino naman kasi ang maniniwalang may gusto talaga siya sa akin? Ni hindi nga kami magkakilala eh. Isa lang ang nakikita kong dahilan kung bakit pumapayag siya sa lahat ng ito—gusto niyang maging sikat. Isa siyang nerd at gusto niyang mapabilang sa mundong ginagalawan namin. Idagdag pa ang tungkol sa tatlong buwan. Hindi ba’t ga-graduate na kami pagkatapos ng tatlong buwan? Hindi naman sa gusto ko siyang makarelasyon nang mas matagal pa, pero ano pa nga ba ang dahilan kung bakit tatlong buwan lang ang gusto niya? Alam ko na ang tungkol sa mga ganyan—mga estudyanteng babaeng gusto lang sumikat kaya todo kung makapagpapansin sa mga manlalaro ng eskuwelahan. Pagkatapos ng graduation, sikat na sila. Pagtuntong ng kolehiyo, mas lalong sikat na sila.

Mga babaeng papansin.

Si Katie… Hindi ganoon si Katie. Hindi siya papansin. Kaya alam kong kami ang nababagay. Alam kong hindi niya habol ang maging sikat dahil sikat na siya. Pero wala eh. Kailangan ko na siyang kalimutan. Masyadong masakit. Masyado na akong na-gago. Masyado ko nang ginago ang sarili ko.

“Mabuti at nagkakaintindihan tayo.” Tumayo na ako at tumalikod.

“Yuan?”

Humarap ulit ako sa kanya. “May isa lang sana akong hihilingin,” sabi niya.

“Huwag kang gahaman,” sagot ko. Tumalikod na ulit ako sa kanya.

“Please?”

Hindi ko alam kung anong meron sa boses niyang ‘yun, pero humarap ulit ako sa kanya. Nagbuntong-hininga ako. “Ano ba kasi ‘yun?” iritadong tanong ko.

“Sa loob ng tatlong buwan, hindi ka puwedeng magkaroon ng ibang karelasyon. Ako lang,” sagot niya.

Tumawa ako nang mapait. Ibang klase rin ‘tong babaeng ‘to. Papansin na, gahaman pa. “Babae, ‘di ba sabi ko naman sa’yo, ‘wag kang aasa sa akin? Ibig sabihin, gagawin ko kung anong gusto ko. Magkakagusto ako kung kanino ko gusto,” sabi ko.

“Puwede ka namang magkagusto sa iba, pero hindi mo siya puwedeng makarelasyon,” determinadong sabi niya.

Aba, marunong na siyang mag-demand ngayon? Wala pa nga kaming isang araw, demanding na? Mga babae talaga…

“I’ll do my best to help you forget her, but I hope you do your part, too,” seryosong sabi niya.

“Oo na, sige na,” pasukong sabi ko. Tatlong buwan lang naman ‘yun. Isa pa, ‘di ko naman makakalimutan si Katie sa loob lamang ng tatlong buwan. Paano ako maghahanap ng iba? Baka nga mauna pang matapos ang kasunduan namin kaysa sa pagkalimot ko kay Katie.

Ngumiti siya. Hindi ko mawari kung masayang ngiti ba ‘yun o malungkot na ngiti. Wala akong pakialam. Basta simula ngayon, kailangan kong makalimutan si Katie. Kailangan ko ng distraction.

At si Xiara Ching iyon. Siya ang magiging distraction ko.

~**~**~**~**~**~**~**~

Dyosa Maldita Creations = R│E│A│D│L│I│N│E│S

“Typographical Errors inevitability.”

Plagiarism is a crime. Let’s create our own.”

“Say ‘NO’ to unauthorized distribution of online manuscripts. Let’s give respect to the creators and their creations.”

谢 谢

Dyosa Maldita

~**~**~**~**~**~**~**~

Petals of LoveWhere stories live. Discover now