20.

64.8K 1.9K 187
                                        

Chapter 20

Miss Suzzane personally asked me if I could use some hands for her. Hindi ako tumanggi, syempre. Kahit na late na at kailangan ko nang umuwi sa apartment. It's nearly midnight—alas nueve na rin kasi natapos ang klase ko.

She wants me to check the quizzes from her five classes. Siya rin ang nagcheck sa ilan. Tahimik lamang kami na nagchi-check at tanging ang bolpen, papel at aircon lang ang naririnig.

Nang matapos ako, pinasalamatan niya ako nang sobra at nag-alok na ihahatid ako. 

"Pupunta lang po muna ako saglit sa banyo, Miss Suzzane."

I got up from my seat and head to the bathroom near the office. When I'm done, lalabas na sana ako nang may marinig akong mga yabag ng paa at mga boses sa labas. It was Suzy's voice, talking in a very serious and calm tone.

"She'll be transferring for good. Sinabi niya rin sa 'kin na doon na sila sa States titira 'til she graduates."

Narinig ko ang pagbukas ng gripo. I also heard Marianne's voice, "Kainis siya. Hindi na tayo kumpleto tatlo. 'Di pa siya nakakapagpaalam nang maayos sa 'tin. Ang unfair lang dahil ikaw lang ang ininform niya about dito."

"Duh, as if naman nagpapaalam 'yon," may halong pamimilosopo na sagot ni Suzy. 

Umalis si Angelique. I wonder if it was because of me? 

Hindi ko siya nakausap simula nang muntik ko na siyang mapatay dalawang araw ang nakalipas. Hindi ko na rin kasi siya nakikita sa university. I feel bad for her.  

* * *

Nasa loob ulit ako ng pamilyar na lugar. The torches on the either side of the walls are the only light that illuminated the whole place. Pababa ako ng hagdanan na may mga torches rin sa magkabilang handrail.

When I reached at the ground floor, ang mga lalaking nakasuot ng itim na suit ay yumuko sa 'kin at lumapit. Umabot sila ng sampu at lahat sila'y nakasuot ng balabal na tumatakip sa kanilang mukha.

"Madame, ang mga napili namin sa clan ay kasalukuyang nagbibyahe. Aasahan mong makakabalik sila pagkatapos ng limang araw kasama siya."

"Good," sinabi ko, pero hindi ko makilala ang boses na lumabas mula sa bibig ko. I watch the man with a pointy face bow. "Pero mas maigi kung makakabalik agad sila in two days. They are vampires and don't need to travel like humans. Magpadala ka ng mensahe sa kanila right away."

Sabay-sabay na yumuko ang sampung lalaki at nagsagawa ng daan para makadaan ako—no—ang babae kung saan kasalukuyan akong naki-tambay sa katawan niya. I don't know how I did it. I don't know what happened and why I'm here inside her. Hindi ko rin kilala 'tong babae na 'to.

Ilang beses na lumiko ang babae sa madilim na hallway. Right, left, right, straight ahead until I saw a tall double door. May lalaking nagbukas ng pinto at doon ay nakita ko ang mga upuang umaabot ng bente at sa gitna ay ang napakahabang lamesa. Ang chandelier sa ibabaw ay mga kandila.

Sa pinakadulo nito ay may umupo na babae pero nakatalikod mula sa 'kin. She's holding a wineglass with red liquid in it.

"Zee," tawag ko sa kaniya—no, not me—the woman.

"Yes, Ma?" hindi lumilingon sa 'min ang babae pero parang nakilala ko ang boses niya. Pinaglalaruan niya ang wineglass na hawak niya habang nakaipit ito sa dalawang daliri.

"Are you ready for you sister's come back?"

The girl sitting on one of the twenty chairs chuckled, "Of course, Ma. At last, may papalit na sa pwesto ko sa plano ni Papa."

Tumayo siya at ininom ang nasa wineglass. Dahan-dahan siyang humarap sa 'kin hanggang sa—halos lumuwa ang mata ko nang makita ang itsura niya.

I watch her drink the whole red liquid. Pinanood ko ang mga kilos niya; binaba ang wineglass matapos niyang inumin ang laman. Her lips stretched into a slight smirk.

