Sana naman ayos lang ang lahat ..

"Jhoana, ano yun? Saan pupunta si Bea?"

"Coach emergency, yung daddy niya sinugod sa ospital"

"What? Bakit? Anong nangyari?"

"Hindi ko rin po alam. Basta ang sabi niya, inatake daw"

Napayuko ako pagtapos kong sabihin yun. Sht! Sana naman ok lang si tito. Nag-aalala na rin ako.

"Come, let's pray for him" Tinapik ako ni coach sa balikat at tumango nalang ako.

Sinabi namin sa team ang nangyari at sama-sama kaming nagdasal bago mag-start ang training.

Nag-aalala ako kay Bea. Ngayon ko lang naisip na baka hindi niya kayang mag-drive. Lalo na kanina, kitang-kita ko ang panginginig ng mga kamay niya.

Ang tanga mo Jho! Bakit hinayaan mo umalis mag-isa si Beatriz!

Hanggang matapos ang training, lumulutang ang isip ko. Wala akong ibang iniisip kundi si Bea, at yung condition ni tito.

Dali-dali akong nag-shower at tumakbo palabas. Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa ospital.

Tinatawagan ko si Bea pero hindi niya sinasagot kaya lalo akong nag-alala. Nagtext nalang ako sa kanya na papunta na ako.

Pagbaba ko ng taxi patakbo akong pumasok ng ospital. Wala na kong paki kung may dala pa kong gym bag. Kailangan ako ni Bea, gusto ko na siyang makita.

"Jho!"

napalingon ako ng may tumawag sakin.

Teka? Anong ginagawa niya dito?

"Marci? Bakit ka nandito?"

"Nakita ko si Bea kanina sa labas ng BEG. Nanginginig siya kaya ako na ang nagdrive papunta dito"

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Thank God. Kanina pa ko nagaalala na baka hindi niya kayang mag-drive eh.

"Thank you Marci. Pauwi ka na ba?"

"Dadaan muna ko ng ateneo. Naiwan ko yung kotse ko dun eh"

Tumango ako sa kanya "Okay. Ingat"

"Sige na Jho. Puntahan mo na si Bea. Nasa labas sila ng E.R." ngumiti siya ng malungkot. Kinabahan ako bigla "Hindi siya nagsasalita. Basta umiiyak lang siya tapos tulala"

Pagkasabi niya non, tumakbo na ko paalis ng hindi na nakakapagpaalam sa kanya ng maayos.

Nandito na ko Beatriz. Sasamahan kita, pwede mo kong iyakan kahit gaano katagal. Hindi kita iiwan.

B E A T R I Z

"Ako ng bahala Beatriz. Kailangan ka ni tita Det. Puntahan mo na siya"

Tumango ako kay Jho bago ako tumakbo palabas.

Si daddy .. siya lang ang nasa isip ko.

Kaya ba ako kinakabahan kanina? Kaya ba sobrang sweet niya kanina? Kasi..

I shook my head. Damn Bea! Hindi ka dapat nag-iisip ng ganon!

When I reached my car, I tried to get my keys in but it fell on the ground because my hands were trembling.

Dinampot ko yun at sinubukang buksan ulit ang kotse ng may humawak sa kamay ko.

I turn around and saw Marci

"Bei, what's wrong?"

I just shook my head and get back on what I'm doing. Wala akong oras para magpaliwanag, kailangan ako ni mommy, ni daddy.

Complicated HappinessWhere stories live. Discover now