09.

73.9K 2.3K 140
                                        

Chapter 9

Abala ang lahat sa paghahanda para sa birthday ng anak ng presidente sa university. She's turning eighteen this Sunday and everyone in school's invited. I mean, not everyone, pero yung mga  nakakaangat na tao lang sa League University. For example; Suzy and her minions, Tyler, Mario, Christian, and the other people in school who have a big name. 

Dahil may cotillion dance, the invitees are required to choose a partner for the dance. Suzy's been tailing Tyler. She wants to be his partner. Pero ang narinig ko sa usap-usapan ay gusto ng debutante na si Tyler ang kaparehas niya for her birthday. 

I went straight to my class, started reviewing from our past lessons in case for a surprise quiz. Five minutes after, Reign and Jesse came hurrying inside and and sat beside on my seat. Pinagitnaan pa nila ako habang si Jesse ay nakangising kinuha ang mga gamit kong nasa 'king lamesa.

"Ano ba. Ibalik mo nga 'yon Jesse—"

"Shopping tayo later!" Jesse beamed, her arms' around mine. Tinaasan ko lamang siya ng kilay at kinuha ang notebook ko na inalis niya kanina. 

"Wala akong time para diyan."

Ngayon ay si Reign naman ang nangulit sa 'kin. Sinukbit din niya ang braso niya sa 'kin kaya napabuntong hininga na lamang ako't tumingala.

"Sige na, please?"

Tiningnan ko muna sila bago muling bumuntong hininga. My bloody fangs, they're in for a puppy eyes! Hindi ko kayang tanggihan sila kahit na nakakapagod pumunta ng mall ngayon.

"Oo na. Sasamahan ko kayo sa shopping niyo." Isa-isa kong tinanggal ang mga braso nila pero muli nila itong sinukbit.

"Hindi ka lang sasama, Lucy. Bibili tayo ng damit!" giit ni Jesse na nakakunot pa ang noo.

Pinilig ko ang ulo ko at tinanggal ulit ang mga braso nila. Nakakairita na, ha. I still have a thing to do and they're here, distracting me.

"Hindi ako bibili ng damit at sasamahan ko lang kayo mamaya sa mall. Bakit naman ako bibili ng damit—"

"Sasali tayo ng cotillion dance!" putol ni Reign sa sasabihin ko. 

I looked at her confusedly. Wala akong maalalang invited ako sa eighteenth birthday ng anak ng presidente. And I didn't know they're both invited. Baguhan pa lang sila dito. Pwera nalang kung may pumili sa kanila para maging partner ng dance.

"I wasn't invited and no one ever wants to pair with me, duh." Sinabi ko na lamang at nanahimik naman silang dalawa pagpasok ng guro.

* * *

Habang pababa ng hagdan, naisipan kong tanungin sina Reign at Jesse tungkol sa cotillion. Who among those people with big name offered them to be their partner?

"Si Mario," diretsong sagot ni Jesse na para bang wala lang sa kaniya na si Mario the effin' Greg Jung ang nag-alok sa kaniya. Kay Reign naman ay si Christian.

Nagulat ako, syempre, na 'yung dalawang lalaking kinababaliwan ng lahat ang kanilang kaparehas sa dance. It was every girl's dream to be paired with both of them, except me.

Hindi na ako nagtanong pa tungkol sa cotillion dance at tungkol sa kung pa'no sila inalok ng dalawang 'yon. Nasa itsura naman nila, e. Malamang mahuhumaling ang mga lalaking 'yon sa kagandahan ng dalawang 'to. 

We went straight to the canteen and they treated me for a mango shake. Nag-insist pa ako na ako na ang magbabayad sakin pero hindi nila ako pinakinggan.

The sky's almost call it a day. Hindi pa kami nakakalahati ng fruit shake namin ay may biglang tumunog na speaker. Hindi ko na sana 'yon papansinin pero napansin kong hindi speaker ng university ang tumunog kundi isang bluetooth speaker na may built-in microphone.

Tyler Jacob Vasquez was the one who's holding it. And he's looking at me. And I feel the tension in my body and the crowd's started to gossip about what's going on.

