"Akala ko boyfriend mo. Bagay pa naman kayo" Jana chuckled at umakbay naman sa kanya si Bea.

Napaiwas nalang ako ng tingin. Edi kayo na. Nakakapit na nga na parang tuko, aakbayan pa. Ano? Mawawala? Bata? Tss.

"Sabi ko nga rin sa kanya eh" Tumawa si Ged at bumulong "Soon to be boyfriend palang daw"

Nabalik ako sa katinuan ng sabihin yun ni Ged. Ang tibay naman pala. Self-proclaimed si ate. Sinabunutan ko nga. Walang hiya eh.

Natigil kami sa bugbugan ng umubo si Bea na halata namang peke! Wala bang ibang style diyan? Bulok na yun eh.

"We should go. Ingat kayo." Seryosong sabi ni Bea. Bakit? May lakad pa sila? Edi wow.

"Kayo din! Ingat and nice to meet you Bea!". Ngumiti siya kay Ged bago humarap sakin.

"Ingat ka" umiwas ako ng tingin at tumango nalang.

"Bye Jho! See you around!" Jana said at nakipagbeso sa akin "Let's go, babe" kumapit pa siya sa braso ni Bea at naglakad na sila paalis.

Babe?! How dare she, use our endearment before! Argh. Ang landi landi! Mga hayup!

"Let's go na rin, babe" napairap ako habang tumatawa tong mokong na to.

"Tigil-tigilan mo ko, masasapak kita"

"Whoa. Chill there, mowana. Bakit mainit ulo mo?"

"Gusto ko na umuwi. Inaantok na kasi ako"

"Sige. Hatid na kita"

"No need, may dala akong kotse"

Nakipagtalo pa siya pero syempre hindi siya nanalo. Pag ayoko, ayoko talaga. Lalo na ngayong badtrip ako. Baka ma-ispike ko siya bigla.

"Bi, ba si Bea? Kasi tinawag siyang babe nung kasama niya. Ibig sabihin girlfriend niya yun?" Biglang tanong ni Ged habang naglalakad kami.

"Malay ko" sagot ko nalang.

"Bestfriends kayo di'ba? May issue pa nga dati na naging kayo daw" natatawang sagot niya kaya bigla siyang napahinto sa sagot ko.

"Oo nga"

"H-huh?!"

"Bestfriends nga kami.. Dati"

Nauna akong maglakad at sumunod naman siya.

"Kala ko naging kayo nga dati"

Hindi nalang ako sumagot. Baka mawindang siya pag nalaman niyang ex ko si bea. Tsaka hindi naman na kailangan sahihin sa iba. Past is past nga diba?

"Teka, bakit dati? Ngayon ba hindi na?"

Nilingon ko siya at nagkibit-balikat.

"Hindi na eh"

"Bakit naman?"

Huminto ako at humarap sa kanya.

"Kalalaki mong tao, ang tsismoso mo"

"Nagtatanong lang naman" inirapan ko siya at maya-maya nakarating na rin kami sa tapat ng kotse ko.

Napalingon ako sa gilid at napansin kong wala na yung kotse ni Bea. Baka may date pa. Tss

"Nakakunot na naman yang noo mo"

"Nakakairita kasi yang mukha mo" sabi ko sabay tabig ng mukha niya palayo "Sige na, alis na ko. Ingat ka. Salamat sa pag-sama sakin" nginitian ko siya at pumasok na ko ng kotse.

"You're welcome. Malakas ka sakin eh. Bukas ulit?"

"Marami akong gagawin" ini-start ko na ang sasakyan "Maybe next time"

Complicated HappinessWhere stories live. Discover now