Sumunod ang pagtunog ng string instruments. Pagkatapos, ay mga magagandang boses na kung hindi lang dahil sa malungkot na tono, aakalain mong awitin ng anim na muses.

"Listen to the voice you hear..."

Bawat kataga ng pagkanta ay pumapasok sa isipan ko.

"Let our sound draw you near..."

Sinusubukan kong wag ipikit ang mga mata ko.

"It is okay to be tired my dear..."

Unti-unti ng nanghihina ang katawan ko.

"You're safe, you're ours to keep..."

Naramdaman ko ang wave ng pagod mula sa tenga saka kumalat sa buong katawan ko.

"So close your eyes... And sleep..."

Para akong lasing na naglakad hawak-hawak ang nanlalamig kong mga braso.

Nag-on naman ulit yung mga ilaw kaya dumiretso ako sa couch sa tapat ng screen.

"BRO?" kung saan napapadpad ang mga mata ko kesyo malabo talaga ang pananaw ko.

Bumibigat kasi ito sa bawat kurap.

"Shhh demigod..."

Hinigpitan ko ang pagkahawak sa leather ng couch para maiwasang ma out-of-balance.

Naalala ko tuloy nung nasa terraria pa kami, hinahabol kami ng terrarians. Saka sa digmaan nang nakidnap kami nila Kaye.

Putangina.

Palagi nalang ba kaming mahihimatay ng ganito?!

Bumalik na naman ang tunog dahilan na mapapikit ako ng panghuli bago bumulagta sa sahig.

•••

"Hinahanap na kaya nila tayo?" nakaangat ang noo ko sa only source of light dito sa loob ng dungeon. Tatlong butas sa itaas namin.

Humiga ako sa sahig na gawa sa bato. Pati pader gawa rin sa bato.

Lahat ata. Kasali na rin abs ko.

"We're on the middle of an islet or something... di ko nga lang kaya ang makapal na foundation ng dungeon na'to." halatang pagod na sa paghahanap ng tubig si Dio. Bakas sa mukha niya ang dismaya.

Nilingon ko sila na katulad ko, ay nakagapos rin ng silver chains.

Pero nakuha ang atensyon ko sa tatlong pares ng mga mata na nakasilip sa likuran ng katapat pa naming dungeon.

Binigyan ko sila ng malumbay na ngiti.

"Ang cute niya... hihihi" nag echo sa buong lugar ang mga giggles nila.

"Kanina pa kayo jan?" tanong ko sa kanila kaya napatingin na rin sa kanila sina Dio.

Sabay silang tumango matapos magkatinginan.

"Ah... may names ba kayo?"

"Tsk. Galawang Chase." nakangiting sambit ni Dio.

Sinamaan ko siya ng tingin saka binalik ang atensyon sa mga nakatago't sumisilip.

"Sheshira..."

"Almopithena..."

"Erenisha.."

Kami na namang apat ang nagkatinginan. Kinanta kasi nila ang mga pangalan nila.

"Uhh... sweet voices. Pwede nyo ba kaming kantahan?" natahimik sila pagkatapos kong magrequest.

Naririnig namin ang mga boses nilang nagbubulungan. Sa huli, tumango sila at nagpasyang bigyan kami ng chance since prisoners naman daw kami. Maaari dawng huling request na namin 'yon.

Lumabas sila mula sa madilim na bahagi ng dungeon at naglakad papunta sa'min.

Napalunok ako matapos makita ang tatlong babae na nakahubad. Walang takip sa mga katawan nila maliban nalang sa dala-dala nilang maliliit na harps.

Maganda man ang figures nila, minus one naman ang mga pakpak nila na sunog at sira.

Umupo silang tatlo sa harap namin at pinatong ang mga instruments sa hita nila.

"Follow the breeze, let the air make its way..." nagsimula na silang kumanta kasabay tugtog ng malungkot na tono.

"Make the moon rise, let the night become the day-" kusa silang tumigil at napatingin kay Cal.

"I command you to stop." galit na tugon ni Cal na tila alam niya ang patutunguhan ng kanta nila.

"We're sorry... This is the only song we know.." mahinang sagot ni Sheshira saka sila nagpatugtog ulit matapos huminga ng malalim.

"Open your minds and let us in.. Feel the pain slowly begin..."

Katulad ng kanta nila, unti-unting sumakit ang ulo namin.

Eto na.

"Make the wounds run deep... Cuts and bruises, let them creep..."

Napasigaw ako sa biglaang paghapdi at pamumuo ng mga sugat sa iba't-ibang bahagi ng katawan ko.

"M-MAKE IT STOP!" hiyaw ni Dio na nakahiga na sa sahig at naliligo ng dugo.

"Don't let them breathe.. Harness the energy underneath..."

Galing sa kneeling position, bumagsak ako sa mga bato at napayuko. May mga broken shards na sumubsob sa tuhod ko. Pero balewala lang ito sa tinding sakit na naramdaman ko ngayon.

"Give birth to more pain... should your blood rain. The suffering will only be stopped, when one reaches the open..." huli nilang kanta saka nagmamadaling umalis.

Talagang lalala ang sitwasyon namin dito pag hindi kami makalabas.

"We need to g-get out of here." humihingal si Trev na may mga bukas na sugat sa braso at leeg.

Napangiwi ako sa sakit nang may namuo na namang sugat sa dibdib ko.

Naghahanap ng hangin, puno ng sugat at mabigat ang katawan, napasandal ako. Ramdam na ramdam ang pagkatalo.

Mga puchang Sirens!

The Last Elysian Oracle (Soon to be Published under PSICOM)Där berättelser lever. Upptäck nu