CHAPTER 58

96.5K 777 9
                                    

"Two Hundred One Kilometers,North East, Town of San Vicente,"

Mataman lang na nakikinig si Diego sa impormasyong nakakalap ni Caloy mula sa tablet na hawak nito. Mas lalong tumulin ang pagpapatakbo niya.

Ang isang segundong nasasayang niya'y kapalit ng segundong paghihirap nina Guia at Kelly sa kamay ng mga kalaban niya. Hindi siya puwedeng pa bagal-bagal.

"Check Kelly's location base on her tooth microchip," utos niya.

"She had a second molar extraction," imporma nito.

Napamura siya. Napatingin siya rito habang nagmamaneho pa rin. "Did she allow the dentist to remove her microchip?"

Saglit itong nag-isip at pinutakte uli ang tablet para buksan ang tracking program.

Matapos ang ilang minuto ay nagsalita uli ito.

"I found her! Maybe she had a re-installment of her microchip in another molar."

"Great!" nabuhayan siya ng loob.

Biglang nanahimik ito.

Nang mapatingin siya rito ay nakakunot ang noo nito habang nakatitig sa tablet.

"Uh-oh, I think we're in deep shit,Diegs. The tracking device is giving a different location. Kelly's device isn't in San Vicente, it's near the coast of Batangas. Five hundred kilometers away from here."

Bigla niyang natapakan ng madiin ang break ng kotse. Mabuti na lang at naka-seatbelt si Caloy kaya hindi ito tumilapon sa dashboard.

"What? What do you mean?" galit na tanong niya kay Caloy.

Masusi pa rin nitong pinag-aaralan ang tablet nito. "I think the enemy had a clue about what we're doing,Diegs. They're playing with us. They're giving different locations."

Nasuntok niya ang manibela."Screw them!" mura niya.

"Are we going to follow the cellphone number's location or Kelly's?"

"How many hours since that man called me?" aburidong tanong niya.

"Thirty two minutes and twenty seconds," kalkula ni Caloy.

"Kung tinawagan niya tayo ng 08:25 pm, imposibleng mailipat nila si Kelly sa Batangas sa loob lamang ng humigit kumulang tatlumpung minuto by land, not unless nag helicopter sila," analisa niya.

"Even if they ride a helicopter, they will not arrive in Batangas in just 30 minutes. That's too fast," dagdag ni Caloy.

Sakto namang tumunog ang cellphone niya. Lalong nagsalubong ang kilay niya nang makitang ibang numero na naman ang tumatawag.

"Yes," aniya sa kabilang linya.

"Am I screwing your mind right now, Mr. Agent?" anang pamilyar na boses sa kabilang linya.

"What do you want?!" bulyaw niya rito.

Narinig niya ang mala-demonyong pagtawa nito. "One word, three syllables. Sur-ren-der!" tila aliw na aliw na sabi nito.

"Dream on, Dog!" marahas na tugon niya.

Humalakhak uli ito sa kabilang linya."Oh,yes! I'm dreaming I'm licking the knife I used to slit your girlfriend's neck."

Napadiin ang paghawak niya sa cellphone. Nanginginig na siya sa galit.

Tinapos na nito ang tawag habang siya ay nagpupuyos pa rin sa galit.

Nang tiningnan uli ni Caloy sa tablet ang huling cellphone number nang tumawag ay ibang direksyon na naman ang ipinakita.

"The enemies know how to play their cards,Caloy," tanging nasabi niya.

"What should we do now?"untag ni Caloy sa kaniya.

Tumaas ang gilid ng labi niya."These men don't know who are they messing up with."

Undercover Heart (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum