CHAPTER 25

128K 2.4K 24
                                    

▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫


Pablo! sigaw ng isip ni Guia.

Ganoon na lang ang lakas ng pintig ng puso niya. Bigla niyang nayakap ito ng mahigpit.  Naramdaman niyang nag-alangan ito kung gaganti ng yakap. Kumalas siya rito at napagtantong hindi sila nag-iisa sa sasakyan.

May isang babaeng tisay sa passenger seat at may lalaking kasing katawan ni Pablo sa driver seat. Napapahiyang ngumiti siya sa mga ito.

Gumanti lang ng ngiti ang lalaki sa reviewer mirror samantalang ang babae ay irap ang iginanti sa kaniya.

Umandar na ang sasakyan. Napatingin uli siya kay Pablo. Nakakunot na naman ang noo nito sa kaniya.

"You don't know how to protect yourself from someone who's trying to abduct you? God, this is so stupid!" dismayadong tanong nito sa kanya. Umiiling-iling pa ito na animo'y na-dissappoint na naman niya.

Nag-init ang mukha niya sa sinabi nito. Napahiya siya sa mga tao sa kanilang harapan. Malamang ay narinig ng mga ito ang sinabi ng lalaki. Hindi nakaligtas sa kaniya ang nakakalokong pagngisi ng tisay na babae.

This is stupid daw? Ako ba 'yong tinutukoy niya?

Nainis siya. Ipinasok ba siya ni Pablo roon para ipahiya? Naghimagsik ang kalooban niya.

"Stop the car!" galit na sabi niya.

Pinilit niyang buksan ang pinto ng sasakyan pero naka-automatic lock iyon.

Hinila ni Pablo ang braso niya para pigilan siya sa ginagawa ngunit pumiksi siya at sinapak ito. Hindi pa siya nakuntento at sinampal na rin niya ito ng malakas sa pisngi.

Narinig niyang napasinghap ang tisay na babae sa ginawa niya, humalakhak naman ang lalaking nagmamaneho.

Wala siyang pakialam sa mga ito!Matapos niyang mag-alala kay Pablo sa loob ng isang linggo ay iinsultuhin lang siya nito? Wala talaga itong kasing sama! Para siyang sinapian ng demonyo at patuloy na pinagsusuntok ito. Hindi naman ito umaalma at tinatanggap lang ang mga atake niya.

"Hey, lady! Stop it!" narinig niyang saway sa kaniya ng babaeng tisay.

Hindi niya pinakinggan ito.

"It's okay, Kelly. Let her release her anger on me," pigil ni Pablo sa babae.

Inirapan lamang siya ng babaeng tisay.

Nang mapagod sa  kakasuntok kay Pablo ay hinihingal na tumigil siya. Mabuti na lang at hinahayaan lang siya nito.

Napasandal siya sa upuan at pinahid ang mga luhang kanina pa umaagos sa kanyang mukha. Hindi pa siya nakontento at sinipa ito sa binti. Kulang pa iyon kung tutuusin.

Undercover Heart (Completed)Where stories live. Discover now