CHAPTER 39

121K 2.1K 21
                                    

@dcmuch

At dahil 1st time mo ngang magpa-dedicate,sa iyo na ang slot na ito. Heheheh!

★★★★★★★★★★★★★★

       

After 1 year...

"This is my special bridal gown design for you,G. This will fit you well since binase ko yan sa style na gusto mo at hubog ng katawan mo," nakangiting sabi ni Sophia sa kaniya.

Inabot nito sa kaniya ang isang sketchpaper design ng isang bridal gown.Napangiti siya ng malapad habang sinusuri ang design ng kaibigan.  Magaling talaga ito. Kuhang-kuha nito ang estilo na gusto niya.

"That's a fitted satin bridal gown that features a contour straps with scalloped edging and cap sleeves that continue to a keyhole back. Covered ang front ng totoong Swarovski Crystal---"

"Pwede bang huwag mo nang i-detalye ang gagawin mo sa gown na 'yan, Sophie, dahil hindi ako maka-relate? Anong malay ko r'yan sa Swarovski crystal na 'yan?" nayayamot na sabat ni Sidney kay Sophia.

Agad na hinablot ni Sophia ang braso ni Sidney at pinagkukurot iyon. Dumagdag pa sina Ian at Lorraine sa pagkurot dito.

"Bakit, ikaw ba ang ikakasal,ha? Kapag ako nainis sa'yo, gagawin kong see through ang bridesmaid gown mo, makita mo!" banta ni Sophia rito.

Tila natakot naman si Sidney. "O sige na, magkuwento ka na tungkol sa alamat ng Swarovski crystal. Hindi na ako kikibo."

Nagtawanan silang lahat. Napailing na lang siya sa kakulitan ng mga kaibigan niya. Exactly 1 year ago ay ganoon din ang senaryo nila bago tumawag ang Head Nurse ng hospital na pinagtatrabahuan niya habang ipinapaalam sa kaniya na tumakas nga ang pasyente niya, which is si Diego.

Ang bilis ng panahon. Parang kalian lang...

Busy na siya sa pagpe-prepara sa nararating na kasal nila ni Diego.

Oo, ikakasal na sila after 1 year nilang naging magkasintahan! Ang singsing na isinuot nito sa kaniya sa ospital ay hindi na nito ipinatanggal sa daliri niya.  Halos lumuwa ang mata niya nang malamang 5 million pesos ang halaga ng emerald cut na engagement ring na iyon.

Gusto sana niyang itago sa kasulok-sulokang baul ang singsing dahil natatakot siyang ma hold-up.

Tumutol si Diego, hindi umano siya mahohold-up dahil daig pa raw niya ang may limang PSG kapag ito ang kasama niya.

Nakilala na niya ng lubosan ang lalaki. Ni minsan ay hindi na ito nagtangkang magsinungaling sa kaniya. Lahat ng mga aktibidades nito ay ipinapaalam nito sa kaniya kahit hindi niya itinatanong. May tiwala naman siya rito, eh. Matinong lalaki naman ito, naiintindihan naman niyang nagawa lang nitong magsinungaling sa kaniya dati dahil sa trabaho nito.

Nakilala na rin niya ang mga magulang nito. Nalula nga siya sa yaman ng pamilya nito. Ang akala niya ay mayaman lang ito, hindi pala totoo dahil mayamang-mayaman ito! Ngunit tiniyak naman ng parents ng lalaki na wala umanong pakialam ang mga ito sa estado ng isang tao, kahit na sino pa ang pakasalan nina Diego at ng kapatid nito.

Nakahinga siya ng maluwag dahil doon. Ang nag-iisang kapatid nitong lalaki ay nakabase sa ibang bansa para sa mga negosyo ng pamilya nito kaya hindi niya pa  nakikilala ang lalaki kailanman. His parents were nice to her, they treat her like their own daughter. Wala umanong anak na babae ang mga ito kaya alagang-alaga siya.

Sa mansion ng mga ito siya noon dinala ni Diego upang doon magpagaling.

They even hired a private nurse for her, which is too much. Ang sabi ni Diego ay hayaan na lang daw niya ang mga magulang nito dahil higit pa raw doon ang nagawa niyang tulong sa mga ito noong kinupkop niya si Diego sa bahay niya.

Finally, Diego and his father settled their conflict. He admitted to her that he left their house at a young age because of his father.Ngayon daw ay nagbago na ang ama nito at wala ng masamang negosyo. Puro malilinis na negosyo na lang daw ang hina-handle ng matandang don.

Inamin niyang nagulat siya sa history nito at ng family nito pero hindi naman nagbago ang tingin niya kay Diego. Lalo lamang tumindi ang paghanga at pagmamahal niya sa lalaki dahil sa pinagdaanan nito at sa prinsipyo nito sa buhay.

Biglang nag-ring ang cellphone niya.

Deja vu talaga aniya sa isipan.

Tiningnan niya ang cellphone at nakitang si Diego ang tumatawag.

Tingnan mo nga naman, ang pasyente kong tumakas noon ang tumatawag sa akin ngayon! nakangiting sabi niya sa isipan.

"Yes, Pogi?" magiliw na bati niya sa kabilang linya.

Narinig niya ang mahinang pagtawa nito.

"Ganda, Kelly is in the country. She wants to have a dinner date with us," imporma nito.

Si Kelly?

Simula noong mabaril siya isang taon na ang nakakalipas ay hindi pa niya nakakausap ito ng personal.  Bumalik agad kasi ito sa States kasama si Caloy para mag-report sa Head Quarters ng FBI tungkol sa operasyon ng mga ito kay Enrique.

Sa chat lang sila nagkakausap nito at madalang lang iyon. Narinig niya kay Diego na naging magkasintahan daw sina Caloy at Kelly pagkatapos ng operasyon ng mga ito. Tuwang-tuwa naman siya dahil nahanap na rin ng babae ng lalaking para dito.

Kung siya ang tatanungin ay good catch si Caloy. Mabait ito, masipag, magaling sa trabaho at maaasahan. Bukod pa doon ay napakagwapo at simpatiko nito. Wala nang hahanapin pa si Kelly na katulad nito.

"Sige! Gusto akong makita siya uli!" nasasabik na sabi niya.

"Uhm..let me just inform you that she's heartbroken," imporma uli nito sa kabilang linya.

Biglang lumungkot ang anyo niya sa ibinalita nito. Sayang, bagay pa naman sina Caloy at Kelly.

"Break na ba sila ni Caloy?"

"Uh, yes," maikling sagot nito.

"Bakit daw?" curious na tanong niya.

"I don't know. Let's not talk about them, Honey. Sabi ko naman sa 'yo, hindi bagay sa isang magaling at saksakan ng gandang doctor na katulad mo ang maging tsismosa!" natatawang sita nito sa kaniya.

She scoffed. "I'm not tsismosa, I'm just being curious!"

Totoo, curious talaga siya. Ano kayang nangyari kina Caloy at Kelly?

"Curiousity kills the cat, Hon" sagot nito sa kabilang linya.

"I'm not a cat!" she pouted.

Natawa na naman ito sa kabilang linya. Mayamaya ay tinapos na nito ang tawag at may kliyente pa raw ito.  May sariling Law Firm ito. Hindi nito tinaggap ang posisyon na ibinigay ng ama nito sa kompanya ng pamilya nito at piniling maging share holder na lang. Hindi raw nito forte ang business, mas masaya raw ito sa pagde-defend ng mga tao.

Mabilis umangat ang Law Firm ni Diego dahil maraming malalaking kliyente ang lumalapit at nagtitiwala sa galing nito at ng mga kasamahan nitong abogado.

Mga de-kalidad at hindi basta-bastang abogado din ang nagtatrabaho sa firm nito.

Madalas itong kunin bilang legal consultant ng Presidente at mga senators. Medyo mayroon siyang kaunting pangamba sa trabaho nito. Hindi kasi maiiwasang pag-initan ito ng mga kalaban ng mga kliyente ni Diego at baka kung anong gawin sa nobyo niya.

Pero sinugurado naman nito sa kaniya na walang mangyayaring masama rito dahil alam naman daw nitong protektahan ang sarili. Wala siyang nagawa kundi suportahan na lang ito sa landas na gustong nitong tahakin.

-------------------------------------------------------

Undercover Heart (Completed)Where stories live. Discover now