CHAPTER 8

142K 3.4K 165
                                    

"May duty ako. Kung gusto mong kumain, may pagkain sa ref. Initin mo na lang sa oven," paalam ni Guia sa lalaki.

Hinintay niyang magkomento ito sa sinabi niya ngunit mataman lang itong nakatingin sa laptop niyang gamit nito. Nang hindi ito sumagot ay nagtungo na siya sa pinto. Akmang lalabas na siya nang magsalita ito.

"Send your indefinite leave letter to your director after the end of your shift today."

Napalingon siya rito.

"I beg your pardon?" naguguluhang tanong niya.

"You heard me. You can leave."

Nakatuon lang ito sa laptop habang nagsasalita. Napakagat labi siya, pinipigilan niyang mainis.

 Napakagat labi siya, pinipigilan niyang mainis

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"I can't do that," mahinahong sagot niya.

Hindi siya nito pinagtutuunan ng pansin. Napabuga siya ng marahas na hangin saka lumapit dito.

"Leaving my job is not part of our deal," mariing paalala niya rito.

Hindi pa rin ito tumitingin sa kanya. May kung ano itong tinitipa. Halatang iniignora ang apela niya.

"Hoy," untag niya rito sabay sundot sa balikat nito.

Salubong ang kilay na nag-angat ito ng tingin. Ito pa ang may ganang magsalubong ang kilay! Wow naman!

 Ito pa ang may ganang magsalubong ang kilay! Wow naman!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Do as I told you, Lady. Don't fret, I'll double your salary!" mayabang na sabi nito, pagkatapos ay pinagtuunan uli ng pansin ang computer.

"Hindi ko kailangan ng---"

"I'm not asking you to quit your job, just take your leave," putol nito sa sasabihin niya.

"If you're tired from work and tired working for me, what does it'll make you?"

Napamaang siya sa sinabi nito.

Wow uli, concern ang kumag!

May point ito pero hindi ibig sabihin na dumating lang ito sa buhay niya ay iiwan na niya ang trabaho niya! Sino ba ito?

Undercover Heart (Completed)Where stories live. Discover now