13.

68.8K 2.2K 131
                                        

Chapter 13

It's official. I successfully told Reign and Jesse na hindi na ako makakasali sa cotillion dance at mas lalong hindi ako makakapunta sa party. Naging maluwag na ang paghinga ko to think na ligtas na ang lahat mula sa Locious clan. 

Few more days, sisimulan ko na ang process sa pagpapalit ng identity ko. I was thinking to live outside the country and change my name into Megan or Melissa. I could also change my identity as a celebrity. Bagong buhay, bagong challenge.

Huminto ako sa gitna ng hallway habang bitbit ang mga folders na pinautos sa 'kin ni Mrs. Jaca. I was on my way to her office when a familiar voice called my name.

"Lucy."

Si Patricia, katabi si Kath na hindi kayang makipagtitigan sa 'kin. Naalala ko tuloy yung ginawa sa 'kin ni Pat. I mean, hindi niya 'yon ginawa on purpose kundi si Suzy ang nagutos sa kaniya. I already forgave her for that.

"Hello, Patricia, Kath."

Ngumiti ako nang pilit sa kanila. Sa dalawang taong lumipas na hindi sila kasama at sa pagiiwas nila sa 'kin, ngayon ko lang ulit sila nakaharap nang ganito. They've been treating me as ghost ever since I got bullied.

"Lucy, gusto ko lang humingi ng tawad sa 'yo. Patawad kasi masyado akong natakot at nadala sa sarili ko para gawin ko 'yon sa 'yo. Sorry kasi masyado akong duwag. Sorry kasi tinalikuran kita. Tinalikuran ka namin at iniwan sa ere," ani Pat, lumuluha pa ang mga mata. "Sorry kung ngayon lang ako nakapag-sorry sa 'yo."

Lumipat ang tingin ko kay Kath na hanggang ngayon ay hindi parin tumitingin sa mga mata ko. Nanatiling nakayuko habang pinaglalaruan ang daliri niyang may maraming singsing.

Magsasalita na sana ako para sumagot kay Pat nang biglang nauna si Kath. Mabilis lamang 'yon na para bang nagmamadali at hanggang ngayon, alam kong iniiwasan parin niya ako.

"'Yon lang. Sorry." And they left.

* * *

The class ended. From eight to twelve, magkakasama kami ni Reign at Jesse 'til lunch break. Pagkatapos no'n ay maghihiwalay kami kasi magkaiba na ang tatlong subject na susunod, tapos sa huling subject ay muli na naman kaming magkikita.

Kasalukuyan kaming nakilinya para bumili ng lunch. Nang kami na ang pipili ay as usual, tubig na naman ang binili ng dalawa habang ako ay isang serve ng ulam, rice at tubig.

"Tapatin niyo nga ako," sabi ko habang puno ng rice ang bibig ko. Nilunok ko muna ang pagkain habang tinuturo sa kanila ang tinidor kong may nakatusok na karne. "Bakit ba 'di kayo kumakain tuwing lunch? Ano, araw-araw kayong busog?"

Dahil sa sinabi ko ay biglang naubo si Jesse mula sa ininom niyang tubig, si Reign naman ay siniko ang pinsan niyang nagulat sa tanong ko.

"Busog talaga kami. 'Di ba, Jesse?" Reign glared at Jesse who nodded quickly.

"Oo! Busog na busog talaga kami, Lucy."

I gave them a suspicious look before continued eating my lunch. Habang nasa gitna ng pagnguya ay may biglang nagdabog sa lamesa namin ng tray na may lamang biscuit at softdrink in can.

Inangat ko ang tingin ko sa nagdabog. Si Suzy, kasama ang mga kaibigan niyang si Angelique at Marianne sa magkabilang gilid niya. I've never seen them around. Kahit nung practice ng cotillion dance, hindi ko rin sila nakikita. The last time I saw them was when Ma'am Yana nearly gave us one year community service. Himala at nabuhay ulit ang presensya nila.

"Can we sit here?" ngumisi pa si Suzy. Hindi pa man kami sumagot ay umupo na kaagad silang tatlo saming table. Suzy sat in between Reign and Jesse. Si Angelique at Marianne naman ay pinagitnaan ako.

That Nerd Is A Vampire (New Version)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora