CHAPTER 59

100K 1.6K 6
                                    

Kelly moved her tounge inside her mouth. She cursed when she couldn't feel her molar anymore. What's left inside her mouth is an empty space of her gum.

Her microchip is missing! That explains why her gum ached and her mouth is accumulated with blood.

She studied the room where she was restrained.

Medyo madilim ang paligid. Tantiya niya ay gabi na sa labas. Sapat lang ang kaunting liwanag na nagmumula sa singkuwenta boyas na bombilya para mapagmasdan ng mabuti ang kinaroroonan niya.

Naka specialized contact lense siya na kusang nag-aadjust sa madilim na paligid.

Hindi masyadong kalakihan ang silid na kinaroroonan niya, hindi katulad noong unang pinagdalhan sa kanila ni Guia.

Maraming naka-pile na mga bariles at malalaking kaing sa paligid niya. Napatingala siya. Yero ang bubong ng silid. Tama ang sapantaha niya, nasa isang bodega sila.

At ayon sa mga naririnig niyang hampas ng alon sa labas, nasa isang coastline sila.

Nakagapos pa rin ang nakasiklop na mga kamay niya sa likod ng silya. Pati ang mga paa niya ay nakagapos din. Ang bibig niyang nagsisisigaw kanina ay nakabusal na ngayon.

Dahan-dahan niyang ikiniskis ang heel ng isa sa mga boots niya sa lubid na gumagapos sa paa niya.

Her heels have dual purposes, a three-and-a-half inch lancet was implanted inside the heel. Unti-unting naputol ang lubid ngunit hindi niya inalis iyon sa pagkakatali sa paa niya.

"P're, ganda talaga ng chikababe na 'yan, sarap ulamin!"

"Oo nga, lapain na natin. Wala naman si Boss,eh!"

Kinilabutan siya sa naging komento ng mga lasing na lalaking nagbabantay sa kaniya.

Pero hindi siya nagpahalatang naasiwa sa mga pinagsasabi ng mga ito, she needed them to do something to her so that she can execute her plan.

Dahan-dahan na lumapit ang mga lalaki sa kaniya. Ang isang lalaki ay maitim at malalaki ang mga mata samantalang ang isa naman ay kayumanggi at sungki ang mga ngipin habang nakangisi sa kaniya. Pinahid pa nito ang laway na tumulo sa bibig nito habang nakatingin sa kaniya.

She's already nauseated just by looking at their horrible faces. But she kept her cool.

Nang tuluyang makalapit ang mga ito ay agad na tinanggal ng maitim na lalaki ang busal niya.

Mariing sinabunot nito ang kamay sa buhok niya at sapilitang iniharap ang mukha niya rito.

Masukasuka siya nang marahas na ilapat ng lalaki ang makakapal na mga labi nito sa kaniya. Agad na kinagat niya ang pang ibabang labi nito.

Napasigaw ito sa sakit. Sinamatala niya iyon at inumpog niya ang kanyang ulo sa ulo nito.

Nawalan naman ito ng malay at bumulagta sa sahig. Ang kasama nito ay tila nawala ang kalasingan sa nasaksihan at sinugod siya.

Mabilis na tinanggal ng mga paa niya ang lubid at sinipa ang sungking lalaki sa leeg bago pa man ito makalapit sa kaniya. Nagtalsikan ang dugo nito sa sahig nang masapol ng heel niya ang leeg nito at gumuhit ang malaking sugat doon. Bumulagta rin ito sa sahig.

Napabuga siya ng marahas na hangin dahil sa ginawa. Sumakit lalo ang pasa niya sa ulo dahil sa pag headbat niya sa maitim na lalaki. She can imagine her face full of hematomas right now.

She moved her head and stretched her neck.

"That's for a warm-up,"aniya sa sarili.

Pinaikot niya ang isang paa sa likuran ng silya at pilit na iniabot sa kamay ang heel niyang may lancet.

She was trained in gymnastics that's why she knows how to make herself flexible.

Nang maabot ng kamay niya ang lancet ay agad niyang nilaslas ang lubid na nakapulupot sa mga bisig niya.

Nang mapagtagumpayang makalas ang lubid ay tumayo na siya at kinuha ang mga baril na nakasukbit sa mga pantalon ng mga lalaki.

Ang sumunod na ginawa niya ay hinila niya ang mga paa ng mga ito at itinago sa likod ng mga kaing ang mga katawan.

Isinunud niyang itinago ang silyang pinagtalian sa kaniya nang sa ganoon ay isipin ng mga kasamahan ng mga ito na sa ibang lugar siya itinago.

Undercover Heart (Completed)Where stories live. Discover now