Trigger 22

4.8K 158 8
                                    


The Visit
'We surrender'

Aahon na dapat ako sa dagat ng hablutin ako ni Rye. Damn it. I need oxygen. Nakarinig ako ng pagbabaril papunta dito sa dagat kung nasaan kami. Hindi talaga sila titigil.

And shit, I need oxygen. Hindi na ako makakatagal. Bumitiw ako kay Rye at balak ko nang umahon. Naghabol ako ng hininga pagka-ahon na pagka-ahon ko at umahon na rin sila Rye at Ryder.

"The hell Blaise. Magpapakamatay ka ba?" Inis na tanong sa'kin ni Rye.

"Hindi, kaya nga umahon ako 'diba? Tsk," sarkastikong sabi ko at tumingin ako sa itaas. Wala na ang mga Clarksons. Pero baka mamaya nagmamasid lang sila.

"Shit," napatingin kami kay Ryder at may tama siya sa balikat. Paano kami aahon dito? Ung kotse lubog na rin. Agad na nakakita ako ng bangka. Kung sinuswerte ka nga naman.

"Rye, can you drive a boat?" Tanong ko sa kaniya and he nodded. Buti naman. We headed for the boat habang inaalalayan niya si Ryder.

We are now in a boat at ako naman ang nag-alalay kay Ryder while Rye is taking charge of the boat. Kinapa ko ang pantalon na suot ko at nilabas ang basang panyo. Agad ko ito piniga at pinulupot sa sugat ni Ryder.

"Kaya mo pa ba?" Tanong ko at tumango si Ryder.

"Do you have a gun? A dagger? Kahit ano?" Tanong ko sa kanila at inabot sa'kin ni Ryder ang isang shuriken.

"Ung iba nasa kotse," sabi niya kaya nainis ako. Bad timing naman kasi 'yang mga Clarkson na yan. Ganda mamili ng venue.

Sa hindi kalayuan, nakikita ko na ang bababaan namin pero agad na napakunot ang noo ko. May mga bangka na paparating. And holy shit, Clarksons.

"Rye, back off," utos ko pero pagtingin ko sa ibang direksyon nandun na rin ang ibang Clarksons.

"Do you think susuko kami agad? Tsk tsk," sabi ng isang lalaki at tinutukan kami ng baril.

"Buhay natin sila idadala kay boss," sabi ng isang babae.

"I know pero pamimiliin natin sila," sabi ng lalaki at humarap sa'min. Kahit gamitin ko ang isang shuriken na 'to, walang mangyayari.

Baka mamatay lang kaming tatlo.

"Surrender or fight?" Tanong niya na ikinainis ko. May mga galos na rin kami, mga walang armas, at tatlo lang kami against sa dami nila na nasa bente kaya wala kaming choice.

Hindi na ako tumingin kay Rye. Alam ko kung ano ang desisyon niya.

"We surrender."

-

Nakatingin lang ako sa kambal habang nakakadena ang dalawa kong kamay. Damn them. Inaalala ko si Ryder. Hindi pa nagagamot ang sugat niya.

Halos tatlong oras na kami dito. Giniginaw na ako at nagugutom pa. Ano bang balak nila sa'min? Napalingon ako ng marinig ko ang pagbukas ng pinto at kinalagan ako ng isang tauhan.

"Where will you bring her?" Tanong ni Rye pero mabilis nila akong hinatak papalabas.

"I said where will you bring her?!" Rinig kong sigaw ni Rye bago nila isara ang pinto. Sinundan ko lang sila habang may nakahawak sa dalawa kong kamay sa likod.

Pinasok nila ako sa pinto at doon ko nadatnan ang isang madilim na kwarto. So what will I do here huh?


"Five years has passed and now you are a woman. How was life?" Agad na nagkuyom ang mga kamao ko ng marinig ko kung sino un.

Silver mask.

"Miserable," I answered at ramdam na ramdam ko ang presensya niya malapit sa'kin.

"Actually, mangangamusta lang naman ako sa Giazo Brothers, didn't expect na kasama ka nila," sabi niya at ngumisi ako.

Paano ako nakakatagal na kasama siya dito? Dapat nagwawala ako ngayon at humanap ng bagay na ipupukpok ko sa bungo niya.

Or I can take off his mask.

Pero nandito ako. Nakatayo. Nakokontrol ko ang emosyon ko. Nakokontrol ko ang galit ko sa hayop na 'to. Bigla siyang may pinadulas na patalim sa sahig papunta sa'kin.

"Let's fight," sabi niya at matagal bago ko kunin ang patalim. Nakarinig ako ng ingay sa labas na parang may naglalaban.

"Blaise! Blaise," si Rye. Bago ko pa buksan ang pinto ay agad na may humatak sa'kin at tinutukan ako ng patalim sa leeg.

"You are still weak," sabi niya na ikinaigting ng mga bagang ko. Binubwisit talaga ako neto. Agad kong inapakan ang paa niya at lumayo sa kaniya. Sinipa ko siya at mabilis na inatake.

Mabilis siya at nakakainis dahil ang paglalaban namin, may kasamang halakhak niya na nakakainis. Mabilis na nasugatan niya ako sa tuhod. Inatake ko siya and I was aiming for his mask. Kahit mukha niya.

Kahit mukha niya lang ang makita ko.

"Remember the weak family you've got?" Tanong niya pero binabalewala ko lahat ng naririnig ko. He is just tempting me for me to lose. At dapat hindi iyon ang mangyari. Dapat makontrol ko toh.

"Correction, they are not weak," I said at mabilis na sinugod ko siya nang sinugod. Wala akong pakielam sa sugat na nakukuha ko. Maingay na rin sa labas, paniguradong nakatakas sila Rye.

"How about your sweet brother? Do you know that.. he and I were friends?" sabi niya na ikinahinto ko.

Kung tutuusin, kasing edad niya lang si kuya at kung kaibigan siya ni kuya... my parents must have known him. At baka kilala ko rin siya.

"So what?" Sinabi ko nalang kahit habang nakikipaglaban ako ay naiisip ko ang sinabi niya.

I took time para bumuwelo at agad na tinama ang patalim ko sa mask niya. I did it. Nasira ko ang maskara niya. But he's so fast to hide in the dark.

"And now, you are aiming for my face," sabi niya na ikinangisi ko. His deep voice. Tall height. Not so fair skin. Tatandaan kita at balang araw, susugurin kita ng patalikod na wala kang suot na maskara.

Agad ko siyang hinanap at napahinto ako ng magbukas ang pinto. Lumiwanag ang kwarto pero wala na siya. Nakita ko nalang ang maskara na hati sa ibaba ko. I look everywhere at tinignan kung saan siya nakatakas. Then I saw the window from above with shattered glass pieces.

Binitawan ko ang patalim ko at lumapit kela Rye. Tinulungan ko siya sa pag-alalay kay Ryder. I was wondering.

Hawak na nila kami pero hindi pa niya kami pinatay. What was his plan for us?

-

Blaise HarperWhere stories live. Discover now