Chapter 32
Siguro nga nasa katawan ko ang ruby. I remember those times when I saved three living creature's lives. How my eyes turned into blazing ruby.
Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko nang maramdaman kong may nakamasid sa 'kin. Nasa ibabaw parin ako ng sanga ng puno, nakaupo at dinarama ang malamig na hangin ng gubat.
"What do you think?"
Muntik akong mahulog sa kinauupuan ko nang makitang nasa gilid ko pala ang nakamasid sa 'kin. Napayakap agad ako sa tree trunk at ang isang kamay ko'y nakapatong sa dibdib.
"Ginulat mo 'ko, Tyler."
How did he get here without me knowing it? Mararamdaman ko dapat 'yon dahil gumagalaw naman ang sanga na inuupuan ko.
"What do you think about the ruby?" tanong ulit niya kaya dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ko sa palibot ng trunk at pinatong ito sa 'king hita.
What kind of question is that, Ty? Of course I don't know. But I have a theory. Pero mas mabuti kung masagot talaga ni Mama ang lahat ng 'yon.
"Ako ang Great Ruby," I answered without any hesitations. That was my theory, I am the Great Ruby. Imposible naman na nalunok ko ang batong ruby noong bata pa ako. Or maybe, someone casted a magical incantation to put the ruby inside me. Kung tunay ngang may nakakagawa no'n.
Naguguluhan na ako.
I heard Tyler snorted from the theory I had told him. Of course, no one would believe me. No one would agree with it.
"Pwede rin. Pero pwede rin hindi," sinabi ni Tyler at tumalon sa lupa.
Yumuko ako para makita siya. It was a tall tree, I don't know how I manage to get up here that fast.
Nagdadalawang isip ako kung tatalon ba ako o bababa nang maayos sa mga sanga. Ended up, I jumped like what Tyler did. Bumaliktad ang sikmura ko pero nakapag-landing ang mga paa ko nang maayos sa lupa. Smoothly, like a cat.
Nakapamulsa si Tyler na nilibot ang paningin sa paligid. May inilabas siya mula sa kaniyang bulsa at pinakita sa 'kin ang isang maliit na box. Maybe two inch high on each sides and one and a half inch wide.
"Kunin mo 'to."
Pinatong niya ang box sa palad ko at tumalikod na mula sa 'kin. Nagtataka kong binuksan ang box at bumungad sa 'kin ang isang ordinaryong bato na kasing liit ng hikaw. It was lying safely on a soft small black cushion.
"Para sa'n naman 'to?" hinabol ko siya pero hindi siya dumiretso sa kweba. Lumiko siya sa isang daang hindi ko alam kung saan papunta.
"Incase you'll lose hope," sagot niya at umakyat sa mga batong parang pinagpatong-patong. I followed him and pocketed the box.
May mga matutulis na bato akong naaapakan pero hindi ako humihinto. Tyler kept on going, I didn't stop following him.
Tahimik lang ang kaming umakyat pataas ng bundok na puros mga malalaking bato. Habang pataas kami nang pataas, napapansin kong nagiging lupa na ang dinadaanan namin at may mga puno na.
Hindi ko alam kung nasa gitna ba kami o nasa pinakatuktok na. Masyadong malayo na ang nilakad namin at lumalakas na ang hangin.
"Tyler, saan ka nga pala pupunta?"
Nilingon lang ako ni Tyler at nagpatuloy ulit sa pag-akyat. Huminto ako saglit at napahawak sa manipis na punong kahoy dahil sa lakas ng hangin.
"I'm going to show you how Master survived."
Nagpanting ang tenga ko. Kahit na halos liparin na ako ng malakas na hangin, muli akong naglakad para humabol kay Tyler.
Nakarating kami sa pinakatuktok at mas lalo lang lumakas ang hangin. Ang buhok ko'y nagwawagayway na at naririnig ko na ang paghampas ng hangin sa damit ko.
VOUS LISEZ
That Nerd Is A Vampire (New Version)
Vampire✓ | Lucy thought she'd live all her life surrounded with humans that's supposedly to be their food. She disguised herself many times, lived her life with many names, and at last, she disguised herself as a nerd under the name of Lucy Genevive Marian...
