Trigger 08

7.3K 282 12
                                    

Kings n' Queens
'I want to test her'


"Wake up Blaise." Ceiling is the first thing that I saw the moment I opened my tired eyes. Kulang na kulang pa ako sa tulog. "Hurry. Ayaw ng mga Elites na pinaghihintay." Damn it. Bumangon ako at nakita si Hailey na nagsusuklay. I only had 6 hours of sleep. 6 hours. 


I went straight to the bathroom and did my daily routine then ate a piece of sandwich dahil nagmamadali 'tong kasama ko. We stopped at the training hall. Nandoon na ang mga Elites. They all faced us. "You two are 15 minutes late," reklamo nung nakapulang buhok na babae which is Carrie.


"Hayaan mo na sila. Let's proceed," sabi naman ni Yvo. Siya un nakablonde hair kaya madali ko siyang natandaan. "So today. You will be competing with random elites. Get your weapons and be ready," sabi nung adviser namin kaya as always, kuha ng weapon at makikipaglaban. I took a handgun and a dagger.


Random ang mangyayari so meaningly kahit sino sa Elite makakalaban ko. Humiwalay ang mga Elites sa amin. Siyam lang ang elites at ganun din kami. "Dether vs. Flynn," anunsyo ng adviser namin. Unang naglaban ang isang lalaki na kaklase ko at si Flynn. Flynn is carrying a baseball bat while my classmate uses a dagger.


"2 minutes starts now," our adviser announced. Sobra na nga ang 2 minutes. The fight started and went well. Magaling si Flynn. Hindi niya binibigay ang lahat ng lakas niya sa pagpalo ng baseball bat kasi alam niyang training lang ito. Minor ang nakuha ng kaklase ko and in the end... talo siya.



"Hailey vs. Carrie," napatingin ako kay Hailey. She is holding a piece of a dagger. She's so young pero nung gumalaw siya, I forgot she's just around 15 or 16. They both fought well. Walang nagpapatinag. Parehas magaling. Parehas ng lakas. They both had the same injuries. I'm impressed of Hailey. Iba ang galaw niya. Sa huli, it's a tie dahil walang nagpatinag.



"Thea vs. Veron." Sa pangatlong naglaban, ung babae kong kaklase at si Veron. Pinagmasdan ko ang galaw ni Veron. Mabilis sa baril. Magaling umilag. At iba siya humawak ng baril. Patagilid at halatang asintado kahit hindi na niya tignan. Mabilis siyang magpalit ng bala at gumalaw. She used the combination of martial arts and guns sa pakikipaglaban. Sa huli, my classmate lose. Nagdaan ang iba pa na naglaban. At pupusta ako, ako na naman ang huli.


Biglang tinawag ang katabi ko meaningly ako nga ang huli. Napatingin ako sa natitirang dalawang elites. Si Spade at si Damon nalang ang natitira. Sino kaya sa kanilang dalawa ang makakalaban ko? I don't have any idea kung paano makipaglaban si Damon pero si Spade, mayroon. I just don't know how to manage Spade's cards.


"Blaise vs. Damon and Spade," my eyebrows automatically raise sa anunsyo ng adviser namin. Bakit pag dating sa'kin puro dalawa nilalaban? Unfair. Pumunta ako sa gitna. Mahigpit kong hinawakan ang mga armas ko at pinagmasdan ang dalawa. Spade is holding his deck of cards which are black.


I wonder kung may lason yan. Pero dapat hindi ako masugatan ng mga baraha para sigurado. Napatingin ako kay Damon, he is using a gun. Biglang tumunog ung timer hudyat na simula na ang laban. Pero wala sa amin ang gumagalaw. Ako na naman ba ang magfifirst move?


Bigla kong naramdaman na susugod na ang dalawa. Agad kong ikinasa ang hawak kong baril at ipinaputok ito sa papatamang bala sa akin. Ikinasa ko ang baril ko at pinutok sa mga barahang dadating. Ikinasa ko ulit ang baril ko at ipinatama kay Damon. Dapat pala dalawa baril ko.


I took my dagger out. Nag-iba na ako ng pwesto. Kaliwang kamay para sa baril at kay Damon. Kanang kamay para sa dagger at sa mga baraha ni Spade. Masyado niyo akong pinapahirapan. Mabilis na naglilipat ng pwesto si Spade at mabilis din niyang pinapalipad papunta sa'kin ang mga baraha niya habang si Damon tuloy-tuloy sa pagbabaril.


Nang malapit na sa'kin si Spade ay agad ko siyang sinipa at binaril ang pinagkukunan niya ng baraha. Habang hindi pa nakakatayo si Spade, I took some cards at pinalipad un papunta kay Damon para makalapit ako. Nang makalapit ako kay Damon, mabilis kong tinutok ang baril ko sa noo niya. Pero nakatutok din ang baril niya sa noo ko. Mabilis siya.


"You broke my cards. Impressive," hindi ko na inabalang lingunin ang nagsalita. I can sense na nakatutok sa likod ko ang baraha na hawak ni Spade. "And you even used it against me," sabi ni Damon na may ngisi sa labi niya. I smirked habang may nakita akong dugo mula sa ulo niya. So, I'm in between of Spade and Damon. I smirk habang 30 seconds nalang ang natitira sa timer.


28 seconds. Mabilis kong binaril ang hawak na baril ni Damon at sinipa sa likod si Spade bago pa niya paliparin ang mga baraha.


25 seconds. Kinuha ko ang baril kay Damon dahil wala na akong panahon magpalit ng bala sa baril ko at si Spade naman ang hinaharap ko.


20 seconds. Patuloy ako sa pagbaril sa paparating na mga baraha.


17 seconds. Wala na akong bala kaya kinuha ko ang dagger ko at iyon ang ginamit na pangontra sa mga baraha.


15 seconds. Agad na pinulupot ni Damon ang braso niya sa leeg ko. Damn it.


10 seconds. Malakas na inapakan ko ang paa ni Damon at inuntog ang ulo nito patalikod. Fuck, that hurts.


5 seconds. Dali-dali na lumipat ako ng pwesto at nang makarating ako sa likod ni Spade ay tinutok ko sa leeg niya ang dagger na hawak ko at tinutok kay Damon ang hawak kong baril.


Biglang tumunog ang timer hudyat na tapos na ang laban. I smirked. I won. Inihagis ko ang hawak kong armas sa kung saan. I went out of the circle. May konting galos but I don't mind those.


"Blaise Harper won." I smirk as I heard my beautiful name. Tumingin ako sa elites as I walk. Sa susunod na laban, gusto ko si Veron ang makalaban ko. Kung siya ang maituturin na malakas na babae sa buong academy.


I want to test her.


▪▪▪

Blaise HarperWhere stories live. Discover now