"I'm coming." sagot niya at bahagyang sinulyapan si Kristof na prenteng nakaupo sa bench. Abala ito sa paglilibot-libot ng tingin sa mga malalaking frame na nakasabit sa wall sa likod ng hall.

"Don't worry I'll take care of him." nakangiting sabi ni Tasha at naglakad na ito papunta sa kinaroroonan ng binata.

"Behave Tasha." banta at paalala niya dito.

Nakangising nilingon siya ng kaibigan. Tila nang-iinis pa ang loka-loka. "Magfocus ka sa photoshoot Zean. And stop being jelly ok?"

"I'm not jealous." she mouthed for her not to be heard by everybody including him and especially him.

"Really?" nang-aasar na tanong sa kanya ng kaibigan. "I don't believe you. Because it's too obvious that you still care."

"Baliw!"

__ __ __ __ __ __

"Zean, ano bang problema mo? Is there something bothering you? Hindi ka ba komportable sa suot mo?" sunud-sunod na tanong sa kanya ng photoshoot organizer. "It seems like you're not in the mood. What's the matter?"

Halos ay dalawang oras na kasi sila sa photoshoot ngunit hindi niya magawa ng tama ang anggulong gusto at pinapagawa ng mga ito sa kanya.

Wala naman siyang problema. It's just that, she can't concentrate. Paano naman kasi, naaasiwa siya sa tinging ipinupukol ni Kristof sa kanya. Kinakabahan at naiilang tuloy siya na hindi niya mawari. Hindi kasi siya sanay na pinapanuod siya nitong magpose sa harap ng camera. Hirap na hirap tuloy siyang ngumiti dahil alam niyang nakatingin ito sa kanya. Iniisip pa lang niyang nakatitig ito sa kanya ay para na siyang natutunaw na yelo. Nanginginig ang mga tuhod niya at nahihirapan siyang huminga. Bakit pa kasi sumama-sama pa ito? Hindi tuloy niya magawa ng maayos ang mga pinapagawa sa kanya.

At maliban doon ay kitang-kita niyang nagkukwentuhan ito at si Tasha. Paminsan-minsan pa ay nagtatawanan ang mga ito. At hindi niya maitatangging labis na nagngingitngit ang kalooban niya sa nakikita.

"Nothing. Can I take a break?" nanghihinang tanong niya sa kaharap. Pagod na siyang ngumiti sa camera. At sa totoo lang ang nangangawit na siya sa kakangiti.

Napabuntong hininga ito. "Fine." tugon nito.

Napabuntong hininga siya at problemadong umupo sa upuang nakalaan para sa kanya. Nang sulyapan niya ang kinaroroonan ng dalawa ay sumimangot siya nang makitang tumatawa na naman ang mga ito. It seems like they're enjoying each other's company. Mahigpit niyang ikinuyom ang mga palad. Aaminin niya kaya nagngingitngit ang kalooban niya, iyon ay dahil nagseselos siya sa nakikita niya. At naiinis siya sa sarili niya dahil wala naman siyang karapatan para maramdaman iyon. Dahil una sa lahat, ipinagtatabuyan niya ito palayo. At ipinaparamdam niyang ayaw niya dito and that she hate him. Nang dumako ang tingin ni Kristof sa kanya ay binigyan siya nito ng isang ngiti. Imbes na matuwa ay tinaasan niya ito ng kilay.

"What are you smiling at huh?" frustrated na tanong niya. Sa sobrang inis niya ay tumayo siya at nagdadabog na nagmartsa patungo sa comfort room at nagkulong doon upang payapain ang sarili. At some point ay naiinis din talaga siya sa sarili niya. Parang mas gugustuhin na lang yata niyang mabaliw kesa maramdaman lahat ng nararamdaman niya ngayon. Problemadong napasabunot siya sa buhok.

"What do you want Zean? Ang gulo mo." frustrated na napatitig siya sa repleksiyon niya sa salamin. "Galit ka pero mahal mo siya. Gusto mo siyang pahirapan pero ayaw mo naman siyang sumaya sa piling iba. Ang gulo-gulo mo. Ano ba talagang gusto mo?" parang baliw at tangang kinausap niya ang sarili sa salamin.

Hindi niya alam kung gaano na siya katagal sa loob. Nang maramdaman niyang medyo ok at nahimasmasan na siya ay lumabas na siya doon. Hindi pa man din siya nakakahakbang ay nagulat na lang siya nang may yumakap sa kanya. Sa matinding gulat niya ay pilit siyang kumawala sa pagkakayakap ng kung sino mang yumayakap sa kanya.

YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