Chapter 7
"Hindi pa tayo tapos mag-usap."
Napanganga ako. He looks desperate. Dinala pa niya talaga ako sa canteen at sa harap pa ng maraming tao. Everyone's looking at us, trying to eavesdrop. Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko at kahit na nalilito ako, tumalikod ako and sprinted my heels to outside.
Ano bang pumasok sa isip niya't sa canteen pa niya ako dinala? He's out of his mind. Ano bang pakulo niya't ginawa niya 'yon.
Dahil sa inis ko kay Tyler, hindi ko namalayan na ibang direksyon na pala ang tinatahak ko. I looked around, hoping to see a sign that I'm still inside the university. At tama nga ako, nasa loob pa ako. I saw the abandoned office where Patricia brought me the other day.
Babalik na sana ako sa dinaraanan ko nang makarinig ako ng malakas na kalabog. Napahinto ako. Hinanap ko ang tinig na 'yon nang bigla na naman akong nakarinig ng tunog. This time, a howl of a woman that sounds like she's in a deep pain.
I can hear her fast heartbeats, sweats falling down on her skin and her footsteps echoing. Sigaw ito nang sigaw ng tulong, parang may naghahabol sa kaniya.
Nobody seems to notice. Malayo na kami sa kung nasa'n ang mga tao. This lot is already abandoned.
Sinundan ko ang babae. Binilisan ko ang mga hakbang ko hanggang sa nakita kong may dugo sa sahig sa may dingding ng abandunadong office. I started to smell it and felt my eyes burning. And I know it's already turning into the color of ruby.
Hinayaan ko ang bag kong dumausdos mula sa 'king balikat at sa isang iglap, I'm following the woman's scent. Tila hinihila ako ng amoy nito, takam na takam kong sinundan ang mabangong amoy ng may-ari ng dugo.
Humahampas sa mukha ko ang malamig na hangin sa bilis ng pagtakbo ko. Wala pang isang minuto ay nakita ko siya, nakahiga sa malamig na lupa, ang katawan niyang natatabunan ng mga tuyong dahon at putik ay bahagyang nanginginig.
Lumuhod ako sa harap niya. Sinubukan kong itaas ang braso niya pero lumupaypay lamang ito. Napakalamig na rin ng kaniyang katawan at parang mawawalan na siya ng buhay ilang segundo nalang.
I tried to fight the urge to taste her blood. Sinampal ko pa ang sarili ko para lang huwag ituloy ang paglapat ng labi ko sa malamig niyang katawan. She needs help! She's dying! Wake up, Lucy!
Tuluyan akong nagising sa kahibangan ko. I felt my eyes stopped from burning, my teeth going back to its shape and my veins stopped turning into black.
Dahil bumalik na ako sa sarili ko, hinawakan ko ang pulsuhan niya't halos mapamura nang wala na akong maramdamang pintig ng puso niya.
She's dead.
Tatayo na sana ako para humingi ng tulong nang may mapansin akong dalawang butas sa kaniyang leeg. It stopped from bleeding, pero alam ko na agad kung ano 'yon. The monster who did this to her is just like me. Vampire.
Hinanap ng mata ko ang maaaring gumawa nito sa kaniya. She's dead a minutes ago, the culprit might still be here, watching us. Pero 'gaya ng inaasahan ko, wala akong makita kundi ang bakanteng lote lamang.
Muli akong lumuhod at hinawakan ang malamig niyang bangkay. I know I must not be touching her, kasi baka ako ang maging suspect ng mga tao. But something inside me says I must touch her every veins, her cold body.
YOU ARE READING
That Nerd Is A Vampire (New Version)
Vampire✓ | Lucy thought she'd live all her life surrounded with humans that's supposedly to be their food. She disguised herself many times, lived her life with many names, and at last, she disguised herself as a nerd under the name of Lucy Genevive Marian...
