Trigger 15

5.9K 205 7
                                    


Eliminations
'Good job'


Day 1

Maaga akong nagising. Siguro dahil na rin sa excitement para sa eliminations. Naglalakad ako ngayon papunta sa field kung saan doon ang venue.


9:48 a.m.

10 a.m. ang simula. I was expecting na nasa twenty kaming maglalaban. Pero pagdating ko, nasa sampo lang kami.
Ang mga elites ay nasa kani-kaniyang upuan at kumpleto na sila sa itaas with a conference table at their fronts.

May malaking countdown timer naman sa tabi ng mga elites. May mga weapons sa gilid na pamimilian ng mga lalaban. May isang malaking tv screen na makikita ang mga galaw namin sa loob ng gubat.

"Choose your weapons," anunsyo nung may hawak na mikropono na hindi ko kilala. Lumapit ako sa mga armas. Una kong kinuha ang dagger. Isang kunais. At isang hand gun.

"Newbie? Ngayon lang kita nakita," napalingon ako sa nagsalita sa tabi ko. Isang babae na nakabow and arrow at iniispeksyon ang baril na hawak niya.

"Yes," sagot ko.

"Well, goodluck for this eliminations," sabi niya at umalis na. I didn't bother to respond. Naghanda na rin kami. Pinagmasdan ko ang hawak ng mga kalaban ko. May hawak na katana, hand guns ang karamihan at ung iba, mga patalim. May pinasuot sa'min na numbers.

I got number 6.

Mag-uumpisa na sana kami ng may dumating. Hailey? Sasali siya? Now she's the last number. Eleven. "I thought you don't want to join," I said nang pumunta siya sa tabi ko.

"I don't want to miss the opportunity. Tsaka wala naman mawawala," she said na ikinatango ko nalang. She chose katana and a hand gun. May shurikens din sa baywang niya. Nice choice.

"Day 1, for this day, you will be assigned to find the three flags inside the forest. The white, the gray, and the black," sabi nung may hawak ng mikropono.

Day 1? Meaningly, hindi dito magtatapos lahat. I see.

"Usually hanggang day 3 or 5 ang eliminations. Depende un sa dami ng contestants," Hailey stated as if nababasa niya ang nasa utak ko.

"White flag consists of 5 points. Black is 10 points and Gray is 15 points," dagdag pa niya. May mga points pala dito. "In this game, 4 players will be eliminated," dagdag pa niya.

"Paunahan ito sa loob ng 20 minutes," sabi niya at itinaas ang baril.

"In 3."

"Focus Blaise."

"2."

"Control it."

"1."

Mabilis na tumakbo ako papunta sa gubat. Hindi ko inalala ang iba kong kalaban maging si Hailey. They are my opponents by now. What I care about now is me.

May biglang arrow na tumama sa puno malapit sa'kin kaya tumingin ako sa likod ko. Number 3. Mabilis na kinasa ko ang baril at pinaputok sa gawi niya. Tumakbo ako papunta sa kanan. Nang makita ko na marami na ang kalaban ko, I decided to climb on a tree.

Doon ko nakita ang isang flag na malapit sa mga kalaban ko. Pinagpuputok ko ang gawi nila pero hindi ko sila tatamaan. Nagpapaputok ako ng baril para lang iwasan nila ung flag. Bumaba ako at mabilis na kinuha ang flag na white. Agad na nagpaputok ang isa kaya nakatanggap ako ng daplis sa tuhod. Shit.

Blaise HarperWhere stories live. Discover now