CHAPTER 32

112K 2.1K 378
                                    

       

Nagulat at nasaktan si Guia sa tinuran ni Diego.

"Didn't you hear me? Go home now! You're just wasting my time!"binulyawan na siya nito.

Mukhang hindi pa ito nakontento at itinulak siya. Hindi niya inaasahan iyon kaya nawalan siya ng balanse at bumagsak sa sahig. Mukhang hindi rin nito inaasahan ang nagawa dahil biglang bumalatay ang pag-aalala sa mukha nito. Mukhang nagsisi ito sa nagawa pero hindi naman nagsalita.

Agad naman siyang dinaluhan ni Sidney.

"Fuck you, Diego!" narinig niyang mura ng kaibigan ang lalaki.

Sandaling tumingin si Diego kaniya, tinging humihingi ng dispensa, bago umalis ng walang paalam. May pagmamadali sa mga kilos nito. Tinulungan siyang tumayo ni Sidney.

"That son-of-a-bitch! Kapag nakita ko pang lumapit sa'yo 'yon, hindi ko maipapangakong hindi ko mababasag ang mukha nun,Guia!" galit na turan ng kaibigan niya.

"No. He's just trying to protect me, Sid!!"katwiran niya.

But she doesn't need protection---it's him! Kailangan niyang pigilan uli ito. Agad siyang tumakbo at sinundan ang dinaanan nitong hagdanan. Naririnig niyang tinatawag siya ni Sidney ngunit hindi niya nilingon ito.

Kailangan niyang pigilan si Diego! Mas gugustuhin pa niyang mapahamak kaysa ito ang mapahamak. Tinakbo niya ang hagdanang tinakbong lalaki. Hindi na niya alam kung saan ito pumunta.

Umakyat pa siya sa isa pang hagdananat pilit na hinanap ito hanggang sa mapagod siya. Si Sidney ay nakasunod lang sa kaniya. Bigla siyang napatigil nang may marinig na nagsisigawan. Pagkatapos niyon ay nakarinig siya ng magkasunod na putok. Bigla siyang hinaklot ng takot at baka kasama si Diego sa putukan.

Pinigilan ni Sidney ang kamay niya. "Things are getting dangerous here, Guia. Let's get the hell out of here!" pigil sa kaniya ni Sidney, ngunit umalma siya.

Napasiksik sila ni Sidney sa isang sulok nang makarinig uli ng mga putukan. Namilog ang mga mata niya nang makitang hinahabol ng putok ng baril sina Kelly at Caloy sa may 'di kalayuan. Tumakbo ang mga ito sa kung saan. Mayamaya ay may sumunod sa mga itong mga naka-amerikana at shades na mga lalaki at pinaputukan ang mga ito.

Nasaan si Diego? kinakabahan siya nang hindi makita ang lalaki.

"Come on,Guia. Let's the hell out of here!" ulit ni Sidney.

Pumiksi siya at marahas na binawi ang kamay mula sa kaibigan. Tumakbo siya at iniwan ito upang hanapin si Diego.

"Guia!" marahas na tawag nito sa kaniya. Hindi niya nilingon ito.

Kinakabahan na siya. Sana walang nangyaring masama kay Diego! Tinakbo niya ang kahabaan ng pasilyo kung saan nanggaling sina Caloy. Napasinghap siya nang makitang may limang mga lalaking nakahandusay sa sahig, walang mga malay at duguan ang mga ulo at katawan.

Dahan-dahang nilampasan niya ang mga ito at tumakbo. Takbo at liko siya hanggang sa kung saan-saan na siya nakarating. Puro nakapinid na pinto lang ang nakikita niya. Hindi na niya naririnig si Sidney, nailigaw niya yata ang kaibigan.

Lumiko siya uli sa isa pang pasilyo, nasapo niya ang bibig nang makitang may mga lalaki na namang nakahandusay sa sahig at duguan ang mga ulo. Puro may mga tama ng mga baril.

Ilang sandali pa'y may narinig na naman siyang putukan. Nasapo niya ang mga ulo saka mabilis na napaupo. Sa pagkakataong iyon ay nagmula na sa pinakadulong silid ng pasilyong kinatatayuan niya ang putukan.

Agad niyang tinakbo ang kahabaan ngcpasilyo. Nang malapit na siya sa bungad ng pinto ay bigla siyang napatili nang may lalaking tumilapon at bumulagta sa harapan niya, duguan at walang malay din.

Hindi pa siya nakakahuma mula sa pagkagulat nang may marinig  na  nagsisigawan sa silid na pinanggalingan nang tumilapon na lalaki.

Agad siyang pumunta sa bungad ng pinto, nahigit niya ang hininga nang makitang nag-aagawan ng baril sina Diego at isang foreigner na lalaki, na hula niya ay espanyol base sa salitang lumalabas sa bibig nito.

"Eres un tonto!" sigaw nito kay Diego.

"Tonto your face! I will make you pay!" ganting sigaw ni Diego sa Español na lalaki.

Naagaw ng matandang lalaki sa isang sulok ng silid ang atensyon niya, nakayukyuk ito at mukhang takot na takot. Hula niyaay Chinese ito. May katabi itong babaeng naka pulang gown , walang malay at duguan din. Ibinalik agad niya ang atensyon kay Diego.

"Diego!" sigaw niya. Napalingon ang lalaki sa kaniya.

Sinamantala yata ng foreigner ang pagkakataon at inundayan ng suntok si Diego sa mukha. Napasigaw siya nang sumubsob si Diego sa sahig.

Natapon ang pinag-aagawang baril ng mga ito. Agad namang kinuha iyon ng foreigner at itinutok kay Diego. Akmang ipuputok ng lalaki ang baril kay Diego nang mabilis na sinipa ng huli ang paa nito.

Sa sahig  naiputok ng foreigner ang baril. Sa takot niya ay bigla niyang nilapitan ang foreigner at marahas na itinulak. Malakas ding pinagbabayo niya ito.

"Guia, get the hell out of here!" marahas na sigaw ni Diego.

Nag-aalalang napalingon siya kay Diego. Akmang lalapitan niya ito nang bigla siyang makarinig ng putok ng baril. Dumeretso ang tama n'on sa tagiliran niya.

Napatingin siya sa parteng natamaan  at nahindik nang makitang tumutulo ang dugo roon. Unti-unting kumalat ang matinding sakit sa kaniyang sistema pagkatapos ay bigla siyang kinapos ng hininga.

Naramdaman niyang lumalambot ang kaniyang mga tuhod at biglang naging madilim na ang lahat...

Undercover Heart (Completed)Where stories live. Discover now