Chapter 6 : Start

3.8K 108 7
                                    

Agad akong bumangon at naghanda na para pumasok, narinig ko na kasi ang alarm clock ko. Hindi ko pa pala napa-plantsa yung uniform ko. Sabado kase nangyari yung Fieldtrip at Monday na ngayon. Kukunin ko na sana yung uniform ko sa cabinet nang mapansin kong plantsado na pala ito, hay buti na lang pala inayos na ni mama.

Bumaba na ako agad matapos kong maligo, isinuot ko na din ang uniporme ko para deretsong pasok na pagkatapos kong kumain.

"Oh Kumain ka na dito" Pag-aaya sa akin ni Mama. Mabilis na akong pumunta sa hapag-kainan at nakita ang mga hinandang pagkain ni mama, umupo na ako sa upuan at nagsandok na ng kanin.

"Buti na lang ma pin-lantsa mo na tong uniform ko"

"E sa nakita kong gusot gusot pa e, kaya inasikaso ko na kagabi"

Sagot naman ni mama sa akin, napangiti naman ako doon.

Kinain ko na ang mga nakahain sa lamesa at pagkatapos iyon ay umakyat akong muli sa itaas upang mag tootbrush, kinuha ko na din ang mga gamit ko at bahagyang nakita ang orasan.

"6:05 pa lang naman, maya maya na ako papasok" bulong ko sa sarili ko.

Nag-open muna ako ng Facebook. Grabe ang bilis ng panahon October 25 na pala ngayon.

Nakatanggap naman ako ng chat mula kay Jhunrey, sabi niya na pumasok daw ako ng maaga dahil may ibibigay daw siya sa akin. Kaya tumayo na ako at nagpa-aln kina mama, kagigising lang din pala ni lola, pumara na ako ng Jeep at mabilis na sumakay.

Nang makababa ay dumeretso na ako sa aming kwarto. Pagkabukas ng pinto ay narinig ko agad ang boses ni Rina.

"Grabe ang dami mo namang pera bakla !"

"Gaga humingi lang ako kay Mama nang pang pa-develop niyan"

Pagkapasok ko kase ay naabutan ko si Rina na kausap si Jhunrey habang may tinutignan, ano naman yun?

"Oh? Ano naman yan? "
Tanong ko sa kanila at napadawit ang atensiyon nila sa akin.

"Ahh ito yung mga litrato na kinunan natin, yung Buong Section tayo, nag padevelop kase ako ng 47 copy para lahat tayo meron." Paliwanag ni Jhunrey, nilapag ko ang bag ko sa upuan at lumapit pa sa kanila

"Wow, yan na ba yun ?"

"Oo , ito oh itabi mo yan ha , mahal mag pa develop niyan!" sabi pa niya sa akin at tsaka binigay yung isang kopya, ngiting tinanggap ko naman ito at tsaka pinagmasdan.

"Dapat nag post ka na lang sa Facebook o kaya Instagram, tapos tag mo na lang kaming lahat" pang aasar ko.

"Nagrereklamo ka pa te ? Akin na nga yan " akmang kukunin sana ulit niya sa akin ang litrato pero mabilis ko din itong tinago sa likod ko.

"Joke lang , haha Salamat" at itinabi ko na ito sa Bag ko, lalagay ko na lang yun mamaya sa Picture Frame.

Dumating naman ang teacher namin sa Web. Prog 4 na si Sir Enzo. Nagsimula na siyang mag Discuss about sa mga Coding at Etc.

After that ay nag-hintay naman kami para sa susunod na Subject.
Kaso naramdaman ko na naiihi na ako kaya lumabas muna ako saglit at pumunta ng CR.

Pumasok ako sa isa sa mga Cubicle na naroon at maya-maya ay naramdaman kong may pumasok din sa isa pang Cubicle.

"Anong gagawin ko!" Sabi nang isang babae, kung hindi ako nagkakamali ay si Genea ang nag-mamay-ari ng boses na yun.

"Wala bhes. Wala kang dapat gawin" sabi ni Jhorene.

Bakas sa kanila ang pag-aalala at takot, pero bakit?

"Sabihin na kaya natin kay marvs?" Sabi naman ni Maria.

CLASS 103 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon