Ch. 49: Sports Fest III

Start from the beginning
                                    


"Ay shit spoon and fork wala."-napalingon ako kay Caile sa malakas na bulong na niya 'yon habang pabalik kami sa table namin. Napansin niya ang paglingon ko dahilan para inabot niya sa'kin ang pagkain niya. "Pasuyo sa lamesa natin, kukuha lang ako ng kutsara't tinidor. Salamat."


"Ay nakalimutan ko rin 'yung akin. Pakuha rin ako ng fork, Caile."-pasuyo ni Jade. Tumango lang si Caile at nauna na kaming bumalik sa table. 


Saktong pag-upo ko sa pwesto ko ay may natanaw ako na pamilyar na mukha ilang table ang layo mula sa pwesto namin. Hindi ko agad naalis ang tingin ko doon, hanggang sa makilala ko sila. 


Si Aimee ang kaharapan ko. Lumipad ang tingin ko sa taong nakaupo sa harap niya at nakatalikod mula sa pwesto ko, at kahit likod lang ang nakikita ko, agad kong nakilala kung sinong kasama ni Aimee sa lamesa, si Andy.


Napatingin ako sa kanila ng mas matagal kesa sa dapat. Pinanood ko sila kahit hindi ko alam kung anong ginagawa nila bukod sa kumakain. Then suddenly, nag-angat ng kamay si Aimee at kasabay no'n ang paglean ng katawan niya palapit kay Andy. Hindi ko malinaw na makita kung anong ginagawa niya dahil natatakpan iyon ng katawan ng huli.


The sight made me held my breath.


Kumunot ang noo ko.


Anong ginagawa nila? Kelan pa sila naging close?


Naputol lang ang tingin ko sa kanila nang makarinig kami ng bagay na bumagsak sa floor, paglingon ko sa likod ay nakita ko si Caile na payuko sa sahig. 


"Uy what happened?"-tanong ni Ayson sa kanya na tumayo pa sa upuan nito para makita kung may maitutulong ba siya sa president.


"Nabitawan. Sorry. Kukuha nalang ako ng bago."-sagot ni Caile na nag-angat muna ng tingin kay Ayson bago lumipad ang tingin sa'min. 


Sa'min siya nakatingin nang sabihin iyon pero bago tumalikod ay napansin ko ang pagsulyap niya sa kabilang lamesa. Dahil halos walang tao dito, sigurado akong kina Aimee sandaling lumipad ang paningin niya.


Mukhang katulad ko, nakita rin niya ang maiksing palabas.


***

l Second day of sports fest l


Magulo ang campus simula nang mag-umpisa ang sportsfest kahapon. Lahat ng estudyante nagkalat. Lahat maingay. Lahat kanya kanyang cheer. Lahat masaya at nag-eenjoy. Ako man ay nag-eenjoy din, pero hindi ako sumali sa kahit anong laro kahit na ang bawat member ng team ay dapat may salihan na kahit isang laro. Nagdahilan nalang ako sa head coach namin na may binigay na task sakin ang council kahit ang totoo ay wala naman.


Kahapon sinimulan ng cheerers ang pagpapainit ng laban, superb ang performance ng bawat isa na kung pwede lang magtie ang apat na grupo, nagtie na sila. Dahil sa dikit na laban sa cheerdance mas uminit ang laban sa bawat laro, lahat gustong manalo para makalamang sa iba dahil kung titignan ang ranking kahapon hanggang ngayon, wala pang team ang totoong naglilead, lahat nagpapantay pantay lang sa scores at iilang points lang ang pagitan ng bawat isa, dahilan para every hour or every may matatapos na laro ay nagbabago ang ranking. Ang leading ay pwedeng mapunta sa bottom in an instant. 

Ways For Her To Dislike HimWhere stories live. Discover now