Without thinking twice, without thinking about the consequences and his image, he spoke.

"Lucy. You will be my partner." And then he left with that bluetooth speaker on his hand.

Napanganga ako. Natameme ang lahat, natahimik, hanggang sa biglang lumapit sa 'kin si Suzy na pulang pula ang mukha at maluha-luhang kinuha ang mango shake ko at itinapon ito.

"What did you do?" she asked furiously. Hinila pa niya ang buhok ko at do'n na kumilos sina Reign at Jesse para awatin si Suzy. "The hell did you do?! Hayop ka talagang Lucy ka! You stole my spot for Tyler, you bitch!"

Nagkagulo ang lahat lalo na nang buhusan ni Reign si Suzy ng fruit shake niya sa ulo. Everyone gasped from what happened. Gumanti si Suzy ng sampal kay Reign at ngayon ay silang dalawa na ang nagkarambulan. 

Umawat ako sa kanila pero sumugod lamang si Marianne sa 'kin at si Angelique, which made Jesse triggered to help me. 

Walang naglakas loob na umawat sa 'ming anim. Tyler shouldn't left the canteen that way. This was his bloody fault!

Nang akmang sasabunutan ko na si Marianne ay may narinig kaming malakas na kalabog sa lamesa. Galit na galit na pinanood kami ni Ma'am Yana. 'Tila umuusok pa ang ilong niya sa galit habang nakatutok sa 'min ang index finger niya.

"Mga punyeta! Kayong sangkot sa gulong 'to, sa opisina ko!"

* * *

Ma'am Yana was known as Ma'am Punyeta. It was her signature line whenever she's angry.

"Alam mo, Ma'am, I can tell Dad to sponsor our upcoming event."

"Talaga? Naku, salamat talaga, Miss Valley. Nakakahiya man sa daddy mo pero maraming salamat," pumalakpak pa si Ma'am Yana.

"No problem, Ma'am. 'Yon lang po ba ang pinunta namin?"

"Of course, Miss Valley. You may go now. Kasama na rin ang mga kaibigan mo."

Tumayo silang tatlo kaya akmang susunod na kami nang tinitigan kami ni Ma'am Yana na nakataas ang kilay.

"Except for you, Diaz and you two lovely ladies."

Pangisi-ngisi sina Suzy, Marianne at Angelique na kumaway sa amin bago sila umalis.

"Para sa parusa ninyong tatlo, magkakaroon kayo ng fifty hours community service."

Napapikit ako nang mariin habang nakakuyom ang kamao. What I hated in this school is they don't treat everyone fairly. May pera ka lang, malaya ka na sa lahat ng parusa at pagdisiplina.

Labag man sa kalooban ko dahil in the first place ay wala kaming kasalanan, tumango ako't minulat ang mga mata ko. 

"Opo Ma'am—"

Nagulat ako nang galit na galit na tumayo si Reign at hinampas pa ang kamay sa ibabaw ng lamesa ni Ma'am.

"Ano 'to, gaguhan? Akala mo tanga kami? Ma'am, yung tatlong itlog na utak na 'yon ang nauna sa gulo tapos pinatakas mo lang sa parusa."

Hinampas din ni Ma'am Yana ang kamay niya sa kaniyang lamesa at nakipag-sukatan ng tingin kay Reign.

"Sinasagot mo na ako? A year of community service for you, lady."

Binigay ni Ma'am Yana ang slip sa 'min bago niya kami pinalabas. 

Hindi lang si Suzy at ang kaniyang minions ang 'di tumatrato nang patas kundi pati na rin ang iilang parte ng school. How disgusting it is, pero wala na akong magagawa no'n.

"Sorry dahil nadamay pa kayo," mahina ang boses ko sa pagkakasabi no'n pero sapat na para marinig nilang dalawa.

Niyakap lang ako ni Jesse at si Reign naman ay nakatingin lang sa 'kin. 

Defying Geek
graciangwttpd

Shang: This chapter is dedicated to kookieoppa525 kasi nag-effort pa siyang i-email ako. Yieieie. 

That Nerd Is A Vampire (New Version)Where stories live. Discover now