Trigger 26

4.5K 143 7
                                    

Safe and Sound
'I miss you too'

"Rave. Rave Harper Tyago. Your brother," sabi niya at tumingin ako sa kaniya. Imposibleng mabuhay si kuya. I saw him. I saw him died. Nasa harapan ko siya noong binaril siya.

"Blaise, ayos ka lang ba?" Tanong sa'kin ni Ryder pero nakapako lang ang tingin ko sa nagsasabing kuya ko siya.


"Blaise." Tawag sa'kin ng kung sino man pero hindi ko iyon iniintindi. Nakatingin lang ako dito sa lalaking 'to. Ang tagal ko siyang tinignan. Mula ulo hanggang paa. Ang mukha niya. Ang presensya niya.

"Blaise." Tawag ulit nila sa'kin pero hindi ko sila kinibo. Nanlalamig ang mga kamay ko. Napatingin ako sa paligid. Nandito nga pala ang mga Elites. Bago pa niya ibuka ang bibig niya ay agad ko siya hinatak papalabas.

Humanap ako ng bakanteng hallway at doon ko siya hinarap. Pinagmasdan ko siya. Almost five years has passed, it is obvious that he'll change physically.

Pero napakalayo ng mukha niya sa mukha ni kuya. His eyes, his nose, lips and everything. I know my brother well. Pero ung kaharap ko, ibang-iba.

Ang laki ng pinagbago.

"Ayaw mo maniwala?" Tanong niya at kinuha niya ang kamay ko at may inilagay doon. Tinignan ko kung ano ang inilagay niya. Ang kwintas na regalo niya sa'kin noong birthday ko.

"Gusto mo nang magic?" Napairap naman ako sa sinabi ni kuya.

"Magic? Kuya, sixteen na ako, I don't believe in magic," sabi ko habang nakatingin ako sa salamin. Maya-maya kasi bababa na ako.

"You are indeed a grown up kid now huh," sabi niya at tinitigan ako habang nakatitig ako sa malaking salamin.

"Here, my gift. Huwag mong iwawala 'yan," sabi ni kuya sabay suot sa'kin ng isang kwintas.

"Happy birthday," sabi niya sa'kin at napahawak naman ako sa kwintas na bigay ni kuya. Napangiti ako. He never fails me at my birthdays.

"Nawala mo 'to hindi ba? I told you na huwag mo 'tong iwawala," sabi niya at kinuha ang kwintas para isuot sa'kin ito. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Hindi. Dapat humingi pa ako ng impormasyon. Dapat magsiguro ako.

"Namatay ka sa harapan ko. Binaril ka. How did you manage to survive?" Takang tanong ko at humarap siya sa'kin.

"I was shot for about three times in different parts but I didn't die. I managed to escape and headed to the forest and passed out there dahil sa dami ng dugong nawala sa'kin. Then, somebody took care of me and adopted me," sabi niya at hinawakan ang pisngi ko. He stares at me. Ang mga mata niya. Parang nangungulila na masaya.

"Lumaki ka ng maganda. Palaban. Matapang. I'm so proud of you Blaise," sabi niya at hindi ako makapaniwala.

Kuya.

Lumayo ako sa kaniya dahil ayokong maniwala. Ang hirap maniwala. Hindi ako kuntento sa mga sinabi at pinakita niya. There's something really off.

"Ayaw mo pa rin maniwala? Natatandaan mo nung tinuturuan kita ng baril?" Tanong niya at naaalala  ko un.

"You must know how to use these guns," sabi niya at tinuro sa'kin ang pag-aasemble at pagbabaril sa mga lata na nasa harapan namin.

"Ngayon, tamaan mo 'tong mansanas na nasa ulo ko," sabi niya na ikinatigil ko. Like what?

"Are you nuts?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Nope, pag nabaril mo 'to, papayagan kita sa party mamaya," sabi niya na ikinainis ko. He really knows what I want.

Tinutok ko ung baril sa mansanas at pinikit ang isang mata ko. It took me 10 minutes para asintahin ang mansanas.

*Bang*

Nagtatatalon ako nang matamaan ko ang mansanas. Oh damn! Makakapagparty ako later.

Siya ang unang nagturo sa'kin ng paggamit ng mga baril. Tinuruan niya ako ng mga martial arts. He's my first mentor.

"Every night, kinukwentuhan kita. Nag-aaya ka pa minsan ng star gazing. Remember that? Noong nasa bubong tayo tapos naghintay tayo ng meteor showers," naninikip ang dibdib ko sa mga sinasabi niya.

"What story?" Tanong niya sa'kin habang namimili ng story book sa bookshelf ko.

"Ayoko yan. You always read that. Gusto ko galing sayo," nagpout naman siya sa sinabi ko.

Tumabi siya sa kama ko at halatang nag-iisip ng kwento. Haha. I really like this, ung tipong nahihirapan siya.

"Sige. How about this? Sa isang palasyo, may isang pasaway na prinsesa, tapos inaalipin niya lagi ang kuya niya. Kinokontrol niya ito kaya naman kawawa ang kuya niya," natawa ako sa sinabi ni kuya.

As always.

"Kuya naman e. Nangongonsensya ka lang eh," I said na ikinangiti niya.

"Bakit? Nakokonsensya ka na ba?" Sabi niya at bigla niya akong kiniliti.

"Kuya stop it. Hahaha. Kuya naman e."

Siya ang tumatayong nanay at tatay ko. Our mother and uncle were always busy. Lagi niya akong kinukwentuhan tuwing gabi. Sinasamahan niya ako sa pagtulog.

"Tanda mo nung nagroadtrip tayo ng tayong dalawa lang? You were just 14 years old that day. We went on a cliff."

"How about noong minake-upan mo ako habang natutulog?"

"Tapos noong ako ung umakyat sa'yo because you are an honour student in a simple school."

Hindi ako makahinga sa sinasabi niya. Totoo. Totoo lahat. Bigla akong napaluha. Totoo bang nasa harapan ko si kuya?

"Blaise. Ako 'to, ang kuya Rave mo." Sabi niya at balak ako lapitan ng umatras ako.

"Pa-paano mo ako nahanap? How did you know na ako nga si Blaise? Five years has passed. Hindi mo ba naisip na patay na ako? Hindi mo ba naisip na baka nasa malayo akong lugar?" I asked pero ngumiti lang siya ng malungkot.

"Kapatid kita. Mararamdaman ko kung ikaw nga si Blaise na kapatid ko. Nahanap kita sa tulong ng mga kumupkop sa'kin. Hinanap kita ng halos tatlong taon Blaise. You don't know kung gaano ako nagpakahirap mahanap ka lang. Blaise, hindi mo ba nararamdaman na ako ang kuya mo?"

Naninikip ang dibdib ko sa sinasabi niya. Ayokong maniwala. Ang hirap maniwala. Napakahirap maniwala ng ganun-ganun lang.

Tanggap ko na patay na si kuya. Tanggap ko na wala na siya. Pero bakit ganun? Bakit nandito siya sa harapan ko ngayon?

"Blaise, I miss you," sabi niya at niyakap ako. Hinayaan ko lang siya ng yakapin ako. Ang tagal bago magsink-in sa'kin ang nangyayari. Hindi ako makapaniwala.

"Kuya.... I miss you too," banggit ko dahil hindi ako makapaniwala. Nasa harapan ko siya. Safe and sound.

-

Blaise HarperWhere stories live. Discover now