CHAPTER 4

154K 3.6K 166
                                    

Dahan-dahang ipinihit ni Guia ang pinto. Alas dos na ng madaling araw. Sinilip niya ang lalaki sa sala. Ewan niya kung totoong tulog ito o ano. Mariin niyang hinawakan ang kumot na dala. Kahit inis na inis siya sa lalaki ay nag-aalala pa rin siya rito. Dahan-dahang lumapit siya sa kinahihigaan nitong sofa.

Mahina na itong humihilik. Kahit suplado at masama ang ugali ng lalaki, aaminin niyang napakakisig talaga nito. Nasurpresa siyaat napakaamo ng mukha nito kapag tulog, pero kapag gising—nevermind!


Inilapag niya ang mga gamot at tubig sa coffee table na katabi ng kinahihigaan nitong sofa pagkatapos ay itinakip ang kumot sa katawan nito. Aayusin niya sana ang pagkakalagay ng kunot nang biglang kumilos ito.
Mabilis siyang kumaripas ng takbo sa pangambang magising ito at barilin na siya nang tuluyan. Bumalik na siya sa kuwarto at nagsimulang magplano. Hindi siya makatulog dahil sa kakaisip nang kung anong dapat gawin.

Ang dami niyang gustong gawin at isa na roon ay dumeretso sa Registry of Deed upang ipasuri ang kanyang mga papeles sa bahay at lupa. Buti na lang at Off duty niya. Humiga siya sa kanyang kama at nagtakipn ng kumot sa katawan. Hanggang sa tumilaok ang manok at sumikat ang araw ay nakatitig pa rin siya sa kisame. Hindi na siya dinalaw ng antok sa tindi ng sama ng loob.

Nang tingnan niya ang kanyang relo ay alas sais na pala ng umaga. Nagpasiya na siyang bumangon at mag-ayos.
Tulog pa ang lalaki nang dumaan siya sa sala. Nagtuloy-tuloy na siya sa kusina at nagluto. Kailangan niyang kumain para magkaroon siya ng lakas.


"Ay, kabayong baklaaaaaahhh!"

Napasigaw siya sa gulat nang biglang may marinig na kaluskos sa kanyang likuran. Paglingon niya ay ang tinamaan nang magaling na lalaki lang pala! Napahawak siya sa kanyang dibdib sa takot.

Kumukuha ito ng pitsel nang malamig na tubig sa ref. Naiinis man ay inabutan niya pa rin ito ng baso. Tumaas lang ang gilid ng mga labi nito ngunit kinuha rin naman ang basong inabot niya. Inirapan niya ito.

Ang yabang talaga, halata namang nahihirapan sa pagkilos! Hmp!

Napadako ang mga mata niya sa dressing nito. Walang bahid ng dugo iyon. Nasiyahan siya.


"Umutot ka na ba?" bigla niyang naitanong.


Natigil ito sa pag-inom at kunot-noong nag-angat ng tingin sa kanya.
"For the love of God, why on Earth are you interested with my fart? Don't tell me farting is prohibited in this house too?"


Tingnan mo talaga 'tong lalaking 'to, utot lang, ginagawa pang big issue!


Pinaikot niya ang mga mata. "Because you are not allowed to take anything by mouth without passing any utot! Kung hindi ka sana tumakas ng ospital, hindi ka sana mangmang ngayon!"

"Wow! Thanks for the concern, Einstein!" sarkastikong sagot nito.

May itatanong pa sana siya ngunit inilapag na nito ang baso sa mesa at walang paalam na paika-ikang umalis at bumalik sa sala.
Iiling-iling na iniligpit niya ang baso. Hindi na lang niya inisip ang kagaspangan ng ugali ng lalaki. Iniisip na lang niyang baka dahil iyon sa kundisyon nito. May tendency talagang magsungit ang mga taong may iniinda sa katawan.

Nagluto siya ng sabaw at baka magutom ang lalaki. Sana nakautot na nga ito upang makakain na. Hindi pa ito puwedeng kumain nang matitigas na pagkain dahil bagong opera lang kaya sabaw muna niluto niya. Matapos kumain ay umibis na siya ng sala.
Agad niyang nakita ito sa sofa, mukhang may malalim na iniisip. Nang mag-angat ito ng tingin sa kanya ay nag-iwas siya ng tingin. Nag-apuhap agad siya ng sasabihin.


Undercover Heart (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora