CHAPTER 56

106K 1.7K 11
                                    

Naalimpungatan si Guia nang marinig ang halakhakan ng tila grupo ng mga lalaki sa may di kalayuan ng kinaroroonan niya.

Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Napangiwi siya at napadaing sa sakit nang makaramdam ng pananakit ng ulo't katawan.

May nararamdaman siyang hapdi sa ulo at tiyan. Masakit din ang batok niya, malamang dahil nagising siyang nakayuko. Iginalaw niya ang ulo at napaiyak sa sakit.

Iginala niya ang paningin sa paligid. Hindi pamilyar sa kaniya ang lugar. May naka-pile na mga malalaking kaing sa harapan niya. Sa may tagiliran naman niya ay may naaninag siyang pile rin ng malalaking drum at bariles.

Para siyang nasa isang bodega. Tantiya niya'y nasa mga ilang hakbang lang mula sa kanyang likuran ang grupo ng mga lalaking nagtatawanan.

Napangiwi siya nang maramdaman uli ang pananakit ng buong katawan. Saka lang niya napansing nakatali pala ang mga kamay niya sa likuran ng silyang inuupuan. Nakatali rin ang mga paa niya.

"Psst, Guia! Are you awake?" rinig niyang mahinag pagtawag ni Kelly sa likuran niya. Napalingon siya rito at tulad niya, nakagapos din ito sa silya. Talikuran ang ayos nila.

"O-oo," sagot niya. Napalunok siya. Namamalat na kasi ang boses niya.

"Listen, lower your voice if you'll respond to me,okay?"

"O-okay," Napatango siya sa sinabi nito. Napangiwi uli siya dahil sumakit na naman ang ulo at batok niya sa ginawa.

"Those men abducted us. As what I've heard, they're trying to avenge their Boss," patuloy nito.

"Anong kinalaman natin sa Boss nila?" naguguluhang tanong niya.

"Their Boss is the one Diego is prosecuting in the court."

Nanlaki ang mga mata niya.

"Oh my God, so kinidnap nila tayo para paghigantihan si Diego?"

"Positively."

Bigla siyang nag-alala sa nobyo. Napaiyak na siya.

Mukhang nainis naman si Kelly sa pag-iyak niya.

"Shh, stop crying, for pete's sake! They will figure out you're awake!"

Tumigil siya sa pag-iyak. Suminghot na lang siya.

"Ano bang gagawin ko?" nalilitong tanong niya.

"Pretend to be sleeping all the time. In that case they can't use you to lure Diego in coming here. If it's just me, Diego wont mind. He knows I can escape. But if he finds out you're here with me, he will go berserk! You know how impulsive he is,right? It will lead him into danger."

Mataman lang siyang nakikinig dito.

"Keep pretending until I find ways to get us out of here,okay?"

"Okay," sang-ayon niya.

"Good girl," tila natutuwang sabi nito.

Bigla siyang may gustong sabihin nang makita itong ngumiti.

"Uh, Kelly...?"

"Yes?"

"T-thank you" sinserong sabi niya.

Hindi ito nakaimik at nag-iwas ng tingin sa kanya.

Matagal na siyang binalaan ni Diego tungkol sa mga kalaban nito pero hindi siya nakinig. Nadamay pa tuloy si Kelly. Kung wala ito ay malamang hindi niya alam ang gagawin. Nakakatuwang isipin na ang mortal niyang karibal ang siya pa lang magiging katuwang niya sa kapahamakan.

Undercover Heart (Completed)Where stories live. Discover now