"Let's go?" Kinuha niya ang kamay ko at humarap sa team "ano guys? Sinong sasama?"

Syempre sumigaw lahat. Libre yan eh.

"Iba talaga ngiti ni Bea ngayon eh" pangaasar ni Jia habang kumakain kami

"Oo nga. Tapos ang taas pa ng energy" dagdag pa ni Mich

"Namiss ko lang kayo, guys" sagot ni Bea

"Hindi eh. Iba talaga" tumingin bigla si Jia sakin "Jhow, san ka natulog kagabi? Wala ka sa dorm eh"

"Para namang di niyo alam. Tigilan mo ko Morado ha"

"Defensive" inirapan ko siya at kumain nalang ulit. Ako na naman ang napagtripan.

Nagtawanan pa sila at hindi pa talaga tumigil si Jia at Mich sa pangh-hotseat samin ni Bea pero tinatawanan nalang namin sila. Kala mo naman first time ko matulog kila Bea! Eh parang dun na nga ko nakatira. Baliw talaga tong JiaMich na to eh.

"I love you" bulong ni Bea sa tenga ko kaya hinampas ko siya.

"I love you too. Ilayo mo yang bibig mo sa tenga ko, sasapakin kita" tumawa siya at mas lalo lang lumapit "Isa"

"Dalawa" bulong na naman niya kaya napa-atras ako. "Hahaha ok hindi na" inakbayan niya ko at inilapit sa kanya bago ako halikan sa pisngi.

Pagkatapos namin kumain, sumama si Bea sa dorm dahil wala pa naman daw siyang gagawin.

"Anong oras klase mo?" tanong niya

"Mamayang 2"

"I still have 2 hrs and 30 minutes, then"

Humarap ako sa kanya. Nakasandal siya sa table sa tabi ng kama ko. Nakatingala ako sa kanya dahil nakaupo ako sa kama.

"Ano?" Takang tanong ko.

"11:30 palang. Kung 2 pa ang pasok mo, we still have 2 hrs and 30 minutes"

"Para saan?" Pagtataray ko. Ngumisi siya at tumabi sakin sa kama.

"To cuddle. Don't you miss me?" She hugged me sideways and pout. Pinitik ko nga sa noo.

"Kagabi pa tayo magkasama. Hanggang ngayon magkasama tayo. Miss pa rin?"

"Bakit? I miss you every second of every day. Kahit nakayakap ako ng ganito namimiss pa rin kita. Tapos ikaw hindi?" Natawa ako kaya niyakap ko na din siya.

"Ang clingy naman po. Mamimiss lang kita kung aalis ka. Bakit aalis--"

"Wait love, mommy's calling"

Tumayo siya at sinagot ang tawag. Nakatingin lang ako sa kanya na parang natataranta siya na ewan. Pagkatapos nila mag-usap bumalik siya sa tabi ko at himiga sa lap ko.

"Anong sabi?" I ask while stroking her hair.

"Hmm? W-wala naman. P-pinapauwi niya lang ako, mamaya"

"Wala ka bang class?"

"W-wala"

Hinawakan ko siya sa pisngi at pinatingin sakin.

"Bat ka nauutal?" Natatawang tanong ko. Umiwas naman siya ng tingin.

"Eh kasi ikaw.. You're making me--" hindi niya tinuloy kaya nagsalita ako

"Making you what? Uncomfortable?"

"Huh? No. That's not what I wanna say"

"Then what?!" Medyo napataas ang boses ko dahil sa pagkairita. Ewan ko. Para kasing may kakaiba sa kanya. Hindi ko masabi kung ano basta may iba.

Complicated HappinessWhere stories live. Discover now