CHAPTER 61

110K 1.8K 2
                                    

Nangangaligkig na si Guia nang maramdaman ang lamig ng hanging dumadampi sa kanyang balat. Hindi pa tuluyang tumutuyo ang damit at buhok niya mula sa pagkakabuhos ng malamig na tubig sa kaniya doon sa loob ng bodega kanina. Ngayon ay hinahayaan naman siya ng mga itong tumayo sa loob ng isang malaking drum.

Nasa abandonadong daungan sila. Mukhang malalim na ang gabi ngunit sapat naman ang liwanag ng buwan at mga ilaw sa poste para mapagmasdan niya ang kinaroroonan.

May nakikita siyang tila abandonadong barko na may nakasulat na MV Princess Joy. Malaki ang barko ngunit kalawangin na iyon, tila pinabayaan na ng tuluyan. May mangilan-ngilan ring nakatambay na abandonado ring mga yate, lantsa at bangka.

Inilagay siya ng mga lalaki sa isang malaking drum na lata na hanggang dibdib niya ang taas. Nakaposas pa rin siya at may nakatali sa isang paa niyang kadena na may isang malaking bilog na itim na bato sa dulo.

Mabigat ang bato dahil nahihirapan siyang sipain iyon. Ang sabi ng lalaking naglagay niyon sa paa niya, ikinabit daw iyon sa kaniya para hindi na raw siya magtangka na namang tumakas.

Paano siya makakatakas kung may apat na mga lalaking armado sa likuran niya? Si Kelly naman ay nasa tabi lamang niya, tantiya niya ay nasa dalawang dipa ang layo nila.

Nakaposas din ito at napapaligiran ng mga tatlong armadong lalaki. Ang nakakapangilabot lang ay may ikinuwentas ditong isang time bomb.

Nag-iiiyak siya kanina sa takot sa pwedeng mangyari kay Kelly. Nakapagtataka lang at kalmante lang ang babae, hindi mo makikitaan ng takot ang mukha nito. Tila hindi nito inaalintana ang mabilis na pagpitik-pitik ng bombang nasa tapat ng dibdib nito.

Humigit kumulang ay nasa may limampung lalaki ang nakabantay sa kanila. Mayamaya ay nagsalita na ang lalaking tinatawag ng mga itong "Boss".

"May paparating," anitong nakangisi.

"Nalaman niya kung nasaan tayo,Boss?" tanong ng isa sa mga alipores nito.

"Malamang, matalino 'yong letseng 'yon. Eh, 'di mas maganda para matapos ko na siya agad-agad!" sagot nito, saka humalakhak.

Nang tumigil ito sa pagtawa ay lumapit ito sa kaniya at mariing hinawakan ang baba niya. Napangiwi siya dahil sa diin nang pagkakahawak nito sa mukha niya.

"Your knight in shinning armor is coming to save you, princess," sarkastikong sabi nito. Ngumiti ito at nakita niya ang pantay-pantay na ngipin nito.

Ngayon lang niya napansin, sa lahat ng mga lalaking naroon, ito lang ang mukhang disente. Makinis ang mukha nito sa malapitan. Hindi ito mukhang goon. Mukhang may pinag-aralan din ito dahil fluent itong mag-ingles.

"Don't touch her, dog!"

Tumahip ng malakas ang dibdib ni Guia nang marinig ang malakas na boses na iyon.

Diego!

Marahas na binitiwan ng lalaki ang mukha niya at humarap sa bagong dating na sumigaw. Agad niyang hinanap ang pinanggalingan ng boses. Napalunok siya ng sunod-sunod nang makumpirmang si Diego nga ang sumigaw!

Nakapamulsang nakatayo ito may ilang metro ang layo sa harapan nila. Naka pantalon ito at polo shirt na nakatupi ang manggas hanggang siko.

Nakakapagtakang biglang umumbok ang dibdib nito at medyo kumapal ang buhok. Hindi naman wavy ang buhok nito at hindi rin ito sobrang maskulado last week. Nagmukha na itong wrestler.

Hindi kababakasan ng ano mang emosyon ang mukha nito habang nakatitig sa Boss ng mga kidnappers na humawak sa kaniya kanina. Wala siyang nakikitang kasama nito,bagkus ay may nakapaligid ditong mga armadong lalaki na hula niya ay alipores din ng mga kumidnap sa kanila ni Kelly.

"Well,well,well...look who's here? You are really something, Attorney. You've got some audacity jumping into the Lion's den," anang ng Boss ng mga kidnappers kay Diego habang pumapalakpak pa, "I must commend you, Atty. de Villa, you are really tough!"

Blankong nakatingin lang si Diego sa lalaki.
Ilang sandali pa'y nagsalita ito.

"I keep on wondering why your voice sounds familiar. You're the one who shook my hand outside the courtroom the other day and showered me with your exaggerated praises," patuyang sabi ni Diego. "It's a good thing I was not enticed by your fake disguise though."

Teka sandali, magkakilala sila? nagtatakang tanong niya sa isipan.

Humalakhak naman ang Boss ng mga kidnappers sa tinuran ni Diego.

"Exactly, Atty. de Villa. I joined that stupid support group just to dig in to your character. Pinilit kong makipag kaibigan sa 'yo para malaman ko kung ano ang pinaplano mo sa kaso ni Congressman Sevilla. Kaso, mailap kang tarantado ka! Ayaw mong makihalubilo sa ibang tao, masyado ka ring matipid magsalita. Kaya kita pinadalhan ng pugot ulong kambing para bigyan ka ng ultimatum. Pero matigas talaga ang ulo mo, kasing tigas nitong baril na hawak ko..." iwinasiwas pa nito ang baril na hawak.

"...kaya kung hindi kita madadaan sa death threat, iyong mga mahal sa buhay mo na lang ang papatayin ko para magtanda ka!"

Nahindik siya sa pinagsasabi ng Boss ng mga kidnappers. Kung ganoon ay ilang beses na pala nitong pinagtangkaan ang buhay ni Diego?

Muli, blangko pa rin ang mukha ni Diego. Tila hindi ito naapektohan sa sinabi ng Boss ng mga kidnappers. Hindi niya alam kung takteka lang nito iyon o talagang wala itong pakialam sa isiniwalat ng kidnapper.

"Why are you interfering with my case?" patuloy na tanong ni Diego sa blangko pa ring ekspresyon.

Undercover Heart (Completed)Where stories live. Discover now