CHAPTER 7

156K 3.7K 200
                                    

"Aren't you finished yet?" naiinip na tanong ng lalaki kay Guia.


Napahawak siya nang mariin sa mga damit nitong bitbit niya. Isasalang na sana niya ang mga damit nito sa automatic washing machine matapos niyang ibukod ang mga puti sa de kolor nang lumapit ito at magsalita.
Pangatlong araw na niyang tinitiis na kasama ito sa bahay. Matapos itong mangakong ibibigay ang bahay at lupa sa kanya pagkatapos nitong magpagaling ay labag sa loob na pumayag siya sa kondisyon nitong maging isang "servant".

Iyon ang pangalawang araw na mag papakaalila siya rito at sa totoo lang, ang sakit sa ulo nitong maging amo!
Ang dami nitong utos! Daig pa nito ang Consultant Doctor nila sa ospital!
Naiintindihan naman niyang hindi ito masyadong makakilos dahil sa sugat nito pero pati pa ba pagligo ay siya pa ang gagawa?

Noong isang araw ay inutusan siya nitong alalayan ito sa banyo. Hindi siya pumayag dahil baka kung ano ang gawin nito sa kaniya sa loob, mahirap na. Nakakakilos naman itong mag-isa!
Ngunit ang halimaw na lalaki, imbes na maintindihan ang pag-aalinlangan niya'y binulyawan pa siya. Hinding-hindi raw nito iisipin kailanman ang pagtangkaan siyang halayin. Sasalo na lang daw ito nang maraming bala kaysa gawin iyon.

Napahiya at nainsulto siya.
Hindi ba ito marunong magdahan-dahan sa mga salitang binibitiwan nito? Babae siya, likas na sa kanya ang maging sensitive. Ngunit 'di yata alintana nito iyon. Wala itong pakiramdam at walang pakundangan kung makapang-insulto!
Siya ang taong likas na mahaba ang pasensiya pero pagdating dito ay nasasagad iyon.



"May kailangan ka?" kahit naiinis ay mahinahong tanong niya rito.

Isinalang na niya ang mga labahin nito sa washing machine at nilagyan ng sabon.

"I'm feeling itchy. I want to take a bath," kasuwal lang na utos nito.

Inis na hinarap niya ito. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin nang makitang nakahubad pala ito at tanging tuwalya lang ang nakatakip sa katawan.

 Agad naman siyang nag-iwas ng tingin nang makitang nakahubad pala ito at tanging tuwalya lang ang nakatakip sa katawan

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.

Wow! Ready na ready ang kumag!

Hindi sa ayaw niyang tulungan ito kaso hindi niya maipaliwanag ang kabang nararamdaman niya kapag napapalapit siya rito. Nagpa-palpitate siya na ewan. Nangangatal din siya.

Hindi niya alam kung bakit. Nawawala din naman iyon kapag napalayo na siya rito.
Ayaw niya sanang gawin ang ipinapagawa nito ngunit wala naman siyang magawa kundi sundin ito.

Nagpasiya siyang pumasok ng banyo at sinimulang punuin ang balde ng tubig. Sira ang shower niya na siyang ikinainis na naman nito noong isang araw. Hindi sila pwedeng magtawag ng taga-ayos dahil ayaw nga nitong may makakita rito.

Ang sabi nito ay hindi ito kriminal pero takot itong makita ng ibang tao. Ang galing talaga ng logic!

Mayamaya ay sumunod ito at nagtanggal ng tuwalya, naibaling niya uli ang paningin sa ibang direksyon. Hindi siya komportable sa set-up nila. Naiilang talaga siya.

Undercover Heart (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora