*****

"Hey, you're spacing out" hinawakan ni Ged ang kamay kong nasa table. Ngumiti ako sa kanya

"Sorry. Naalala ko lang si ate Ella habang kumakain"

"Lagi mo silang binabanggit pero si Jia palang ang nam-meet ko" nag-pout siya kaya napairap ako.

"Ang arte mo. Tumigil ka"

Natawa nalang siya at bumalik na kami sa pagkain.

Hindi ko na ulit nakita si Bea pagkatapos non. Hindi ko alam kung nag-stay ba siya dito o bumalik na rin siya ng US. Wala naman akong pakialam. Tapos na kami, hindi ko na dapat inaalam ang mga bagay tungkol sa kanya.

Pagtapos namin kumain ay nag-aya na rin akong umuwi. Ngayon kasi lilipat si Jia sa appartment ko. Sa wakas! May makakasama na ko.

"Inlove ka ba? Ngumingiti ka mag-isa eh"

"Shut up, Gerard Matthew. Mag-drive ka nalang"

"Hindi nga?" Napalingon naman ako sa kanya.

"Anong hindi nga?"

"Inlove ka ba?" Natawa tuloy ako sa tanong niya.

"Wala nga akong feelings. Ang kulit niyo"

"Ako, meron"  mahina yung pagkakasabi niya pero narinig ko. Kunyari nalang hindi ko narinig para matapos na yung usapan. Ayokong ma-awkward sa kanya.

Ayoko mag-assume pero kasi hindi naman normal sa magkaibigan yung mga pinapakita sakin ni Ged. But still iniisip ko pa rin na clingy, sweet at caring lang talaga siya sa mga friends niya kaya hinahayaan ko nalang. He's a good friend anyway.

Pagkarating ko sa appartment maya-maya lang dumating na rin si Jia.

"Bukas pa dadating mga gamit ko" sabi niya pagtapos uminom ng tubig

"Hindi kita matutulungan mag-ayos, may pasok ako bukas"

"Ok lang. Tutulungan naman ako ni Miguel"

"Edi ikaw na may jowa" tinawanan niya naman ako.

Ngayon lang rin kami nagkita ulit ni Jia. Hindi namin napagusapan ang nangyari nung gabing yon. Pagkatapos kasi ng naging pagtatalo namin ni Bea ay umalis na ako. Ayoko sana dahil nakakahiya naman kay ate Ly pero anong magagawa ko? Hindi ko kayang manatili sa iisang bubong na kasama si Bea.

Nag-ayos na ako para matulog. Hindi pa maayos ang kwarto ni Jia kaya tabi muna kami ngayon. Nakahiga na ko ng lumabas siya sa banyo.

"Hoy bes. Kala mo nakalimutan ko na? Magkwento ka" napa-irap ako ng magsalita si Jia. Akala ko pa naman makakatulog ako ng tahimik.

"Ano na namang ikukwento ko?"

"Aba edi yung ganap niyo ni Bea nung nakaraan! Lakas niyo maka-telenovela, may sampalan pa eh" binato ko siya ng unan pero nasalo niya lang.

"Ano pa bang ikukwento ko? Eh nakita niyo naman lahat"

"Bakit mo ba siya sinampal?" Umupo siya sa tabi ko.

"Eh kasi gago siya"

"Ay grabe siya oh"

"What? Totoo naman" pumikit ako para mawala ang inis ko. Ang kapal ng mukha niyang sabihin na hindi pa kami break. Pagtapos ng tatlong taon na wala siya? Ano pa bang inaasahan niya? Na walang magbabago? Na pagdating niya tatakbo ako at yayakapin siya habang umiiyak? Aba sinuswerte naman ata siya.

"Galit ka pa rin ba sa kanya?"

Natahimik ako sa tanong ni Jia. Ilang segundo pa ang lumipas bago ako nakasagot.

Complicated HappinessWhere stories live. Discover now