Trigger 03

8.9K 281 19
                                    

The Two Princes
'Lick. Or. Die?'

"As we all know that in this academy, you'll use weapons instead of pens and papers," sabi ng nagtuturo sa amin. We are currently at the ground. I'm holding a USP.45 hand gun. Hindi na kami dumaan sa prosesong 'introduce yourself.' Mas mabuti ng ganito. No closures. No problems. I observed my classmates, ung iba bored lang, ung iba halatang excited at ung iba, uh,  parang wala lang.

"Shoot a bird," utos sa'min ng adviser namin kaya mabilis na umalis kami sa kinatatayuan namin para maghanap ng ibon. Nang makakita ako, agad kong tinansya kung saan ko ito patatamaan. I pointed the gun and was about to hit nang biglang may bumaril dito na ikinainis ko. Humarap sa'kin ang isang babaeng kumakain ng bubble gum at nakangisi pa.

"Oh sorry, Ms. Slow," sabi niya at tumatawa pa. Kung barilin ko kaya ulo nito? I just walk to a different path habang nakatingin sa langit. Nang makakita ako ng ibon ay agad ko tinapat ung bibig ng baril ko and conducted an estimation kung saan ko patatamaan ung ibon and I was about to hit the bird nang may mang-istorbo na naman. Oh great.


"Killing an innocent bird is bad," napapikit ako sa sinabi niya. What? Bumumtong hininga ako at tumingin sa kaniya. Siya na naman ung lalaki sa elevator kanina. Pero parang iba siya ngayon. He's wearing an eyeglasses, messy black hair. Wala ng red highlights. Then his presence is a little lighter. Wow. Quick change. 

"Well, it's just an animal," sabi ko at tinutok ulit ung baril pero pumunta siya sa harapan ko at binaba niya ung baril na hawak ko. What the heck is he doing? "Just think that the bird has a family. Sige nga, papatay ka ng isang walang muang na nilalang," sabi niya at tinutok ko sa kaniya ang baril sa inis. Masyado niya akong iniistorbo. 

"That bird will die soon, I'll just make it earlier so stop meddling around or I'll shoot you using this fucking gun," I said dahil nakakainis na siya. I don't know kung sinasadya ba niya na istorbohin ako o talagang inutil lang siya. "Shoot me then," utos niya at naiinis ako. How can he smirked in this kind of situation? Paano kung tuluyan ko 'tong mokong na 'to?

*Bang*

Biglang bumagsak ung ibon sa harapan namin nang iputok ko ang baril sa itaas. "Tsk tsk. You just commited a murder," sabi niya na ikinairap ko. I just turned my back and walked afar from him. Nasa Trojan's Academy siya. Ang paaralan ng mga mafia heir and heiress. Ang paaralan kung saan ka tuturuan pumatay. Tapos sa ibon lang, naaawa na siya? Tsk. How can he kill a human being if he gives mercy to a bird? I went directly out of the class. Inilapag ko ung baril sa table ng adviser namin. Dumiretsyo ako sa washroom at nag-ayos. Paglabas ko, biglang sumalubong sa'kin si Hailey.

"Hey, cafeteria?" Tanong niya sa'kin. Tumango nalang ako, wala din naman akong kilala dito kaya sasama na ako. At isa pa, I feel hungry. Ni hindi ako nakakain sa bahay, diretso pa akong nagklase after ko magtrain. What a life. Training na sa bahay, pati ba naman sa school. Ni hindi pa ako pinagpahinga nang mabuti kong lolo.

Habang naglalakad, naiisip ko ung kaninang pang-iistorbo nung lalaki. How did he enter this school with his state of mind? "The two princes," napatingin ako kay Hailey nang sabihin niya un. She's staring infront of the cafeteria. Oh well, that guy again. Pero iba ung suot niya. Ung suot niya kanina sa elevator. Ni hindi na rin siya nakasalamin. Wait I'm starting to get confused. 

"Lick it," napatingin ako sa kaniya nang sabihin niya un. His hands are in his pocket at ang lamig niyang tumingin. Napatingin ako at sapatos ito ng lalaki at mukhang natapunan ng juice ng babae ang sapatos nito. Now I get it. But it's not fair, it's just a shoes. "So-sorry," halos mangiyak-ngiyak na sabi ng babae at napatingin sa kaniya ung lalaki. Sa tingin at presensya niya ngayon, para siyang papatay. Marami lang ang nanonood. Ni walang nagtangka na sumingit sa eksena. People. 

"You're wasting my time, lick it or die?" Tanong niya. Tsk.

Killing an innocent bird is bad.

Napakagaling naman niya para sabihin un tapos ngayon parang papatay siya ng tao dahil lang sa pagtapon ng juice sa sapatos."Lick. Or. Die?" Madiin niyang tanong at lumapit ang babae sa sapatos ng lalaki. "Stop it," napalingon ako sa nagsalita. Agad na nagkunot ang noo ko. Teka. Bakit dalawa sila? "Kambal sila," napalingon ako kay Hailey nang sabihin niya un. Now, I get it. 

"Stop meddling Ryder," sabi nung may malamig na ekpresyon. Siya ung nakasabay ko sa elevator kanina. "Well, I'm not meddling. Just look around Rye. I'm just helping. Tigilan mo na 'yang babaeng yan," sabi ni Ryder. Siya naman ung kanina na pakielamero sa pamamaril ko.

"Tsk, pakielamero," sabi nung Rye at umalis na. "What are you looking at? Hindi 'to palabas so go back on what you were doing earlier," sabi ng isang lalaki at umalis na rin si Ryder. Bigla naman akong hinatak ni Hailey sa isang tabi at umorder ng pagkain nang hindi ako kinakausap. So? They are twins. I should've notice from the very start. Ugh, why am I being so naive? Nilapag na ni Hailey ung mga pagkain at humarap sa'kin. 

"Who are they?" Tanong ko out of curiosity habang kumakain. Kanina kasi, kung tignan sila, it seems like na may iba sa kanilang magkambal. Ang tahimik nung paligid tsaka halatang ilag ang iba sa kanila. "Ung kambal? They are the two princes in this school," sabi niya habang kumakain. May two princes pang nalalaman. 

"Si Rye Giazo ung masungit. Lahat halos ilag sa kaniya. Hindi katulad nung kambal niya na si Ryder Giazo, palakaibigan pero pagginalit mo, parang si Rye," sabi niya at napatango ako.

So si Ryder ung mabait.
At si Rye ang masungit.

"Sila ang may-ari ng school. At next mafia princes of Giazo Clan as well as the Mafia World," sabi niya kung saan napatango ako. So sila na pala ang susunod namamumuno. I'm beginning to like this school. Hindi tulad nung ibang mga napapasukan ko. Iba ngayon, may thrill and the people are different. They have names and clans that interests me more.

▪▪▪

Blaise HarperWhere stories live. Discover now