28.

49.9K 1.6K 90
                                        

Chapter 28

"Lucy, kunin mo nga 'yang bowl sa gilid mo."

Huminto ako sa pagslice ng apple at inangat ang tingin kay Suzy na nasa tapat ko. Tinaas niya lamang ang kaliwang kilay niya at tinuro ang bowl ng sliced pineapples sa gilid ko. Hindi ko pinansin ang mga titig ni Papa sa 'kin at sinunod ang utos ni Suzy.

Riana keeps on staring at me. Hindi ko alam kung bakit kaya mas lalo kong sinarado ang isip ko. 

Nang matapos sila Papa at Riana magtanghalian, naiwan kaming dalawa ni Suzy at ang mga butlers na nasa sampu. Unti-unti na nilang nililigpit ang mga pinggan na walang laman at nililinis ang buong dining hall.

I heard Suzy's chair moved and the sounds of her stilettos. Kita sa gilid ng mata ko na umikot siya sa table habang hawak ang bowl ng pinya at palapit sa 'kin.

I stopped slicing my last meat when I saw a vision of Suzy tripping off from her feet and all the pineapples and its juices spilled on me.

When my vision came back, hindi ko na nagawang umiwas kay Suzy at sa paglingon ko sa kaniya ay lumipad na papunta sa 'kin ang mga pinya at ang juice nito. Naipikit ko agad ang mga mata ko at narinig ang pagbasag ng bowl sa sahig. I felt my body twitched from the glass that hit my skin.

"Oops, hindi ko sinasadya."

Bumuntong hininga na lamang ako at hinayaan ang mga butlers na linisin ang sahig, kunin ang mga pinyang nasa katawan at ulo ko at ang tanggalin ang mga bubog na tumusok sa balat ko.

I should control my anger. Hindi ko dapat ipalabas 'to.

"Thanks," I mumbled to the butler and got up from my seat. "Paki-linis nalang po ang nasa lamesa. Tapos na po ako. Salamat."

I turned my heels around and started to walk away when Suzy grabbed my arm. Hinila niya ng malakas ang braso ko kaya pakiramdam ko nahilo ako saglit.

"Ano ba?"

"Sabihin mo nga sa 'kin, bakit 'di ka naaapektuhan kay Mama?"

"Ano? Hindi kita maintindiha—"

"My mother can manipulate someone's mind, Lucy. Sinabi niya sa 'kin na hindi ka niya makontrol. What did you do?"

Natulala ako saglit. Kaya pala ang sama ng titig niya sa 'kin kanina. They must've comminucated with their minds. 

"What can you do, Lucy?"

Natauhan na lamang ako nang higpitan ni Suzy ang hawak niya sa braso ko. Winakli ko ang kamay niya at huminga nang malalim.

What can I do?

"Hindi ko alam," sagot ko.

I stared in her eyes for a second and I felt drowning again. I can see flashes of images inside her. Nakita ko yung eksena na binubully niya ako back in League University, tapos yung gabing niligtas ko siya mula sa isang bampira.

"Ano, malapit na ba siya?" tanong ni Suzy sa lalaking napatay ko noong niligtas ko siya.

"Papaliko na po. Pupwesto na ako sa itaas, Madame."

"Sige. Basta ayusin mo ang acting mo!"

"Pero Madame, paano kapag napatay niya ako?"

"Edi unahan mo siya, bobo!"

The man jumped high on the roof of the house and waited there. Tapos biglang tumunog ang telepono ni Suzy at sinagot niya 'to.

"Hello, Pa?"

I couldn't hear their conversation. Nasa maayos na anggulo lang ako pero hindi ko marinig masyado ang sinasabi ni Papa na nasa kabilang linya. Suzy's face turned into furious, I guess Papa said something that she don't like. Pansin din ang panginginig ng kamay ni Suzy na hawak ang kaniyang telepono.

"Ano? Ako? No way! Ayoko sa lalaki na 'yon. I hate you! I really, really hate you for planning that without my permission! Sa walang kwentang anak mo nalang siya ipakasal!"

Then I came into the view, saved her ass from the vampire whom I thought that'll hurt her. Nang makaalis na ako sa lugar na 'yon dala ang dogtag na may-ari ng lalaki, dali-daling umalis sa lugar si Suzy at nagtago sa likod ng dingding ng maliit na gusali.

"Bobo pala 'yon, eh. Kala ko ba magaling na kriminal 'yon," bulong niya sa sarili niya at naglaho nalang bigla.

The image changed; I can see Angelique with Suzy inside a bar. Kapwa sila umiinom ng alak habang nakaupo sa counter. Angelique seems to be too bothered.  Napansin kong ang dumi ng unipormeng suot niya kaya alam ko na agad na ito yung gabing nalaman niya ang tungkol sa pagkatao ko.

"So you mean... Hindi tao si Lucy?" tanong ni Suzy habang pinaglalaruan ang laman ng alak sa baso niya.

"Oo. Muntik pa nga niya akong kagatin tapos—"

"Okay, enough. I'm sorry, Angel, but you're not supposed to know that."

Sinenyasan niya ang lalaking nasa pinakamalapit at lumapit ito sa kanila. Angelique's eyes widened and dropped her glass of alcohol on the counter and it spilled. 

Nang dumikit ang balat ng lalaki kay Angelique, nawalan siya ng malay at maingat na binuhat. Nobody seems to care what happened between them.

"Siguraduhin mo na sa dungeon ang bagsak niya. Susunod lang ako mamaya. I'll settle things with her family."

Everything changed again. It was a quick image of Andi being chased by a man—a vampire. Nang makagat si Andi, umalis naman ang lalaki habang duguan ang bibig. Suzy was standing near him, passed an envelope to him and walked away. Then another vision of Jameson being stabbed by a man; then kinausap ni Suzy ang lalaking sumaksak kay James at binigyan ng isang sobre.

Tapos kasama niya si Marianne isang gabi sa loob ng bar kung saan kinuha si Angelique. With the same man who took Angelique to a dungeon, binuhat din niya si Marianne matapos nitong mawalan ng malay.

I felt myself brought back into my senses and blinked my eyes. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. I know it only took seconds for me to drown with her memories; but it felt like hours for me to see everything. 

Napatitig ako sa mukha ni Suzy. I felt my hands clenched as I remembered the faces of her victims. Andi, James, Angelique and Marianne. Is there any other victims she had? 

"Ano?" tanong niya habang nakataas ang kilay.

Umiling ako at tinalikuran siya. Those images I saw were her past; her dirty past. 

Naalala ko ang panaginip ko noon na nasa loob ng dungeon at may dalawang pigura ng babae ang nasa magkaibang cell. If I'm not mistaken, both of  them were my schoolmates. Si Angelique at Marianne.

Paano nagawa ni Suzy 'yon sa dalawang matalik na kaibigan niya? Such an evil. 

I need to find that dungeon and save them. 

Defying Geek
graciangwttpd

That Nerd Is A Vampire (New Version)Where stories live. Discover now