CHAPTER 5

136K 3.4K 151
                                    

Mangiyak-ngiyak si Guia habang tinitingnan ang pekeng titulo niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Mangiyak-ngiyak si Guia habang tinitingnan ang pekeng titulo niya. Napeke nga siya! Walang Original Certificate of Titles ang mga titulo niya sa Registry of Deeds! Peke rin daw ang mga papeles na dala niya. Sa isang Divina de Villa raw nakarehistro ang kanyang bahay at lupa!

Napaiyak na siya sa panlulumo. Gusto na niyang maglupasay sa sementadong daan kung hindi lang nakakahiya. Anong gagawin niya? Sa isang iglap ay naglaho bigla ang pinaghirapan niya! Ilan taon din niyang pinag-ipunan ang pinambayad niya kay Orly tapos bigla niyang malalaman na scam pala ang lahat!

Ang saklap!

Noon din ay tumunog ang kanyang cellphone. Ine-expect na niyang ang estrangherong lalaki sa kanyang bahay ang tumatawag sa kanya. Ito lang naman ang makulit na tumatawag sa kanya kanina pa. Daig pa nito ang NBI kung makapag-monitor sa lahat ng galaw niya.

Nagtatanong lang naman ito nang mga walang ka-kuwenta-kuwenta kagaya ng kung nakarating na ba raw siya sa lugar na sadya niya o natuklasan na ba raw niyang nabiktima siya ng baklang si Orly dahil hindi raw ito makapaghintay na alilain siya. Sino ba namang hindi mabubuwesit sa ganoong tao?


"What?!" bulyaw niya sa kabilang linya. Suminghot-singhot pa siya. Ang sama-sama ng kanyang loob.


Mukhang natigilan ito sa kabilang linya dahil hindi agad ito nakapagsalita.


"It's confirmed! I've been duped! Are you happy now? You've got yourself a servant! Doktor pa! Swerte mo! Magpa-burger ka naman!" sarkastikong dagdag niya.


Gulong-gulo na ang kanyang isipan. Saan siya pupulutin kung 'di siya susunod sa kasunduan nila? Nasa kanyang bahay lahat ang mga savings account niya! Kung 'di ba naman kasi siya tanga't kalahati, iniwan niya lahat ang mga mahahalagang gamit niya roon!

Ayaw naman niyang idamay ang mga kaibigan niya sa gulong napasok niya at baka ano pang gawin ng lalaki sa mga 'yon. Laban niya iyon, kakayanin niyang mag-isa. Wala rin siyang laban na inuurungan.

"Come home," mayamaya ay utos nito.

Pinahid niya ang mga luha sa mga mata. Galit na galit siya. Ayaw niya munang umuwi. Magse-senti at self-pity muna siyang mag-isa. Gusto niyang i-release ang kanyang frustration.

"Come back home now!" matigas na ulit nito, mukhang nabasa sa kabilang linya ang kanyang iniisip.

Aba, kung makapag-utos ito ay daig pa amo! Hindi pa man siya pumapayag maging alila nito ay nagsisimula na itong mandohan siya nang ganoon! Nangigigil na siya rito pero pinipigilan pa rin niya ang sarili. Edukada siya, hindi dapat siya nagpapadala sa galit.

"I wont go hom—"

"Go home or I'll send someone to pick you up!" matigas na putol nito sa sasabihin niya.

Natigilan siya. Nawala sa isip niyang may tracker ito. Patayin kaya niya ang kanyang cellphone? Paano kung may inutusan pala itong magmanman sa kanya at bigla siyang damputin kung may kaduda-duda sa kilos niya?

Naging alerto tuloy siya sa paligid.
Malay ba niya kung anong klaseng tao ito at kung sino-sinong mga Poncio Pilato ang kakilala nito? Sa ganoong sitwasyon niya kailangan na kailangan ang tulong ni Sidney pero hindi niya kayang idamay ito sa problema niya.

Napabuntong-hininga siya. Ayaw man niya ay napalitan ng takot ang galit na nararamdaman. She decided to go home.
Diyos na bahala sa kanya.

🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼

✎Like this chapter? HIT the VOTE button and comment! THANK YOU!

✎Like this chapter? HIT the VOTE button and comment! THANK YOU!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Undercover Heart (Completed)Where stories live. Discover now