" Nag-enjoy ba kayo guys?! " Magiliw na sinalubong ni Jairus ang mga madlang pipol. " Maraming salamat sa pagpunta nyo ha! " dagdag pa niya.
" Asan si Jarel ko?!!! "
Nagkatinginan ang magkapatid nang marinig ang nasabing tanong ng isang fan ni Jarel.
" Sandali lang po..." Isang seryosong Joel ang humarap sa kanila, " Konting katahamikan lang po ang hinihiling namin sa inyo ngayon. "
Natahamik na rin ang mga fans dahil sa sobrang pagtataka sa sinasabi ni Joel.
" Sorry po, pero hindi na po namin matatapos ang concert..." pagtatapat ni Jairus.
" Ha?!!! "
" Bakit?!!! "
Sigawan na naman ang mga tao sa sobrang pagkabigla sa kanilang narinig.
" Isang emergency po ang nangyari 30 minutes ago. " paglalahad pa ni Joel. " Di na po makakapagperform ang kapatid naming si Jarel... "
" Ano'ng nangyari sa kanya???! "
" Isinugod na po siya sa hospital dahil sa nosebleeding. " sagot ni Joel. " Actually po, pinilit niya lang na magperfrom ngayong gabi para daw di madisappoint kayong mga fans namin. " paliwanag pa niya.
" Kaya pumayag po siyang ituloy ang concert..." dagdag pa ni Jairus. " We're very sorry po talaga..."
Di na nagawang sumigaw ng kanilang mga fans bilang pagsimpatya sa nangyari. Ang ilan ay nanahimik na lang para magdasal sa agarang paggaling ng kanilang idol.
" Pero wag po kayong mag-alala, once na gumaling si Jarel, itutuloy namin ang concert for free. "
Isang magandang balita naman ang ihinatid ng kanilang manager na si Mr. Keith Pascual.
" Thank you po sa pagpunta nyo..." muling nagpasalamat si Joel, " kailangan na po naming sumunod sa hospital. "
" Get well soon Jarel! "
" We love DT Heartthrobs!!! "
Isang malakas na sigaw ang kanilang narinig habang paalis sa stage.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
YOU ARE READING
Love Over Vengeance 2: Eternity
RomanceLIFE is ETERNAL... LOVE is IMMORTAL... Hanggang kailan kaya maghihintay si Ryniel sa pagbabalik ni Rain?
Prologue
Start from the beginning