Trigger 11

6.5K 213 9
                                    

Emotions
'Learn to hide that emotion before it kills you'


"Kuya." Bulong ko kay kuya dahil natatakot na'ko. Puro bangkay ang nasa sahig. Puro dugo. Pinipigilan kong lumuha habang nakatingin kay kuya na nakikipaglaban sa nakasilver mask.


"Blaise, run!" Sigaw ni kuya sa'kin pero hindi ako makagalaw. I'm just staring at them.Wala akong magawa kundi tumitig sa kanila. Kusa na gumalaw ang mga paa ko papunta kay kuya na biglang bumagsak.


"Kuya," I uttered releasing tears from my eyes. Bigla akong sinabunutan nung nakamaskara. "Hide," bulong niya sa tainga ko. "Blaise... run," nanghihinang sabi ni kuya pero hindi ko magawang tumakbo.


"What a touching scene. Look poor kid, if you don't hide in 3 seconds, I'm going to shoot your brother in the head," sabi niya at ikinasa ang baril. I can't move. Masyado akong natatakot at ninenerbiyos.


"3..." I just stared.


"2..."  "Kuya loves you. So run," sabi niya pero all I can do is to cry. Hindi ko makontrol ang katawan ko. I wanted to run but I can't.


"1.."


*Bang*


Napabalikwas ako ng bangon sa panaginip ko. Bumungad sa akin ang mga Elites na nakaupo... nakasandal sa pader at nag-uusap. They are all now looking at me. "Ayos ka na ba Blaise?" Tanong sa'kin ni Ryder. Hindi ako makasagot. Inaalala ko ung huling nangyari. Napatingin ako bigla kay Rye.


"Where is he? Nahuli niyo ba siya? Did you killed him? Tell me," sunod-sunod na sabi ko na ikinaharap niya sa'kin. I need to know. Napakalapit ko na sa taong un tapos hindi ko pa siya napatay. Damn it. Umiling lang siya na ikinainis ko. "Iisang tao natakasan kayo?"  Inis kong tanong sa kanilang lahat.


"Hey. Unang-una sa lahat. More than 100 silang sumalakay. Secondly, siyam lang kami, at thirdly kung hindi ka nagpadala sa emosyon mo, baka sana napatay mo yun. Kaya huwag mo isisi sa'min kung nakatakas siya. He's in your hands already, pinakawalan mo pa." Sabi ni Veron at padabog na umalis. Nagpadala ako sa emosyon ko? Ganun na ba ako kahina? Damn it. Bakit ba ganito nangyayari? Kung kailan nasa harapan ko na tsaka naman nawala bigla.


I hate it!


"Food? You slept almost for 2 days," sabi ni Ryder na ikinalingon ko. Napapikit nalang ako ng mariin at humiga sa kama ko.  "No thanks." 

Blaise HarperWhere stories live. Discover now