Chapter 21:Complicated:Part II

2.5K 103 3
                                    


Bunny's POV

"Re-Renz, h-hindi"

Hangang sa napaupo na lang ako , hindi ko nanaman naligtas ang isa sa mga kaibigan ko .

Maya-maya ay naramdaman kong tumulo ang aking mga luha

"I-isa nanaman " gulat na sabi ni Jasmin

"Tara , puntahan natin sina, Marvin sa taas sabihin natin ang nangyari"

Rinig kong saad ni Angel, at umakyat na sila .

Samantalang ako nandito pa din sa harapan ng pinto , tinitignan ang walang buhay at duguan na katawan ni Renz.

Flashback

Nagulat ako nang makita ko ang litrato namin nuong Fieldtrip

Nakita ko duon na nawala bigla ang ulo ni Genea at Jhorene , at maging ang ulo ni Brix ay nawala na din dito.

At kinabahan ako ng makita ko ang mukha ni Renz na unti unti na ding nawawala sa larawan

Kaya napatayo ako agad at lumabas ng bahay , narinig ko pa na tinawag ako ni mama pero nagpatuloy pa din akong lumabas ng bahay at sumakay ng trycicle

Pagkababang-pagkababa ko pa lang sa Trycicle ay agad na akong nagbayad at nagpunta sa gate , kaso duon ko lang napagtanto na hindi pala ako naka uniform

Nagmakaawa ako sa mga guards kaso ayaw nila akong papasukin hangang sa may narinig akong tumawag sa akin.

Nagtaka naman ako ng lubusan dahil , parang kilala ko yung babae, at naalala kong siya pala yung transferee na bago ,at kasama niya ngayon si Jasmin

Nakapasok naman ako, dahil sa palusot ni Ginawa ni Angel.

"Ikaw, bakit ka nandito ? Diba absent ka?" Tanong sa akin ni Angel

At biglang nanlaki ang mata ko nang maalala ko kung bakit nga pala ako nandito

Pesteng guard kaseng yun!

"Kaylangan nating magmadali" yun na lamang ang nasabi ko bago kami tuluyang makapasok sa Loob

End Of Flashback

"Anong nangyayari di--- oh jusko! Anong nangyari?!!"

May dumating na isang teacher, siguro ay napansin niya kung bakit nag kukumpulan ang mga lalaking istudyante dito.

Hindi ko na narinig pa ang naging sagot ng ibang istudyante dahil , iniisip ko ngayon kung ano na ba ang pwede kong magawa? Iniisa-isa niya kami , at nanganganib na ang buhay namin.

Jasmin's POV

Kinakabahan man ay agad na kaming umakyat ni Angel, nag-hagdan na lang kami. Baka kung ano pa ang mangyari kapag nag elevator kami .

Pagka-apak pa lang namin sa 5th Floor ay bigla naman akong kinabahan, bumilis bigla ang tibok nang aking puso.

"Gel, bilisan natin!" At agad ay napatakbo sa tapat ng Room namin at agad itong binuksan

Duon ay nakita namin ang mga kakase namin na nasa harapan na sama-sama at nakapapikit .

A-anong ginagawa nila ?

"Anong ginagawa niyo?" Sambit ni Angel at dahan dahan nilang minulat ang kanilang mga mata

Nabigla naman kami nang makita naming nag iyakan ang iba kasama na sina Caryl at Adee .

Pumasok naman kami ng tuluyan sa loob at nakita namin ang isang katawan

"AHHHH!" Napunta nanaman ang atensyon ng lahat nang marinig nilang sumigaw si Angel.

Nakakagulat , mukhang may nangyari nga !

Hindi din ako halos makagalaw nang makita si Mark na Duguan ang mukha , parang inuntog iti ng ilang beses sa pader , dahil makikita din sa pader ang mga dugo.

Agad nag si puntahan ang lahat kung saan kami naroroon

"Maaarrkkkk!" Muli ay madidinig nanaman ang mga hagulhol nang ibang mga kaklase ko .

Third person POV

Hindi alam nang Class 103 ang gagawin , ang iba ay umiiyak at ang iba naman ay tulala lamang .

Nilapitan ni Jasmin sina Saveena na pinapatigil naman sa pag-iyak sina Adee at Caryl.

"Okay na ba kayo?" Tanong ni Jasmin

Tumango naman sila.

Aalis na sana siya nang bigla siyang tawagin nina Saveena

"I-ikaw? Okay ka lang ba ?" Nahihiyang tanong ni Heidi

Ngumiti na lang ang dalaga tsaka tumango.

Agad naman siyang pumunta kay Marvin.

"Marvin may nangyari kay Renz"

parang binuhusan naman ng malamig na tubig si Marvin, dahil parang alam na niya ang nangyari.

"Angel, tawagin mo sina Ma'am Mila"

Lalabas pa lamang si Angel nang biglang pumasok ang Guro kasama nang dalawa pang guro.

"O jusko!, anong nangyayari dito?!" Halos pasigaw na sabi ni Ma'am Mila at napaiyak na lang siya.

Walang maririnig sa kwartong iyon kundi hagulhol ng ibang istudyante at ni Ma'am Mila na hindi na alam ang gagawin.

Nagtitinginan na din ang ibang mga istudyante sa labas kaya naman ay agad itong inasikaso nang ibang mga guro .

"Ano ba namang nangyayari sa section na to" bulong ni Mr.Jepoy na isa sa mga teacher na kasama ni Ma'am Mila

"Ang daming nag kakandamatay" saad naman ng isa pang guro na si Ms.Cess.

"Tumawag na nga pala ako ng Ambulansiya at mga pulis, hayst ano ba namang nangyayari dito" saad ni Mr.Oliver ang tito ni Jasmin.

Lahat ay nag tatanong kung ano nga ba talaga ang nangyayari sa Class 103.

Maya-maya pa ay dumating na ang mga Pulis, kinuha naman ng mga nurse ang bangkay ni Mark.

"K-kuya, ma-may bangkay din po pala sa 3rd Floor " sabi ni Angel na kinagulat naman ng iba.

"Wala na din si Goron, nakita siya sa CR na wala nang buhay" saad namag ng Guro nila.

Sa katunayan, kaya nga ito pupunta ng Kwarto ay para ipaalam ang nangyari kay Renz, ngunit hindi naman niya akalain na may isa pa palang bankay ang kanyang madadatnan.

Nanahimik naman ang lahat habang naka upo

Naroon pa din ang ibang mga guro na kasama ni Ma'am Mila.

Tinanong sila nang mga pulis kung anong nangyari, at kinuwento naman ni Marvin ang lahat nang naganap nang mga oras na iyon

Bakas sa mukha nang mga guro na naroroon ang Pagkagulat at naguguluhan sila

Maari nga kaya ? Totoo nga kaya ang sinasabi nang mga batang ito?

Mga katanungan na nag lalaro sa kanilang mga isip.

-----------

A.N: Complicated , kase nahihirapan akong mag isip nang mga mang yayari , sobrang komplikado HAHAHAHAHA LOL .

Anyway maraming Salamat sa mga nagbabasa at Advance Thank You sa mga magbabasa pa lang . Pag tiyagaan niyo na itong chapter na ito . Hahahahaha

Annyeong!

CLASS 103 (Completed)Where stories live. Discover now