Dumating ako sa mall at exactly 12nn kaya naglunch muna ako bago umikot. 


Matapos kumain ay una akong pumunta sa national bookstore, my considered haven. I checked the latest novels, may isang series akong nakita, the cover is cute, the plot is just so-so, parang gusto kong bilhin pero inisip ko kung mababasa ko ba 'yon. And the answer is no, so binitawan ko nalang at lumipat sa kabilang shelf.


Halos naikot ko ang book section sa NBS pero wala akong natipuhang bilhin. Maybe next time. Lumabas na ako at umikot sa ibang store.


Christmas decorations are scattered everywhere, puro Christmas songs din ang naririnig ko sa paligid. Naramdaman ko bigla ang Christmas vibe. 


Bigla kong naisip na mamili ng Christmas gifts. Right. Napangiti ako saka pumasok sa perfume store na nakita ko. I love gift giving, at taon taon naman akong namimili ng gifts, sadly, iilan lang ang mga taong binibigyan ko ng regalo. Sila yung mga tao na bukal sa loob kong bigyan. 


Meg loves collecting perfume, kaya every year ay puro iyon ang ibinibigay ko sa kanya. Wala siyang specific scent na hinahanap, basta perfume at pangbabae, nagugustuhan niya agad. Minsan ako nalang ang nagpapahirap sa sarili ko sa pamimili ng perfume, katulad ngayon. I can't decide what to buy.


That wench, sabi ko hindi ko na siya ituturing na kaibigan dahil sa bigla niyang pag-iwan sa'kin sa Thelistine, pero dinaan daan niya ako sa patawag tawag niya kaya kinain ko rin ang sinabi ko. 


Natawa ako ng mahina, may lumapit na saleslady sa'kin at bago pa niya ako matanong ay tinuro ko na ang isa sa pinagpipilian kong perfume kanina saka pinabalot.


One down. Lumabas ako ng shop with joy in my heart, like I'm satisfied with what I've brought.


Umikot pa ako, iniisip kung anong bibilhin na regalo for my nanny, granny, cousin Elmo, and Timothy. Silang lima lang naman ang binibigyan ko ng regalo taon taon.


Nadaanan ko ng tingin ang men's hat na nakadisplay sa isang store. Naisip ko si Timothy kaya pumasok ako sa loob ng store na 'yon.


Timothy is a dear friend of mine, I kind of like him before pero nawala rin 'yon at hindi ko alam kung kailan. He looks like a juvenile kaya inayawan agad siya ni dad noong unang beses palang na dalhin ko siya sa bahay. Ginamit ko iyon para mas lalong magrebelde, I made them believe na boyfriend ko si Timothy. Dad went ballistic pero wala siyang nagawa para hiwalayan ko ang lalaki. The charade continued and for some unexpected happening, naging kami talaga but it went for only... 2 months? I don't know. We both realized that we're nothing more than friends. Kaya brineak namin ang real at pinagpatuloy ang reel.


Hanggang ngayon ang alam nila ay kami pa rin. Only Meg... and now Caile, knew what's true.


May inabot akong ivy hat at sinipat iyon.


Upon remembering Caile ay bigla ko siyang naimagine the hat that I am holding. It looks great on him kahit nasa isip ko lang ang image na 'yon. 

Ways For Her To Dislike HimWhere stories live. Discover now