08.

78.9K 2.5K 219
                                        

Chapter 8

Pinanood ko ang naglalaro ng basketball habang umiinom ng juice. Nasa tabi ng inuupuan ko ang bag at iilang mga librong bitbit ko. Dumadagundong sa gymnasium ang sigaw ng kanilang coach, kesyo dapat ganito ang gawin at ganiyan.

"Hi Lucy!"

Napaigtad ako nang may tumabi sa 'kin. Nilingon ko ang nasa kaliwa ko at nakita si Jesse na nakangiti sa 'kin samantalang si Reign naman ay nanonood sa mga naglalaro sa court.

"Sinabi sa 'kin ni Christian ang nangyari sa mall. Sinaktan ka ba nang sobra ni Suzy?"

Napalingon sa amin si Reign. 

"I'm fine, Jesse. Thanks for the concern."

Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko na nasa gilid at akmang aalis na nang hawakan ni Jesse ang braso ko. Nginitian niya ako at pinatong sa palad ko ang isang maliit na kulay dilaw na papel. 

Nagtataka kong binasa ang nakasaad dito.

I, dean of League University, give permission to Lucy Genevive Mariana Diaz to have the school tour with the two transferees, Jesse Hanna Cruz and Reign Lucianna Torres. - Mendoza.

I looked at them both, then at the yellow note, and back to them.

Hindi ako makapaniwala na nanghingi pa talaga sila ng note from dean. Complete name pa ang nakalagay. Wala na akong takas kundi ang tanggapin ang alok ni Mr. Mendoza para i-tour silang dalawa.

Binulsa ko ang papel at naunang naglakad sa kanila. 

* * *

"'Yang pinto na 'yan ay sa library. May maliit na library, which is that one. Meron ding malaking library doon sa east wing ng Ramos building, first floor. It has huge bookshelves with helpful textbooks, very much helpful for all courses in college here in LU. That mini library consists of a few textbooks, pero helpful din naman. Usually, textbooks for first years ang nandiyan."

I only got one hour straight break kaya huli na itong pinuntahan namin. I gave them the tour they want. Buti nalang at hindi ako yung tipong taong hindi mahilig maglibot. Buti nalang talaga at kilala ko ang bawat building. I managed to answer every questions they threw at me.

Humarap ako sa kanila at ngumiti. New students usually have a tour guide. Nakakapagtakang wala silang naging tour guide sa first day pa lang nila. I wonder this has something to do with me. Kasi kung sa first day pa lang nila, Mr. Mendoza would usually appoint a student to give the new students a tour. 

The whole tour was fun, though. Mas nakilala ko silang dalawa nang maigi. Habang naglalakad kasi kami'y nagkukwentuhan naman kami sa personal na buhay namin. Hindi ko aakalain na napaka-open nila sa 'kin. 

Nalaman kong magpinsan si Jesse at Reign and they both stayed in their uncle's house for awhile dahil wala pa raw sila nakitang dorm na malapit sa university. Pero dahil malaki ang kanilang bahay na tinitirhan, Reign thinks na malabong lilipat pa sila. 

Jesse loves to joke around with her cousin, si Reign naman ay naiirita kay Jesse. Napansin ko 'yon habang nagtotour kami. They're a total opposite. Mula sa kanilang pananamit hanggang sa kanilang attitude.

Sabay kaming tatlo na napalingon sa grupo ng mga babaeng huminto sa gilid namin. Napataas ng kilay si Reign, si Jesse naman ay napairap at humalukipkip. Ako naman ay napaatras at napahigpit ang hawak sa librong nasa mga braso.

Suzy and the minions are here. Hindi naman ako takot sa kanila. Maybe they're here for some revenge. Nagsumbong siguro si Suzy sa mga kaibigan niya.

"Hello, bitch!" Kumaway sa 'kin ni Angelique habang nakangisi pa. "Huwag kang mag-isip na napakaswerto mo ngayong taon dahil may umaaligid na sa 'yo na mga lalaki at may nakikipagkaibigan pa sa 'yo, Lucy."

"Ano ka ba, Angelique. Don't brawl Lucy, nga!" Lumingon sa 'kin si Suzy at nginitian ako. I don't know if it's a sincere one or sarcastic. "Lucy, I am so sorry for being a bitch to you. Especially last night. You do really love your mother, that's why you defended her. Sorry talaga. "

"Duh. A bitch is a bitch. Nakakatawang nagsosorry pa." 

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Reign. Nakatitig lang siya sa mga kuko niya at para bang wala lang sa kaniya ang sinabi niya. Hindi ba niya alam na si Suzy ang kaharap niya? Isang malaking gulo 'to.

"Excuse me?" Tila nao-offend na sinabi ni Suzy, nakahawak pa sa dibdib na para bang nasasaktan. I heard Suzy scoffed while pointing at Reign, nagdadalawang isip kung dadagdagan ba niya ang sinabi niya o hindi.

"Oh? Dadaan ka? Huwag mong sabihing itutulak mo na naman si Lucy para lang makadaan? Wala ka bang mga mata para makita na ang laki ng daan, Suzy?" 

Reign's crossing the line now. 

Dali-dali kong hinila ang kamay ni Reign at niyugyog ito. Napatingin siya sa 'kin at tinaasan lamang ako ng kilay. Tinanggal niya ang kamay ko at nang humarap siya kay Suzy ay may lumipad na palad sa pisngi niya, dahilan sa muntikan niyang pagkatumba kung hindi lang siya nahawakan ni Jesse.

Napatakip ako ng bibig. Sinundan ko ng tingin ang may-ari ng kamay na 'yon at nakita ang galit na mukha ni Angelique.

"Don't you dare talk like that to Suzy, loser." Lumingon naman siya sa 'kin, pati kay Jesse at sunod ay kay Reign. "You are all losers. Get lost!"

Mas lalo akong nagulat sa ginawa ni Reign. Hinila niya ang buhok ni Angelique at sinampal. Wala akong ibang magawa kundi ang mapatakip ng bibig at mapaatras, hindi makapaniwala sa inaasta ni Reign.

Si Jesse naman ay pilit na pinigilan ang pinsan niyang nagaalburoto na sa galit.

"Ikaw ang huwag magbuhat ng kamay sa 'kin. Isang sampal mo pa at matatanggal na 'yang ulo mo!"

Lahat ng mga atensyon ay nasa 'min na. Nahihiya kong hinawakan ang balikat ni Reign at bumulong.

"Please, Reign, umalis na tayo..."

"No, Lucy. These people should learn how to give respect to you!" Tiningnan ako ni Reign at muli sanang ibubuka ang bibig nang pinigilan siya ni Jesse.

"Ayos na, Reign. Tara na."

Muli kong nilingon ang galit na galit na sina Marianne, Suzy at Angelique. I'm not sorry for what happened. Natatakot lang ako sa maaaring mangyari kay Reign dahil sa ginawa niya.

Nang malapit na kami sa building para sa susunod naming subject, may babaeng lumapit sa 'kin at tinapik ang balikat ko.

"Nice scene out there, Lucy. Congrats din sa 'yo," she looked over to Reign. "I hope all of this Suzy rules shit will stop. She's not the queen in LU nor a president. She have no rights to let people fear her. She's not even that great. She's not a god."

Ngumiti ulit siya at umalis.

"Sinon naman 'yon?" kunot noong tanong ni Jesse.

Bahagya akong napangisi nang maalala ang nangyari no'ng isang araw. 

"Si Andi.. Nakilala ko lang."

Defying Geek
graciangwttpd

That Nerd Is A Vampire (New Version)Where stories live. Discover now