Trigger 14

6.1K 201 10
                                    


Rain
'Thank you'


Kumuha ako ng isang mansanas at soda, isang rice at isang chicken. Sa ilang araw kong pagtetraining, kailangan kong kumain. Halos puro sandwich lang ako at tubig. Ni hindi na ako nakakakain ng kanin.


Umupo ako sa isang sulok. Si Hailey, nasa training ngayon. Buti ako wala, gustong-gusto kong mamahinga. Sumasakit na rin ang katawan ko.

I just eat and eat and eat. Later on, napansin ko na may nakatayo sa harapan ko. At pagtingin ko, it's Rye? Or Ryder?

"May I?" Tanong niya and it's Rye. Tumango nalang ako habang pinagpatuloy ang pagkain ko. Nang matapos ako, hindi muna ako umalis. I don't know, maybe it was rude to went out of the picture ng hindi nagsasalita?

"How's your hands?" Tanong niya habang humihigop ng soup. Napatingin ako sa mga kamay ko. May mga bandages, band-aids at mahapdi pa rin hanggang ngayon.

"Not so good," sagot ko at tumango siya. I just stared at the window. Medyo makulimlim guessing that it will rain later.

"Wanna train?" Tanong niya na ikinatingin ko. Unbelievable. Hindi ba toh napapagod?

"Malapit na eliminations," napapikit ako sa inis sa sinasabi niya. Desperada ako sa eliminations at pagnaririnig ko un, naiinis ako.

Pagdilat ko, there he is, smirking.
Ano pa nga ba magagawa ko kundi magtrain with him.

-


Laban lang kami nang laban sa ngayon dito sa loob ng training room. Malakas ang ulan sa labas at masarap sana matulog kaso istorbo 'tong lalaking toh. He stopped na ikinataka ko.

"Let's fight outside," sabi niya na ikinacross arms ko. Tsk. Bago pa ako umapela ay nauna na siya sa'kin lumabas. What a nice man. Sinundan ko siya at pumunta siya sa gitna ng field ng walang pakielam kung nababasa siya or what.

Walang sabi-sabi ay sinugod na niya agad ako. I managed to fight back pero nahihirapan ako dahil nagiging maputik na sa field. Sinipa ko siya, sinuntok at umilag ako ng ilang beses pero nakakainis kasi naaatake pa rin niya ako.

Nahihirapan na rin ako dahil palakas ng palakas ang ulan. Sinipa ko siya pero nasalo niya ang paa ko at ngumisi. Eto na naman siya. Tsk. Nilakasan ko ang pwersa ko at sinipa siya ng tuluyan. He manage to stand up that fast at ipinadulas niya ang paa niya dahilan para ma-out of balance ako at mahuhulog na sana ng masalo niya ako.

Letse.

Kahit umuulan, I can still see his brown eyes. Hinahabol niya ang hininga niya pero he just stared at me.

Mabilis na lumayo ako at inatake siya agad. Inatake ko siya nang inatake. I just punched him there and here pero naiiwasan pa rin niya ito. I was about to punch him that hard pero nasalo niya ang kamao ko na ikinainis ko. Sinipa ko siya sa tyan at sinugod.

"Fine. You win," sabi ni Rye habang nakasalampak sa putikan dahil sa atakeng ginawa ko. "Good to know that," sabi ko at balak umalis nang hatakin niya ako ng malakas dahilan para sumalampak ako sa putik.bDamn it. No. Damn him.

"Dito ka muna," sabi niya at pinaglaruan ang putik na nasa harapan niya. Tsk. Isang cold at napakasungit na lakaki, naglalaro ng putik? Haist. Bumabaliktad na ata ang mundo, baka mamaya si Ryder pala kasama ko.

"It's raining. Pasok na tayo," sabi ko pero tahimik lang siya na pinaglalaruan ang putik.

"Kanina pa umuulan tapos ngayon ka lang mang-aaya pumasok? Tsk. I don't know if you are using your brain or what," sarkastiko niyang sabi.

"We might catch colds here," sabi ko at umiling siya. Haist.

"Rains are blessings so we should embrace them," sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako or what. Nanggaling pa talaga sa kaniya un ha.

"What will happen if we embrace them?" I asked at tumigil siya sa ginagawa niya. "Then we will be blessed," sabi niya sa'kin.

"Blessed? Ung iba nga nagkakasakit. Blessed ba tawag dun?" Tanong ko na ikinagisi niya.

"If you catch a cold, there's an 80 percent na magdadasal ka and 20 percent na lalaban ka. Rain makes us realize that with God and being brave can be our power," sabi niya at hindi ko aakalain na manggagaling ito sa bibig niya mismo.

"That's why we are blessed," dagdag pa niya at tumingin sa'kin. Matagal kami na nasa ganung posisyon... nakaupo habang siya naglalaro ng putik. Walang mga estudyante. Ingay ng paghalik ng ulan sa lupa lang ang maririnig.

"Hindi pa ba tayo uuwi? You know what.. you just ruin my day. I was about to rest," sabi ko at tinignan ang pinaglalaruan niyang putik.

"Marami sa elites ang gustong maging kamiyembro ka. Pero sa Trojan Academy, there are many desperate people na mandadaya sa elimination kaya binabalaan na kita," sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"For the past eliminations that has been occured, laging may naitatala na namamatay. Eliminations are deadly and full of cheating," sabi niya kaya napatango ako. Mahihirapan pala ako sa darating na eliminations.

"Elites will be the judges. So better make them proud," sabi niya at tumayo na. He held his hand in front of me.

Kinuha ko iyon at tumayo na. Sinundan ko lang siya maglakad papasok sa eskwelahan. Wala siyang pakielam kung nadumihan ang carpeted na school. Dire-diretsyo lang siya. Napagawi ako sa dumudugo niyang kamay. Haist.

"Kagagawan ko ba 'yan?" Tanong ko habang umaakyat kami using an elevator. "Sino pa ba?" Napakagandang sagot. Tsk. Naalala ko bigla nung una kaming nagkita. This is the place.

We first met in a glass elevator. Napakayabang ng dating. Napakatahimik. Iba ang presensya. Tapos ngayon kasama ko ulit siya as my trainer. And way too far noong una naming pagkikita.

Huminto ang elevator. Lumabas kaming dalawa at sa pagkakaalam ko sa kaliwa ang dorm ng mga lalaki. He went contrast on my way. Pero hinigit ko ang braso niya na ikinaharap niya sa'kin. He just stared at me na parang hinihintay ang sasabihin ko.

"Thank you," nasabi ko nalang at ngumiti siya. A genuine smile. Pag ngumingiti siya, kamukhang-kamukha niya si Rye.

"No problem. Have your rest now," sabi niya at nagpatuloy nang maglakad papaalis.

▪▪▪

Blaise HarperWhere stories live. Discover now