CHAPTER 47

102K 1.8K 2
                                    

"Congratulations,Atty. de Villa! Mukhang nakaka-advance na kayo sa kaso!"

Bakas ang katuwaan sa mukha ng isa sa mga supporters ng kasong hawak ni Diego nang kamayan siya nito. Tipid lang siyang ngumiti habang nakikipagkamay.

The hearing has just been adjourned. Kalalabas lang niya sa courtroom kasunod sina Den-den, ang mga magulang nito,at ang representative ng party list.

"I hope na matuldukan na rin ang kaso na'to, Attorney. Matagal na rin kasi itong nakabinbin sa Trial Court. By the way, you're outstanding back there. I salute you, Attorney. Sikat na sikat ka na rin sa TV!" walang katapusang pagpuri nito sa kaniya.

Matipid na ngumiti lang uli ang isinagot niya at hindi na nagkomento. He hated flaunting his accomplishments.

Matinik ngang naiwasan niya ang grupo ng mga newscasters sa labas ng courtroom kanina, hindi naman siya nakaligtas sa lalaking ito.

Ayaw niyang magbuhat ng sariling bangko sa kaso. Hindi lang naman kasi siya ang gumagalaw, nandiyan ang DOJ,DSWD at NGO na umaalalay sa kaniya.

Laking pasalamat niya nang tumigil na ito sa kakapuri at nagpaalam.

Umalis din naman agad na sila. Dinala na rin niya sina Den-den sa kaniyang opisina sa Law Firm na pagmamay-ari niya at ipinulong. Nang matapos sa pagpupulong ay agad na ring nagpaalam ang mga ito.

May mga bodyguards si Den-den---requested niya mismo iyon sa DOJ--batay na rin sa R.A 8505.

Hindi naman siya nakontento sa bodyguard nito at dinagdagan niya ng isa pa.
Sarili niyang bulsa ang nagpapasweldo sa isang bodyguard. Mas mabuti na rin iyong nakakasiguro.

Sumasailalim din ang babae sa isang psychological counseling at Stress Management.

Bumaba na siya sa parking lot ng building at hinugot ang susi ng kotse sa bulsa.

Pupuntahan niya si Guia. He missed her a lot. It's been weeks since he last nuzzled her in his arms. He wanted to make it up to her. They are getting married soon but he barely see her due to his busy schedules.

Napatigil siya sa paghakbang papuntang sasakyan niya nang makitang basag ang salamin niyon sa driver's seat.
Mabilis siyang sumandal sa isang haligi na naroon at nagpalinga-linga. Hinugot na rin niya ang baril sa ilalim ng black coat niya at kinasa.

Wala siyang ibang nakikitang tao roon maliban sa kaniya. Nang walang narinig na kakaibang tunog o kilos sa lugar ay dahan-dahan siyang lumapit sa sasakyan.

Wasak na wasak ang tinted glass niyon. Sinuri niya ang loob, labas at ilalim ng sasakyan, baka may nakatanim na bomba o granada roon na biglang sasabog kapag ipinihit niya ang seradura.

Clear.

Walang sign ng kahit anong bomba.

Pinihit na niya ang seradura at binuksan ang driver's seat.

Kumunot ang noo niya nang may makitang isang box doon. Agad niyang hinablot iyon kahit natatambakan iyon ng mga bubog at piraso ng mga basag na salamin.

Inilapit niya sa tenga ang box, sinuri kung may tumutunog na bomba sa loob.

Wala.

Agad na binuksan niya ang box. Nagsalubong ang kilay niya nang makitang may pugot na ulo ng isang kambing sa loob, naliligo sa sariling dugo.

Hawak niya sa isa pang kamay ang takip ng box na napansin niyang may nakasulat sa loob.

Kapag hindi mo itinigil ang kaso, ganyan ang mangyayari sa ulo mo.

Iyon ang nakasulat.

His lips curved into a smile. He laughed hilariously when he realized what the enemies are up to.
That was not the first time he received a threat from someone, lalo na sa kaso ni Den-den.

He didn't survive numerable dangerous missions in FBI just to be frightened by a decapitated goat and a gibberish threat. Backing out is not existing in his vocabulary. He was born a fighter, not a coward.

To be honest, he wasn't even shaken. Mas natatakot pa siyang indianin si Guia sa date nila kaysa sa ulo ng kambing.

"Poor, Goat. May you rest in peace," tanging nasabi niya sa ulo ng kambing.

Tinakpan na niya uli ang box saka inilapag iyon sa sahig.
He then dialed his security team, ang mga ito na ang bahalang makipagtulungan sa NBI para maimbistegahan ang nagyari sa kotse niya.

While waiting for his security team, he dialed his secretary to buy him a new car.

Nang magdatingan ang security team niya ay isinalaysay niya ang nakita.
Mahigpit na ipinagbilin niyang huwag iyon ipaalam sa press.
Agad naman niyang hiniram ang susi sa isa sa mga company cars niya at pumaharurot.

He really needed to see Guia for he was longing for her. He wanted to kiss and hug her tightly. To hell with the threat!

Undercover Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon