CHAPTER 36

120K 2.6K 77
                                    

Maputing kisame ang bumungad kay Guia nang magising siya. Kinurap-kurap niya ang mga mata. She winced when she felt something hard inside her throat. May tubo ding nakakabit sa bibig niya.

I'm intubated? What happened to me? Unti-unti niyang iginala ang mga mata sa paligid. She saw someone in  scrub-suit instilling medication on her IV cannula, must be a nurse.

Iginalaw niya ang kamay. Nagulat ang naka-scrub suit at napatingin sa kaniya. Agad itong tumawag ng doctor.

The doctor then examined her pupils and chest. Namigat uli ang talukap ng mga mata niya at nawalan uli siya ng malay.

----------------------------------------------------------------

Isang matandang lalaking nakaupo sa isang wheelchair ang nabungaran ni Diego pagpasok sa office ng kanyang ama sa kanilang mansion. Nakatalikod ito sa kinaroroonan niya habang nakatanaw sa labas ng malalaking glass windows ng silid.

"Is that you, Alondra?"rinig niyang tanong ng matanda. Ang mama niya ang tinutukoy nito.

Hindi siya sumagot. Dahan-dahan niyang isinara ang pinto at iginala ang paningin sa paligid. Maliban sa nagsulputang mga glasswindows at matitingkad na kulay berdeng mga wallpapers, wala na siyang ibang nakikitang pagbabago sa opisina ng ama niya.

Dati ay walang bintana ang opisina nito at puro closed walls lang ang nakapalibot. Paranoid kasi ito, baka tumagos umano sa mga bintana ang mga bala ng mga taong gustong pumatay dito.

Kumpleto pa rin ang apat na naglalakihang mga bookshelves nito na punong-puno ng mga libro. Nakakorteng parisukat iyon na nakasandal sa bawat gilid ng opisina. Naging glass-typed na rin ang mesa nitong dating gawa sa narra.

Mayamaya ay nakita niyang may pinindut ang matandang lalaki sa armrest ng wheelchair nito at dahan-dahang humarap sa kinaroroonan niya.

"Alon---" gaya ng reaksyon ng kanyang mama kanina, tila nabitin din sa ere ang sasabihin sana nito. Namilog ang mga mata nito nang mapagsino siya.

Alanganing ngumiti siya. Gusto niyang magsalita ngunit walang salitang gustong lumabas sa bibig niya.

Now what Diego? You have finally seen your old man back.

Napalunok siya. Anong nagyayari sa kaniya? Nasaan na ang ilang taong inensayo niyang mga salitang sasabihin dito kapag dumating ang pagkakataong makaharap niya ito uli? Nasaan na ang mga hinanakit niyang gustong isumbat dito?

The old man is disarming him. It must be the old man's appearance...

Habang pinagmamasdan ang ayos at hitsura nito ngayon, tila nalulon niya lahat ang masasakit na salitang gustong ibato rito.

The old man is already imprisoned in his wheelchair. Four years ago ay na-stroke ito, bagay na hindi kaila sa kaniya dahil ibinalita iyon ng kaniyang kapatid. The right side of his body is unable to function anymore.

When the news first arrived, he wasn't really affected at all. Iniisip niyang karma iyon ng ama niya sa lahat ng kasamaang ginawa nito.

Not until now....

Malaki ang ibinagsak ng katawan nito kumpara sa huling larawan na nakita niya ito sa isang business magazine pitong taon na ang nakakalipas. Ang dating bilugan na mukha nito ay naging humpak. Ang dating maskulado nitong katawan ay lumiit, pumayat at nawalan ng kapangyarihang literal. Ang mga mata nitong punong-puno ng awtoridad at kompyansa sa sarili ay naging malamlam at punong-puno ng kalungkutan.

He can't find his tyrant and proud mask anymore. He's nothing but a powerless and guilt-ridden man. He guessed time really took its toll on his father. Matagal na ring iniwan nito ang ilegal na business ayon kay Dave.

"H-how are y-you?" tanging namutawi sa bibig niya.

Curse you,Diego! You've faced countless of bigtime criminals in the world, yet you cannot say a single word in front of your father? Get your act together,Man!

Namimilog pa rin ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Wala ring kahit isang salita ang namutawi sa bibig nito.

Ilang segundo silang nagtitigan lang doon hanggang sa nagpasiya na siyang humakbang. Kung ano-ano ng emosyon ang pumapasok sa sistema niya. Napagtanto niyang kahit sukdulan hanggang langit ang galit niya rito, ama niya pa rin ito.

Kailangan nito ng karampatang respeto galing sa kaniya. Nang makalapit dito ay agad na yumuko siya at inabot ang kamay nito, pagkatapos ay inilagay iyon sa kanyang noo.

Nagulat siya nang biglang kunin nito sa kanya ang kamay at itinaas sa ere. Napapikit siya, sa pag-aakalang susuntukin siya nito. Nagulat na lang siya nang bigla nitong hawakan ang ulo niya at ginulo ang kanyang buhok. Nang tingnan niya uli ito ay hilam na ng mga luha ang mukha nito.

Bigla na ring namasa ang mga mata niya.

"A-a tlast, mmmmy p-prodigal son is b-back," garagal ang boses na sabi nito. Medyo nahihirapan itong magsalita dahil medyo tagilid na ang bibig nito pero naiintindihan naman niya.

Hindi agad siya nakahuma sa sinabi nito. Hindi yata't matagal na siya nitong hinintay na bumalik?

He find it hard to believe what his mother was saying before. Now he finally heard those words from his father's own mouth.

I can't believe this is happening. It felt surreal.

Lumuhod siya sa harapan nito at pinakatitigan itong mabuti.

"I-I'm sorry ..." he sincerely uttered.

"N-no. I'ts mmmme w-who nnneeds y-your f-forgiveness, son. I-I made a h-huge mess in o-our family. I-I don't even dddeserve to be ccccalled a "fafafafttttheeerrrr"" anito sa pagitan ng paghikbi.

He swallowed a big lump on his throat. He reached for his father's shoulder and tap it gently.

"I may have some issues with you as a person but I have forgotten all my doubts to you as a father. You did everything for our sake," madamdaming wika niya.

Totoo iyon. Naintindihan na niya kung bakit ito naging ganoon ka estrikto sa kanila dati. He just wanted the best for his family. He's just too lame in expressing it right.

"G-give me aaaanother ch-chance,S-son. C-ccome back home," pakiusap nito.

Napangiti siya sa sinabi nito.

"That's why I'm here..." sagot niya.

Biglang nagliwanag ang mukha nito. He could see hope and gladness flickered in his father's eyes.

"H-have you ffforgiven mmee?"umaasang tanong nito.

"I wouldn't be here If I haven't," bukal sa loob na sagot niya.

Nakita niyang lumapad ang ngiti nito.

All his life, he had never seen his father smiled so genuine and pure. Ngayon lang.

Nanginginig ang bibig nito habang nakatingin sa kaniya. Alam niyang may sasabihin pa ito ngunit tila nag-apuhap pa ng tamang salitang gagamitin.

Mayamaya ay nagsalita na ito.

"C-can yyyou ccaall me"Papa" aagain?" nagsusumamong tanong nito.

Tinitigan niya ito ng mabuti bago sumagot. "I missed you,Pa."

Tila iyon lang ang hinihintay nitong hudyat at niyakap siya ng mahigpit. Ginatihan din niya ito ng mas mahigpit pang yakap.

✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿

Undercover Heart (Completed)Where stories live. Discover now