"Hey, don't say like that."

She sighed, worriedly. "You know we can't stay here forever right? paano kung kukunin ka nila dito?"

Umiling ako. "Hindi naman ako sasama sa kanila e."

"Kahit na. Kahit pa ayaw mong sumama, pipilitin ka pa rin nila, and I don't have the rights para tigilan sila, they are your parents. At kahit ikulong pa kita sa loob ng rest house, kukunin at kukunin ka parin nila sakin." she suddenly burst into tears. "I can't afford to lose you, Ava. Masyado kitang mahal, hindi ko alam kung ano ang manyayari sa akin kung wala ka."

"Trix..." nagsimula ulit tumulo ang luha ko.

"I love you so much, love." she kissed my nose while teary eyed.

"I love you too, so much." puno ng pagmamahal na tugon ko.

"Just promise me, please. Promise me na hinding-hindi ka magpapakasal kay James."

"I won't. I promise."

Her lips twitched a smile. "Sa akin ka lang dapat ikakasal, diba gusto mo ng beach wedding?"

I laughed between tears. "Oo, beach wedding."

"That's my girl." she kissed the top of my head.
Nasa ganitong eksena kami nang marinig namin ang boses ni Mimi—Ang caretaker ng rest house. Sabay kaming napalingon ni Trixie dito. Napakunot noo ako nang makita itong tumatakbo palapit sa amin.

"Ma'am." anito nang makalapit, habol nito ang sariling hininga.

"Anong nangyari? Bakit ka tumatakbo?" takang tanong ko.

"Ma'am may mga bisita ho kayo. Hinahanap ka po." sagot nito dahilan para magkatinginan kami ni Trixie sa isa't-isa.

"Ako 'yong hinahanap?" baling ko ulit kay Mimi.

"Opo, kayo ho."

"Teka, sino ba sila?" tanong ni Trixie.

"Hindi ko po kilala Ma'am Trix, pero sa tingin ko ho kilala ho niya si Ma'am Ava."

Nanlaki ang mga mata ko, bigla akong nakadama ng kaba. No, it can't be. Napatingin ako kay Trixie at tulad ko'y ganon din ang reaksyon niya. Oh god. Parang kilala ko na ang tinutukoy na bisita ni Mimi.

Sabay kaming tatlo bumalik ng rest house. Mas lalo akong kinabahan nang matanaw ang dalawang pamilyar na kotseng nakaparada sa labas ng gate. Shit, it's my parents!

Pagpasok namin sa loob, natuod ako sa kinatatayuan ko nang makita si Mama nakaupo sa sofa. Pormal na pormal ang itsura nito; walang anumang emosyon sa mukha. Ito lang mag-isa maliban sa dalawang bodyguards na ilang layo lang nakatayo sa unahan.

"Love, do you know her?" rinig kong tanong ni Trixie.

"Yes." I glance at her. "She's my mother."

She gasped. "Paano niya nalaman nandito ka?"

"Hindi ko alam," muli akong tumingin sa kinaroronan ni mama. Nandito parin ang kaba sa dibdib ko. Humugot ako ng malalim na hininga at dahan-dahang naglakad patungo sa kinaroroonan nito. "Ma," I called her attention.

Lumingon ito sakin. "Avallaine."

Yumuko ako at nagmano dito. "Paano mo ho nalaman nandito ako?"

"Hindi na mahalalaga kung paano ko nalaman." she answered in a cold tone.

Hindi ko magawang makasagot, bagkos lumingon lang ako kay Trixie at senenyasan siyang lumapit.

"Magandang araw po, Tita." magalang na bati niya kay mama. Yumuko siya at nagmano din dito. I was waiting for my mother's reaction but unfortunately she still remains her expression. Tumango lang ito kay Trixie bago itinuon ang mata sakin.

Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️Where stories live. Discover now