"She will be the one to marry him, Ma, because I only belong to Tyler and not him."

Bakit nandito si Suzy sa panaginip ko? Panaginip nga ba 'to?

Napabangon ako sa 'king kama. Taas-baba ang dibdib ko dahil sa malalim na paghinga ko. Hindi ko alam kung bakit nagiging gano'n ang mga napapaginipan ko.

Bakit nando'n si Suzy? Bakit—

Napabalikwas ako. I kept on dreaming strange things lately. Kailangan ko na atang sabihin 'to kay Ma Luisa. Habang tumatagal mas lalong lumalala. 

I haven't talked to her, too. Marami akong mga bagay na dapat kong itanong sa kaniya but I refused to see her even for an hour. Naiintindihan din siguro nila kasi hindi pa sila nagpaparamdam ni Papa Aldrin.

* * *

After so many days—naging hectic na kasi ang schedule namin dahil sa papalapit na exam—nakasama ko ulit ang tatlong itlog sa iisang table. Sina Tyler, Christian at Mario. 

Nagbabangayan sina Christian at Reign, as usual. Pansin ko ding tahimik na naguusap si Mario at Jesse. Um, may loveteam ba na nabubuo? Kasi kung gano'n, aalis nalang ako. Tapos kakaladkarin ko si Tyler.

'Buti nalang at hanggang alas-tres ng hapon lang ang klase namin ngayong araw. Napagpasyahan naming tumambay dito sa canteen.

"Ang boring. Wala ba tayong ibang magawa?" reklamo ni Christian nang tumahimik na sa gilid si Reign habang nagse-cellphone.

Biglang nagtaas ng kamay si Jesse habang nakangisi. "Sa bahay!"

Nagliwanag ang mukha ni Christian. Tiningnan ko si Tyler at saktong nahuli ko siyang nakatitig sa 'kin. Dali-dali siyang umiwas at narinig ko pa siyang tumikhim. 

Para maibsan ang boring naming buhay ngayong araw, umalis agad kami ng university para pumunta sa bahay na kasalukuyang tinitirhan ni Reign at Jesse.

But dude, hindi bahay kundi mansion. 

May malaking gate sa harapan na aabot ng ten feet—kalevel ng napakataas na dingding—at pagpasok mo, masisilayan mo ang magagandang bulaklak sa gilid at halaman na pinorma nila. Mayroong swan, dog and any kinds of animals. Sa pinakagitna naman ay dalawang bench na nakatalikod sa isa't isa at sa magkabilang gilid ay statue ng swan rin.

"Tara!" hinawakan ni Jesse ang pulsuhan ko at kinaladkad ako papasok.

It's a modern style mansion. Ang interior naman ng bahay ay kakaiba sa labas, hindi mo aakalain na ibang-iba ang expectation mo. If the outside was modern style, ang nasa loob naman ay vintage style. The theme's white and brown. May mga makalumang gamit, may grandfather clock sa pinakagitna ng hallway bago mo marating ang living room.

"Do'n tayo sa pool. Magpapa-timpla lang muna ako kay manang ng juice," paalam ni Reign

"Ehem. Wala bang pagkain?" pagpaparinig ni Christian.

Umirap si Reign, "Of course, Christian, may pagkain. Nasa ref. Kung gutom ka na ikaw na magkuha, pwede?"

Napailing na lamang kami..

Muli akong kinaladkad ni Jesse pero bago kami tuluyang umalis, nakita ko ang itsura ng kanilang living room. Sa single couch sa kanan, doon ko nakita si Tyler na nakaupo sa panaginip ko. This is exactly where I saw him. This is the place...

Nahagip ng mata ko si Tyler. He's looking at me. Pero kalauna'y umiwas din. 

Dumiretso kami sa infinity pool at pumwesto sa table na may payong. 

Was I really dreaming that night? Pero tugmang-tugma ang sala nila sa panaginip ko. It couldn't be coincidence. Ngayon pa lang ako nakapunta dito.

Defying Geek
graciangwttpd

That Nerd Is A Vampire (New Version)Where stories live. Discover now