Trigger 32

3.9K 132 1
                                    

Arrival
"Goodluck weakling"


"Trojan's Academy is approaching," anunsyo ng nasa speaker sa labas habang papasok ang train namin. I gazed outside from the train's window. We are approaching the place where we will be conducting the battleship.

Tumingin ako sa mga kagrupo ko. They are quiet, gazing at the view outside at malalim ang mga iniisip. We were happy yesterday. Bumalik kami sa dati kahapon. Maingay, magulo, nanenermon at nag-aaway. Pero ngayon, we are now back of being silent.

"Be ready." Paalala nila at maya-maya ay humihinto na ang train. When the train finally stopped, the doors open at mahigpit na hinawakan ko ang strap ng bag ko.

I heavily sighed. Nagsilabasan na sila ng train at nagpahuli ako. The moment I stepped my foot at the ground, reality hits me. It's battleship now.

"Rane Academy is approaching."

"Landmark High is arriving."

"Villalion High is arriving."

Sunod-sunod na anunsyo sa speaker at kasunod nun ang mga nagsisidatingan na mga train. I looked at the place. Parang nasa ordinaryo na babaan lang kami ng train. Yet this looks so sophisticated. May nag-iisang buiding agad na makikita at sasalubong sa'yo. It contains three glass elevators.

Umalis sandali ung coach namin at pumunta sa isang counter I think. Ayos lang ang dami ng tao. Hindi crowded. Organized. Nagsisimula magsibabaan ang mga makakalaban namin mula sa mga tren nila. Ung iba, nakaitim.... ung iba nakauniform at kami, we are just wearing our casual outfits.

"This way Elite Group," sabi nung coach namin pagkarating na pagkarating sa'min at sumakay na kami sa elevator. He pressed the 17th floor. Glass elevator ang sinakyan namin kaya nakikita ko ang bird's eye view.

At dito, makikita ang malawak na lugar. There are some buildings na nagsisitaasan at iginala ko ang mga mata ko and there, nakita ko ang lugar kung saan gaganapin ang battleship.

Malaki ang lugar. Malawak. May tubig na paikot sa gilid at may mga puno na rin. Just like a simple forest but wider. Huminto ang elevator at tumingin ako sa lugar na tumambad sa amin. Isang diretsong hallway. Dito makikita ang madaming pinto na panigurado, ang magiging kwarto namin.

"Hanggang hindi tayo tinatawag, dito muna kayo. Here are the keys. Take a rest first," sabi ng coach namin at hinanap ko na ang kwarto ko. Nang makita ko, pumasok na agad ako sa kwarto ko ng hindi inaalala ang mga kasamahan ko.

I immediately approached my bed and placed my bag somewhere else. I look at the view as I sat on my bed. Malawak ang paligid. Ang battleship field. Parang gubat, napapalibutan ng paikot na ilog at sa gitna....

It's like a tower. A tall black tower. And the place. Parang may barrier o shield that protects the place.

"Hey." Napalingon ako sa nagsalita. It's Ryder. "Hey." I greeted back.

"The meal is ready. Let's eat?" He asked and I just stood up at sasama nalang sa kanila. Do I have a choice? Pag hindi ako sasama, ung coach namin ang susundo sa'kin.

"Are you ready for the battleship?" He asked and I nodded. But to be honest, 60 percent lang ako sigurado. I think lower than that. There's a doubt somewhere in my mind.

What if I can't make it?

I heavily sighed at pinikit ang mga mata ko. When I opened my eyes, I answered his question.

"I was born to be ready." I answered. Hindi ko dapat ipakita na mahina ako. Not now. This is a battleship. I need to focus this time and I need to make it this time.

Makikita ko siya for sure. That silver mask guy. And this is my perfect time to kill him. Pag napatay ko siya, I can now reveal my true identity. I can now consider myself as a Harper at magiging maayos na ang buhay ko.

Sumakay kami sa elevator glass at bumaba kami ng anim na floors at pagbukas, parang isang engrandeng party ang sumalubong sa'min. Napakalawak ng gitna at nasa gilid ang mga tables.

It was well organized at halatang pinaghandaan. Pumunta kami sa table na nakareserve sa amin. We sat quietly along our coach.

"There are many teams here. The battleship will last for five days. And your uniform with your weapons will be provided later," sabi ng coach namin at tumango lang kami.

Kumain kami pero hindi ako gaanong nakakain ng madami. I am roaming my eyes up until now in this place. Ang daming tao, ang daming nag-aassists at ang daming guards. No wonder dahil nandito ang Royal Family. They are the mastermind behind this annual battleship.

"Take a rest now. Bukas ipapakilala ang mga teams at magsisimula na ang unang araw niyo sa battleship. Be ready and show what you've got," sabi ng coach namin kaya tumango nalang kami. He clapped at tumayo na kami. Umalis na muna siya at may kinakausap pa ata. Damon lead the way and we just followed him.

Napatigil ako nang makita sa hindi kalayuan ang isang lalaki na kinamumuhian ko sa lahat. He is with his company wearing black outfits yet he stand out the most dahil may silver pin siya sa kanang parte ng dibdib.

"Blaise, kasali kuya mo?" Napalingon ako kay Ryder nang sabihin niya iyon. He doesn't know anything even Rye. Wala siyang alam. Hindi niya alam na nagpapanggap lang ang lalaking kaharap namin.

"Yeah." I answered. "What if magharap kayo? What if kailangan may mamatay sa inyo?" Ryder asked kaya napangiti ako.

"Therefore, wala akong magagawa kung hindi patayin siya," I said at alam kong nabigla dun si Ryder. I left Ryder and followed the other Elites. Tumingin ako sa silver mask guy na papalakad papunta sa direksyon namin.

He smirked and put his hand in his pocket at nakipaglaban ng titigan sa'kin. I started to walk like I am not getting affected of his presence kahit nararamdaman ko na nangangatog ang mga kamay ko.

Ang sarap niyang patayin ng paulit-ulit at ang sarap niyang tadtarin ng baril sa katawan hanggang sa madurog ang laman niya at humingi siya ng kapatawaran.

This time. Gagawin ko iyon ng walang alinlangan. I'll kill him in this battleship. Pinapangako ko 'yan.

Nilampasan ko lang siya pero rinig ko ang huli niyang sinabi. Kahit maingay ang lugar, kahit mahina ang pagkakasabi niya, narinig ko un.

"Goodluck weakling."

-

Blaise HarperWhere stories live. Discover now