Trigger 25

5K 178 11
                                    


Strange
'Your brother'


Nagising ako at agad na nasapo ko ang ulo ko. Naparami ata inom ko kagabi. Bumangon ako at ginawa ang morning routine ko. Naligo, nagtoothbrush at naghihilamos ako ng bigla ko maalala ang mga ngiti at tawa ni Rye. Shit.


Lasing pa ata ako.


Lumabas ako sa banyo at nagbihis na. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko ung kagabi. Napatingin ako sa salamin habang nagsusuklay. Oh shoot. The kiss. Naaalala pa kaya niya?


Sana hindi.


*Knock Knock*


Binaba ko ang suklay at lumapit sa pinto. Agad na bumungad sa'kin si Rye na ikinagulat ko. Anong ginagawa niya dito?


"Breakfast?" Tanong niya at may mga hawak siyang paper bags. I smiled. Ano na naman bang pakulo nito?


"Sure," sabi ko dahil hindi pa ako nakakapag-agahan. Pinapasok ko siya at tulad nang dati, siya ang nag-asikaso ng pagkain namin.


"Coffee? Pang pawala ng hang over," sabi niya at inabot ko nalang ung kape.


"Thanks," nasabi ko nalang dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.


Should I ask how's his morning?Should I ask him about last night? Or should I say sorry?


We just eat quietly. Hindi ako mapakali dahil sa nangyari kagabi. After the kiss, dali-dali akong tumakbo nun. I was thankful na naigalaw ko pa ang katawan ko nun pero nakakahiya ung ginawa ko.


"About last night... I-I'm sorry," napatingin ako sa kaniya sa sinabi niya. Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya.


"S-sorry din," I said at narealize ko. Bakit ba ako mag-sosorry? Nababaliw na ata ako. Ako ung hinalikan, dapat ako ung nagagalit dito.


"I didn't mean it, nadala lang ako ng alak," sabi niya kaya tumango ako. Why do I felt a little pain at the edge of my heart the moment he said na hindi niya un sinasadya?


He didn't mean that kiss, meaningly, he will not kiss me if he is not drunk. Napapikit ako. Ano bang iniisip ko?


"Me too," I said. I should have slapped him. Dapat hindi ko siya pinapansin dahil sa ginawa niya. Pero wala. Haist. What is happening to me?


-

We trained and trained and trained. Hindi na muna nila pinatrain sa'kin ang illusion training. Dito muna ako sa paggamit ng iba't ibang baril na tinuturo sa'kin ni Damon at Veron.

Blaise HarperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon