26.

54.3K 1.6K 85
                                        

Chapter 26

Sir Malcolm cried in front of me and when he's calmed, he stood up. Pinunasan niya ang kaniyang luha gamit ang dulo ng sleeves ng itim na shirt niya at tumawa nang mahina.

"Patawad kung ganito agad ang pinakita ko sa 'yo, anak. Ako nga pala si Malcolm Sandoval pero mas gugustuhin kong tawagin mo akong Papa."

Bahagya akong ngumiti. Hearing that word—anak—from my real father makes my heart flutter. I don't know how to respond or how to accept his hand outstretched in front of me, but I hugged him. Tight. Very tight that I don't know if he could still breath.

Hindi ko namalayang lumuluha na pala ako. 

"P—Papa..."

Hinimas-hima ni Papa ang likod ko nang maramdaman niyang gumagalaw ang balikat ko sa pag-iyak. Marahan niya akong inilayo mula sa kaniya at siya na ang nagpunas ng luhang kumawala sa mata ko gamit ang kaniyang hinlalaki.

Inalalayan niya akong umupo sa 'king kama at patuloy na pinapatahan. Hindi ko alam kung bakit ako nagkaganito, kung ba't ako umiiyak sa harapan niya. Maybe because he called me anak? Or maybe it was because I finally met my father?

I appreciated Ma Luisa and Papa Aldrin for being my parents the whole time. At least, somebody took care of me and treated me as their own. Pero iba ang feeling kapag yung tunay mong kadugo ang tumawag sa 'yo na anak at ang nagpalaki sa 'yo. 

His memory of him and Ma'am Esme keeps on playing in my mind. Ang umbok sa tiyan ni Ma'am Esme, ang masayang ngiti nilang dalawa, ang paghalik ni Papa sa tiyan ni Mama.

I want to see them both. I want to have them again. I want to see them smiling each other like the old times. Pero mukhang malabo na. 

Habang umiiyak, 'di ko hinayaang buksan ang isip ko para mabasa ni Papa. I know now how to control it and I won't let them read what's inside my head, even my father. Katabi niya palagi si Riana at Suzy kaya hindi pwedeng basta-basta ko nalang bubuksan 'to.

Nang mahimasmasan na ako, tinanong ko kay Papa kung nasa'n si Mama ngayon, si Ma'am Esme.

* * *

My mother's dead. May nakakita sa kaniya na nahulog sa cliff at hindi na nakita pa ang katawan kahit na pinaghahanap nila sa pinakaibaba ng cliff. That's what Papa said to me. The way he told me the story feels like déjà vu. 

Cliff

It was the same from my dream but the difference is, he said someone saw that she fell not someone pushed her to fall.

Buong gabi ay kinuwento niya sa 'kin ang nangyari. Habang kinukwento niya, nakikita ko naman ang senaryo—ang memorya niya.

He was dressed in a black leather jacket and beneath is a white sando, black shorts and a pair of sandals. Kasama niya ang nasa limang men in cloaks, Papa call them as his Guardians, the ones who keep the Royal Vampires safe and the whole clan.

Hinahanap nila si Ma'am Esme, my mother, and was divided into groups to find her easily.

Kwento pa sa 'kin ni Papa, mahilig daw mag-adventure si Mama. Mahilig maglakbay sa mga bundok, pumunta sa ibang lugar o magcamping mag-isa. Pero umabot na raw ng limang buwan at hindi pa siya umuuwi, nagtataka na siya at kinutuban sa maaaring mangyari kay Mama. That's why Papa left me at our place with his other people to protect me.

Habang nasa malayo sila , hindi nila alam na nilusob ng taga-Daeva clan ang town. Nilusob ang bahay at kinuha ako.

Daeva Clan's their mortal enemy. There this stone, great ruby, na sobrang makapangyarihan. Simula nung matagpuan ang ruby malapit sa Locious, nagpumilit angkinin ng taga-Daeva ito. Curious sila kung ano ang magagawa ng ruby at nang malaman nila kung ano ang pwedeng gawin sa ruby, they want it even more. Kaya sila lumusob at kinuha ako para gawing bait.

That Nerd Is A Vampire (New Version)Where stories live. Discover now