That Nerd Is A Vampire (Old Version)
Hi! This is the old version of TNIAV and it was written way back 2015-2016 (I don't quite recall). Call it what you wanttt. Jejemon, jejepax, ejej, kadirdir (lol! HAHAHA). You don't have to read this though. I'll just leave it here.
~~
Chapter 1
"Bagay sayo yan! Nerd!"
"Loser!"
"Loner!"
"Ugly!"
"Walking big glasses! Nerd!"
"Lagyan nyo pa ng flour yan girls!"
"Eto sayo! Yan! Bagay kasi kayo ng basura!"
--
-Lucy Genevive's POV-
Ang sakit-sakit na ng katawan ko kakasipa nila sakin. Pero hinayaan ko nalang din sila.
"Yan! Bawal ang low class dito!"
"Mas bagay dito ang mga magaganda!"
Pinagbuhusan pa nila ako ng mga basura, tuyong dahon, flour at pinagtapunan ng itlog. Ang sakit, pero bahala na. May biglang sumipa sa mukha ko dahilan para matanggal yung malaking salamin ko.
Kinapa-kapa ko yung paligid ko habang nakapikit at pilit na umiiwas sa mga binabato nila sakin.
"T--Teka lang! Y--Yung salamin ko. Please.." pagmakaawa ko sa kanila.
Pero tawa lang sila nang tawa dito. Pinagpatuloy ang pinaggagawa nila sa akin. Tila nasisiyahan pa sila nang makita akong hindi na makakita dahil sa malapot na dumidikit sa mukha ko.
Nageenjoy na naman sila sa ginagawa nila.
"Nerds should not be allowed here in the school. Kaya kung ako pa sayo, mag papatransfer nalang ako, Lucy the basura. And a walking big glasses," pang-asar na sabi ni Suzy.
Ang ultimate bully, queen of all queens, pinakasikat at pinakamatapang raw na babae dito sa University namin. Suzy Valley.
"Please Suzy.. Ibigay mo na yung salamin ko. Nagmamakaawa ako.." pagmamakaawa ko sa kanya.
Bigla niya lang akong sinampal nang malakas. Sa totoo lang, hindi naman malabo yung paningin ko pag wala akong salamin. Pero kailangan ko rin kasi yun suotin para hindi makita yung kulay red-violet na mata ko.
"Yuck! Nahawaan ako sa germs mong mukha!" sigaw niya sa mukha ko. Tumayo sya at may kinuha na kung-ano sa bag nya. "Mabuti naman at dala ko yung alcohol ko kundi mahawaan ng germs yung kamay ko! Tara na girls. May pasok pa tayo."
At nang mawala na sila sa paningin ko, dali-dali kong hinanap yung salamin ko na nasipa sa isang babae.
"Ayun.." sabay kuha ko sa salamin na nasa basura. Sinuot ko na yun at tumayo na.
Kailangan ko munang linisin yung sarili ko. May extra uniform pa naman ako sa locker ko. Duming dumi na ang suot kong uniform at bakas nito ang mga basura, tuyong dahon, flour at lalo na ang itlog.
Napabuntong hininga ako. Do I really need to be like this everyday?
--
"Alam mo, Lucy, dapat ka na kasing magpaganda eh! Ayan tuloy. Napag-tripan ka na naman," saway ni Manang Luna.
Siya yung nagtutulong sa akin at nagsisilbing ina sa akin. Alam din niya na hindi ako ordinaryong tao kaya iniingatan niya yung sarili niya para hindi sya magkasugat.
YOU ARE READING
That Nerd Is A Vampire (New Version)
Vampire✓ | Lucy thought she'd live all her life surrounded with humans that's supposedly to be their food. She disguised herself many times, lived her life with many names, and at last, she disguised herself as a nerd under the name of Lucy Genevive Marian...
