12.

71.5K 2.4K 157
                                        

Chapter 12

I'm scared as fuck. Iniisip ko pa lang na nasa loob ng mansion ng may birthday at nilusob ng Locious clan, isa-isang pinatay ang mga tao habang hinahanap ako. It would definitely kill me. My whole conscience would kill me. 

I'm settled. I'm quitting this cotillion dance. I'm quitting school, I'm quitting as Lucy. I'm going to change my identity and leave this town. 'Yon ang naging plano namin ni Ma Luisa. 

Habang naglalakad sa gilid ng kalsada, may nabangga ako sa balikat dahil masyadong occupied ang isip ko sa mga nangyayari ngayon. Nahulog pa ang mga dala-dala niyang paper bags, kaniyang handbag na gawa sa balat ng ahas, isang katamtamang laki ng kahon at ang coat na nakasabit sa braso niya.

"Sorry!" dali-dali kong pinulot ang mga nahulog at nang i-angat ko ang paningin ko, the woman I bumped into was just looking at me.

So I did grabbed all her things by myself and gave it to her. Nagkatitigan pa kami ng ilang segundo bago ako muling humingi ng tawad at nag-bow pa nang konti. She looks like a decent woman, base sa tindig at pananamit niya.

"No, darling. It's fine. Pasensya din dahil 'di kita napansin."

I felt a little jump from my heart so I wholeheartedly smiled at her. 

Napaka-disente ng pananamit niya. Hanggang balikat lamang ang buhok niyang medyo may kulot sa dulo. Isang kulay asul na pencil dress ang suot niya habang nakapatong sa balikat niya ang black coat, nakasabit sa mga daliri niya ang apat na paper bag at ang kahon sa mga palad niya.

"Mukhang nahihirapan ka diyan sa mga dala mo, Ma'am. Pwede ba akong tumulong? Huwag po kayong mag-aalala, hindi po ako masamang tao."

Ngumiti siya sa 'kin at walang pagdadalawang isip na binigay sa 'kin ang ibang gamit niya.

"Thank you very much. You're such a kind girl. Ano bang pangalan mo?"

Habang naglalakad kami at bibitbit ang kaniyang paper bags at kahon, nilingon ko siya at ngumiti.

"Lucy po, Ma'am." 

Pansamantala siyang natigilan habang titig na titig sa 'kin, pero kalauna'y biglang ngumiti nang malapad.

"I'm glad that I met you, Lucy. Kung ibang tao siguro 'yon at masamang tao, naku, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. My name's Esmeralda nga pala."

Huminto kami sa tapat ng isang napakataas na gusali, may nakatatak na LUVICIOUS sa bilog na logo sa itaas, I think that is their company name. And it's a familiar name. I saw that logo somewhere in Ma Luisa's office.

May biglang lumapit sa 'min na lalakeng nakatuxedo at itim na shades. Nag-bow ito kay Ma'am Esmeralda at napatingin sa 'kin.

"Get my things, Jaime."

Agad kong binigay sa nakatuxedo ang mga gamit ni Ma'am Esmieralda. Marami pa ang mga lumapit sa kaniya at nagba-bow, kaya nagtataka na ako.

"Come on in, Lucy. Let's have a snack first before you go. My way of thanking you na rin." 

I was hesitated at first. Pero dahil hinila na ako ni Ma'am Esme ay wala na akong magawa.

Marami ang bumabati sa kaniya, ako naman ay nakatungo lang dahil sa hiya. This decent woman must be the owner of this huge company kaya ganiyan sila kung makatingin sa 'kin at bumati sa kaniya.

Nang makarating kami sa pinakatuktok ng gusali, sa fifteenth floor, pumasok kami sa isang opisina na may nakalagay na President's Office, kaya gano'n nalang ang gulat ko dahil tama ang hinala ko.

"Huwag kang masyadong ma-tensed, Lucy. Just feel at home." 

Ngumiti ako kay Ma'am Esme. She motioned her hand at the long couch kaya umupo ako't muling ngumiti sa kaniya. 

That Nerd Is A Vampire (New Version)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang