05.

84.2K 2.6K 153
                                        

Chapter 5

I've heard of them before. Locious. They are the reckless clan among other clans. They drink the blood of humans instead of animals'. Last year, binalita sa TV at radio ang tungkol sa serial killing. Hundreds of people was murdered and the case was still on-going. Walang makitang lead ang mga otoridad dahil maingat na isinasagawa ng mga tao sa Locious ang kanilang pagha-hunt.

Holding the dog tag I got from the man I beheaded, kinuha ko ang brown leather jacket ko at umalis ng apartment. My knee-high boots made a noise in the middle of the night road. Mahigpit ang hawak ko sa dog tag na nasa bulsa ng aking leather jacket habang naglalakad.

I looked around the dark road. Nang masiguro kong walang tao sa paligid, I immediately sped up. Hindi pa umabot ng trenta minutos ay nakarating na ako sa tapat ng bahay ni Ma Luisa. 

The house—or rather, mansion—was themed with white and gold. Naka-park sa gilid ang anim na kotse nila Ma Luisa at Papa Aldrin. The lot is wide. Pwede pang dagdagan ng sampung kotse but I know they won't like it. Hindi kasi sila masyado mahilig sa mga kotse.

Pumasok agad ako sa loob. Walang katao-tao sa bahay dahil hindi naman sila kumukuha ng maids sila Ma Luisa. They'd hire some people who'll clean the whole mansion but they won't let them stay any longer. Mahirap na pag may makaalam tungkol sa 'min.

I followed Ma Luisa's scent and found her on the couch, sitting above Papa Aldrin's lap while both of them are making out. Napahinto agad ako't umiwas ng tingin. It looked weird to see your parents doing such thing in front of you. Hindi naman sila nakahubad lahat pero ang weird and creepy parin.

Tumikhim ako para makuha ko ang atensyon nila. I didn't bother to look at them again because it's really weird.

"Luvina!" gulat na bulalas ni Ma Luisa kaya nilingon ko na sila. Kasalukuyan niyang sinarado ang butones ng kaniyang blouse at rinig na rinig ko pa ang malalim niyang paghinga. "Bakit 'di ka man lang tumawag sa 'kin para makapaghanda ako?"

Bahagyang umangat ang dulo ng labi ko pero agad ko 'yong inalis. I showed her the dog tag. Napatayo din si Papa Aldrin at tinitigan ang dog tag na ngayon ay hawak na ni Ma Luisa. They both stared at each other—probably doing their eye-talking mode. Oo, ganiyan sila. Nagkakaintindihan sila sa pamamagitan ng kanilang mga mata. Maybe because they are both meant to be together? We have this thing called mate

"Where did you find this?" tanong ni Ma Luisa habang sinusuri parin hanggang ngayon ang kwintas.

Umupo ako sa sofa at kinuha ang wineglass na may kaunting laman na dugo. I drank the remaining blood in just one gulp.

"Nakalaban ko kanina. Around eight. Nakita ko siyang umakto na saktan yung kakilala ko, and so I saved that woman and beheaded that man."

Bumalot ng katahimikan saglit ang living room. Both of them just stared at me and I stared back at them too. Hindi ko alam kung bakit ganiyan sila makatingin sa 'kin.

I've been living all my life with their protection. Maybe they're looking at me like that because it was my first time to beat my own kind. Pinugutan ko pa ng ulo sa harap ng isang tao. 

"Lucy, pack up your things and get back living here. Panahon na siguro para palitan na natin ang—" 

Hindi ko na pinatapos si Papa Aldrin sa sasabihin niya. I stood up from my seat and glared at him.

"I thought it'll take ten years to carry my identity? Pa, kaya ko ang sarili ko. If you're worried that something might happen to me, pwes, I'm old enough to protect myself."

Badtrip akong umalis sa bahay nila at umuwi. Ayoko sa lahat na kontrolin nila ang buhay ko. Wala ba silang tiwala sa 'kin? It's time for me to stand on my own. Hindi 'yung palagi nalang akong sumasandal dumedepende sa kanila.

That Nerd Is A Vampire (New Version)Where stories live. Discover now