Prologue

1.5K 13 10
                                    

May 12, 2013

11:13 PM

Smart - Araneta Coliseum

Dinumog ng mga fans ang first major concert ng pinakasikat na boy group ngayon. Sila ang  DT ( Del Tiero ) Heartthrobs na itinanghal na Grand Champion ng Music Idols 2013.

Sila'y binubuo ng tatlong mga gwapong magkakapatid sina;

John Elrick aka Joel - 24 yrs. old,

Jaime Russel aka Jairus - 22 yrs. old

Jaro Elton aka Jarel - 20 yrs. old.

" Jarel, you're so cute!!! "

Kasali pa lang sila noon sa Music Idol ay sikat na sikat na silang tatlo. Kaya nang itinanghal silang Grand Champion ay mas lalong dumami ang kanilang mga fans. 

" Be my boyfriend Jairus!!! "

Nang lumabas ang 1st Album nilang Fallen Angels ay naging GOLD agad ito sa loob lamang ng dalawang linggo. 

" Marry me Joel, please!!! "

Ang 1st single nilang " Smile " ang pinakasikat nilang kanta, na napili nilang final song ngayong gabi.

" DT Heartthrobs we love you!!! " 

Patuloy pa rin ang sigawan ng girls habang hinihintay ang pinakaabangan nilang final song ng kanilang mga Idols.

Halos 20 minutes na rin kasi ang nakakalipas mula nang matapos ang number ng guest star nilang si Bruno Mars

" DT Heartthrobs! DT Heartthrobs! "

Umalingawngaw na naman ang sigawan dahil sa pagkainip ng mga fans.

" Please kantahin nyo na ang Smile! " sigaw ng isang dalaga, na die-hard fans ng DTH mula pa ng sumali sila sa Music Idols. " I-dedicate mo sa'kin Jarel! "

Mahal na mahal niya ang kanyang Idol na si Jarel. Kaya halos di niya alintana ang hirap na nararanasan habang itinataas ang neon lights na " I love Jarel! " ang nakasulat. Buti na nga lang tinutulungan siya ng kanyang boyfriend, na halatang nagseselos na sa kabaliwan ng kanyang gf sa Idol nitong si Jarel Del Tiero.

Lalo pang lumakas ang tilian nang magsimulang tumugtog ang intro ng Smile. Kasabay nito ang unti-unting paglabas nila Joel at Jairus sa stage.

Love Over Vengeance 2: EternityWhere stories live. Discover now