21

62K 1.9K 175
                                        

Chapter 21

Pakiramdam ko umiikot ang paningin ko't para akong masuka. Hindi ko lang 'yon pinahalata dahil ang saya-saya nila habang kumakain ng cookies at chips.

"Nasa'n ang tagapagmana?"

Napahawak ako sa ulo ko nang makarinig ako ng boses at mga yabag ng paa. Nang ipikit ko ang mata ko ay may nakita akong senaryo; nasa loob ako ng bahay ni Ma Luisa at Tatay Aldrin. They are both bathed in blood and nearly unconscious. Pinapalibutan sila ng mga lalaking nakabalabal na umaabot ng isang daan.

"Nasa'n si Lucy?!"

"Kahit patayin niyo pa kami, wala kayong makukuhang sagot!"

Biglang sinampal nang malakas si Ma Luisa habang si Papa Aldrin ay pinipilit na tumayo para lumaban. Napatili ako't napadilat. 

Natahimik silang lahat. Hinawakan ako ni Reign sa kamay at tinanong kung ayos lang ba ako. Sinubukan kong titigan sila nang maayos pero umaalon ulit ang paningin ko. Umiikot. Nakakahilo. 

Pinikit ko ang mga mata ko at nakita ulit ang senaryo sa bahay; wala nang malay si Ma Luisa at Papa Aldrin habang ginugulo ng mga lalaking nakabalabal ang buong bahay. 

Umiiyak na ako. Ang sakit ng dibdib ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto kong umuwi para icheck ang bahay pero hindi ko kaya. My vision's blurry and my head's hurting like hell. 

"Si Ma Luisa... Si Papa... Kailangan ko silang iligtas..."

I didn't wait for them to respond. Nang maayos na nang konti ang ulo ko, tumakbo ako palabas ng bahay.

"Get inside the car, Lucy!" sigaw ni Tyler at pinatunog ang kotse niya.

Pumasok ako sa passenger's seat samantalang nasa likod sila Jesse, Reign, Mario at Christian, nagsisiksikan na parang sardinas.

Pinaharurot ni Tyler ang sasakyan. Pumipintig nang malakas ang dibdib ko dahil sa pagaalala.

Hindi ko alam kung bakit nakikita ko 'yon. Was it some kind of a vision? I've never seen visions before. Sana hindi 'yon totoo. 

Habang papalapit kami sa bahay, mas lalong bumibilis ang pintig ng puso ko. Nanginginig ang labi ko habang tinuturo kay Tyler ang daan papunta sa bahay.

"Lucy, tissue oh."

Binigay sa 'kin ni Christian ang isang roll ng tissue. Tinanggap ko naman 'yon pero hindi ko magawang magputol ng tissue dahil sa nanginginig kong kamay. Pakiramdam ko lahat ng parte ng katawan ko'y nanginginig sa takot.

"Kalma ka lang, Lucy. Magiging maayos ang lahat," sinabi ni Reign kaya kahit papa'no, nakatulong naman 'yon sa 'kin.

Nagputol ako ng tissue para ipampunas ng luha.

Tumigil ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Ako ang naunang lumabas at nagtatakbo pataas ng porch at binuksan ang gate. Maraming mga kagamitan ang nawasak. 

"Ma! Papa!" nakahilata sa sahig sina Mama at Papa. Both unconscious.

Alam kong hindi gaano ka-init ang katawan ng isang katulad namin pero mas lalong lumamig ang katawan nilang dalawa.

"Kaaalis lang ng intruder two minutes ago," anunsyo ni Christian na nakatayo sa second floor.

Paano niya nalaman 'yon?

"We should take her to the hospital," suhestyon ni Tyler at lumapit para buhatin si Ma Luisa nang pigilan ko siya.

"K—Kaya ko silang... Kaya ko siguro silang gamutin. O buhayin. O—"

That Nerd Is A Vampire (New Version)Where stories live. Discover now